By: Michael Juha email: getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ---------------------- WARNING: This post contains scenes which are not suitable for readers under 18. Mistulang napako ako sa aking kinatatayuan. Alam kong pati si Anne ay nagulat din sa sorpresa ni Mico para sa akin. Ramdam ko kung bakit itinuloy pa rin ni Anne ang paglahad sa aming sorpresa sa kabila nang naroon na si Kuya Renan. Ayaw niyang basta-basta na lang tatalikuran ko ang aming usapan. Gusto niyang ilagay ako sa hot seat at mamili. At gusto niyang si Mico ang pipiliin ko. Nilingon kong muli si Kuya Renan na nakatayo lang sa dulo ng aisle, hawak-hawak ang kanyang dalang mga pulang rosas at naghintay sa akin. Nang nilingon ko naman si Mico na nasa stage, nakatayo rin siya, nakatingin sa akin halat