RYLEIGH'S POV "LEIGH, mag-usap tayo!" Napatingin ako kay Matthew. Halata ang galit sa mukha niya. Mabilis naman na humarang ang mga bodyguard ko sa kaniya para hindi siya makalapit sa akin. Tumingin ako sa itaas. Nasa harapan kami ngayon ng Monteverde Group of Companies. "Anong pag-uusapan natin?" tanong ko kay Matthew. "Ikaw ba ang nagbigay ng mga ebidensiya para malaman nila ang tungkol sa mga ginawa ko?! We made a deal," galit niyang saad. Natawa naman ako, "deal? Sa pagkakaalam ko ay wala naman tayong pinag-usapang deal." Ngumiti ako ng matamis. "At isa pa, bakit hindi ba sila pwedeng mag-hire ng private investigators para alamin ang mga ginagawa mo sa kumpanya? Mr. Castillo," I sighed and shook my head, "masyado kang nakakaawa." "I am the president of MGC but because of you, I lo