RYLEIGH'S POV "MORNING, Az," bati ko kay Azriel nang makapasok ako sa kusina. Ipinalibot ko ang braso ko sa leeg niya mula sa likuran at hinalikan ko siya sa pisngi. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Morning, Baby. Umupo ka na at kumain." "Morning, Mommy," bati sa akin Azry. "Morning, Baby." Hinalikan ko siya sa nuo. Umupo ako sa tabi ni Azry. Nilagyan ko ng pagkain ang pinggan ko. Nagtaka ako ng hindi ko makita si Anniza. "Si Anniza?" "Malamang tulog pa 'yon," sabi ni Azriel. Napailing ako. "Iyang kapatid mo talaga. Kahapon pa 'yan nagmumukmok," sabi ko. "Bakit?" tanong ni Azriel. "Ewan ko pero nag-away yata sila ni Owen, eh." Nagkibit ako ng balikat. "Talaga? Well, buhay naman nila 'yan. Ayusin nila." Tumango ako at nagsimula ng kumain. Napatingin ako kay Azriel nang tumayo si