Chapter 14 - Confession

1760 Words
Maingat akong inalalayan ni Kuya paupo sa mahabang sofa bago siya tumabi sa akin. He took his handkerchief out of his pocket and wiped my tears. Inayos din niya ang aking magulong buhok. “Tama na, sweetheart. Huwag ka nang umiyak. Nandito na si Kuya, okay?” masuyo niyang saad at niyakap akong muli. Nang maalala ko ang mga pinagsasabi ni Maryse ay muli akong napahagulgol ng iyak sa mga balikat ni Kuya habang mahigpit akong nakayakap sa kaniyang baywang. Ang sakit palang masampal ng katotohanan. Ang sakit palang malaman na pinaglalaruan ka lang ng taong mahalaga sa ‘yo. Kahit may agam-agam ay umasa akong totoo ang mga sinabi ni Josha kagabi. Ang buong akala ko ay hiwalay na nga sila. Pero isa akong malaking hangal. It was foolish of me to believe that he would choose me over his girlfriend, no, fiancée. Ano’ng laban ko sa Maryse na iyon? Ni wala ako sa kalingkingan niya. Kung pagtatabihin kami ay para lang akong basahan sa tabi ng mamahaling vase. Ang hirap palang maging mahirap. “That’s enough, sweetheart. Stop crying and fix yourself. Come on, let me help you. Let’s go to your room. Hindi pwedeng ganyan ang hitsura mo paglabas natin. Baka sabihin ng mga tao na ako ang nagpaiyak sa ‘yo. Namamaga na ang mga mata mo. Siguradong magagalit sa akin si Mom dahil iisipin na naman niya na inaway kita. Tahan na please and give me your room key.” Kinuha ko ang susi ng kuwarto ko sa loob ng aking bag at ibinigay kay Kuya. Nagpaubaya ako nang akayin niya ako pabalik sa kuwarto ko. Bitbit niya ang aking bag. Pagpasok namin ay isinarado niya ang pinto at inalalayan akong umupo sa gilid ng kama. Tinungo niya ang parte ng closet ko kung saan maayos na nakalagay ang mga tuwalya. Alam niya ang pasikot-sikot sa kuwarto ko dahil ilang beses na siyang nakapunta rito lalo na noong kapapasok pa lang niya sa fraternity na sinalihan niya nang nakaraang taon. Kumuha siya ng maliit na towel sa closet bago pumasok ng banyo. Pagbalik niya ay umupo siya sa tabi ko at maingat akong iniharap sa kaniya. Nilinis niya ang aking mukha pati na rin ang aking mga kamay. “Sweetheart, ano ba ang nangyari? At sino ang babaeng iyon?” Sa halip na sagutin siya ay bahagya lamang akong umiling. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang lahat. “Alright. Maghihintay ako kung kailan handa ka nang sabihin sa akin. For now, why don’t you take a bath first? Saka ko gagamutin ang mga galos mo sa kamay.” Hindi ako sumagot. Nakita kong inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong kuwarto ko. “Naaalala mo pa ba noong kapapasok ko pa lang sa fraternity? Tuwing may hazing kami at may mga pasa ako sa likurang bahagi ng legs ko, dito ako dumidiretso at ina-applyan mo ng cold at hot compress para hindi lumala. Tandang-tanda ko pa na palagi akong nakadapa rito sa kama mo habang ginagawa mo iyon.” Umangat ang aking mukha at nagkatitigan kami ni Kuya. I smiled when I suddenly remembered the first time we met. Kapapasok ko pa lang sa university noon. It was during enrollment, summer of last year. Nakapila ako sa ID section ng university. Nakuha niya ang atensiyon ko dahil masyadong mahangin ang kaniyang dating. Isa siya sa apat na lalaking nakasabay ko sa pagpapakuha ng litrato. Magkakaibigan silang apat at parehong Electronics and Communications Engineering ang kanilang kurso. Nang ibinigay nila sa akin ang school ID application forms nila upang sabay na ipasa ay doon ko nalaman ang kaniyang buong pangalan, Leonard Cynel Hayes Lacson. “Cute name”, sabi ko sa isip ko. “Miss, how do I look? Gwapo na ba?” tanong niya bago humarap sa camera na ikinatulala ko. Tumango lang ako bilang tugon. Nang ako na ang kukuhanan ng picture ay naka-ilang take ang photographer dahil palagi akong natatawa. Itong si Kuya kasi ay nagmi-make face habang nakapuwesto sa likod ng photographer. Hanggang sa lumabas kami ay panay ang tawanan naming dalawa. Doon na nagsimula ang aming pagkakaibigan. “Bakit ka napapangiti?” untag niya sa pagbabalik-tanaw ko. “Wala, Kuya. Naalala ko lang ang first meeting natin. Natatandaan mo pa ba, ha, Leonard Cynel?” “O—Of course. I will never forget that day because that’s when I met you,” masuyo niyang saad habang dahan-dahang umangat ang kaniyang kamay at banayad na hinaplos ang aking pisngi. Hindi ko inaasahan ang kaniyang ginawa. Malapit kami ni Kuya sa isa’t isa ngunit iba ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya ngayon. Nagulat ako at mabilis na tumayo. Bigla akong naasiwa. Nakita ko ang pagkabahala sa kaniyang mukha habang nahihiyang ibinaba ang kaniyang kamay. “Kuya, m—maliligo muna ako,” saad ko habang napapakamot ng ulo. Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot at nagmadali na akong pumasok ng banyo. Pagkarating ko sa loob ay kaagad kong ini-lock ang pinto. Napasandal ako sa likod niyon. “What just happened?” tanong ko sa sarili. Pagkatapos maligo ay tinuyo ko ang katawan ko bago lumabas ng banyo, suot lang ang roba. Wala akong nadalang damit at underwear kanina dahil sa pagmamadali ko. Paglabas ko ay nakita ko si Kuya na nakapikit habang nakaupo sa gilid na parte ng kama at nakasandal sa headboard. Nahubad na niya ang kaniyang sapatos at maayos na nakalagay sa shoe rack. Naengganyo akong titigan siya. Hindi ko na namalayan na sa halip na sa aking closet ako pumunta ay humakbang ako patungo sa kaniyang kinaroroonan. Nakatayo lang ako sa gilid ng kama habang titig na titig pa rin ako sa kaniya. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang kaniyang mukha. Napakagwapo nga pala niyang talaga. Mahilig siya sa taper haircut. May mga mumunti siyang facial hair na mas dumagdag pa sa karisma niya. He has a pair of thick eyebrows na malinis na nakahulma sa ibabaw ng kaniyang magagandang mga mata. May mahahaba siyang pilik-mata at matangos na ilong na binagayan ng mapupulang mga labi. Naaaliw akong pagmasdan siya habang payapang natutulog. When suddenly his head started tilting to the side. Kung hindi ako sasaklolo ay mahuhulog siya sa kama. Nagmadali akong lumapit sa kaniya upang masuportahan siya. Ngunit dahil hindi ako kataasan ay saktong sumubsob ang kaniyang mukha sa gitna ng aking dibdib na hindi ko na namalayang medyo nakalabas na ang itaas na parte dahil bahagyang nahila pababa ang roba ko. Sa ganoong posisyon siya napamulat. Without a word, he grabbed my wrist. Kaagad niya akong inihiga sa kama at ikinulong sa kaniyang mga bisig. “Ku—Kuya... B—Bakit?” nauutal kong tanong. “Sweetheart, bakit si Josha pa? Bakit hindi na lang ako?” “A—Ano ang ibig mong sabihin?” “Sweetheart, mahal kita. Mahal na mahal kita, noon pa,” saad niya na sobra kong ikinagulat. “Simula nang makilala kita, hindi ka na nawala sa isipan ko. That’s why I did everything to win your friendship. Dahil akala ko sa ganoong paraan ay mapapalapit ako sa ‘yo. But I was wrong. I was wrong because you made that stupid deal with me na dapat hanggang friends lang tayong dalawa. Please, sweetheart, ako na lang.” Naging pabulong ang huli niyang sinabi dahil nakasubsob na ang kaniyang mukha sa aking balikat. Nabigla ako sa kaniyang ipinagtapat. Ni minsan ay hindi ko naisip na higit pa sa pagiging kaibigan at kapatid ang tingin niya sa akin. Hindi ako nakasagot. Maya-maya pa ay naramdaman kong bahagyang yumugyog ang mga balikat niya at doon ko napansin na umiiyak na siya. “K—Kuya, bakit ka umiiyak?” nag-aalala kong tanong sabay hawak sa kaniyang balikat. “Ang sakit-sakit na sa dibdib, sweetheart. It hurts me so bad every time I hear you mention J—Josha’s name. Ramdam ko kasing g—gusto mo siya samantalang ako na mas una mong nakilala ay hanggang k—kaibigan lang para sa ‘yo. Noong nalasing ka, gustong-gusto kitang iuwi sa bahay lalo na nang t—tumawag siya. Labag sa loob ko ang ipaubaya ka sa kaniya nang gabing iyon dahil baka may m—mangyari sa pagitan ninyong dalawa.” He paused and took a deep breath. “At mas lalo akong nasaktan kanina nang m—marinig ko ang mga sinabi mo sa babaeng iyon. Na tanungin niya si Josha kung ano ang mga p—pinaggagawa ninyong dalawa sa ibabaw ng k—kama mo.” Napansin kong nakakuyom na ang kaniyang mga kamay at mahigpit na nakahawak sa bedsheet sa magkabilang gilid ng ulo ko. “Sweetheart, pwede bang ako na lang, please? Ipaubaya mo na si Josha sa fiancée niya. Nandito ako sweetheart, at mahal na mahal kita. Kaya kong tapatan ang kung ano mang maibibigay niya. Kahit higitan ko pa. Sa haba ng pinagsamahan natin, alam kong naramdaman mo kahit papaano ang pagmamahal ko sa ‘yo.” Ramdam ko ang sakit sa bawat katagang binitawan niya. Awang-awa ako sa kaniya at hindi ko na napigilang yakapin siya. Gusto kong maramdaman niya na mahalaga siya sa akin, na mahal ko rin siya. Hindi nga lang sa paraang gusto niya. Nang marahil ay naramdaman niya ang yakap ko ay unti-unti siyang kumilos. Akala ko ay babangon siya. Pero sa halip ay idinantay niya ang kaniyang binti sa mga binti ko. Bahagya niyang inangat ang kaniyang mukha mula sa pagkakasubsob at banayad akong hinalikan sa aking leeg at balikat. Hanggang sa napunta ang kaniyang mga halik sa likod ng aking tainga at bahagya akong dinilaan sa parteng iyon. Bigla akong nakaramdam ng kiliti at hindi ko na napigilan ang paglabas ng mahabang ungol sa mga labi ko. “Ahhhhhh, K—Kuya...” Dahil sa pag-ungol ko ay naging mas mapangahas pa siya at sinimulan na niyang haplusin ang aking balakang. Unti-unting naglandas ang kaniyang mga halik patungo sa aking pisngi hanggang sa marating niya ang aking mga labi at banayad akong hinalikan. Hindi ako nakakilos. “Kiss me back, sweetheart. I have been dying to kiss you for God knows how long.” Dala na rin siguro ng sobrang sama ng loob dahil sa nangyari at sa nalaman ko tungkol sa totoong relasyon nina Josha at Maryse ay nagpaubaya ako. Dahan-dahan kong iginalaw ang aking mga labi upang pagbigyan ang hiling ni Kuya. Hanggang sa unti-unti na akong tumutugon sa kaniyang mga halik. At kasabay niyon ay ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking magkabilang pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD