RYLEIGH'S POV NANG makarating kami sa kumpanya ni Azriel, bumaba kami ni Azry ng kotse. Tinignan ko ang building. Halos magkapareho ng taas ang MGC at HGC. Ngayon pa lang ako nakapunta dito pero ang anak ko nakapunta na dito dahil isinama siya na noon ni Azriel. Tumingin ako kay Azry. "Let's go, Baby." "Yes, Mommy." Ipinakita ko ang ID ko sa guard. "Come in, Ma'am." Ngumiti ako at pumasok pero maya-maya ay may lumagpas sa amin na babae at nauna ito sa loob ng elevator. Papasok na sana ako nang hinarangan ako ng babae at tinaasan niya ako ng kilay kaya hindi kami nakapasok. Kumunot ang nuo ko at tumingin kay Olivia. "Do you know her?" tanong ko nang sumara ang elevator. Umiling si Olivia. "I don't know her, Ma'am." Hindi na bago sa akin ang ganoong hitsura ng babae. May napagdaanan