RYLEIGH'S POV HINDI ko inaasahan ang pagdating ni Anniza. Hindi sinabi sa akin ni Azriel na darating ang kapatid niya kaya naman nagulat ako nang makita ko si Azriel na bumaba ng kotse at kasama niya si Anniza. Sinundo niya ito sa airport. "Hi, Ry," bati sa akin ni Anniza at niyakap ako. "I miss you. Mas namiss kita kaysa kay Kuya." I chuckled. "I miss you too." "Where's Azry?" tanong ni Anniza. "He's in the room. Sleeping." Napanguso si Anniza. "Magpahinga ka na muna kaya," sabi ni Azriel. "Mamaya mo na lang guluhin 'yong bata." Inirapan ni Anniza ang kapatid niya. "Okay. Fine. Owen, please bring my bag to my room," utos nito kay Owen. "Kung makautos naman 'to, akala mo boyfriend 'yong tao. Mahita ka naman," sabi ni Azriel na halatang inaasar lang ang kapatid. "Wow, Kuya. Kung m