Sage dropped me off earlier before he went straight to BREDCO Port. He’s only been gone for a few hours, but I missed him already. Masyado akong napalapit sa kaniya sa maikling panahong nagkasama kami. Pero sino ba ang hindi? Maalaga, maasikaso, at ibang klase siya kung magmahal. He made me experience things I never thought I would in this lifetime. Our time together was full of fun, unforgettable experiences, and wonderful memories I will cherish forever.
Biglang nag-init ang mga mata ko habang nakahiga ako sa kama ko sa boarding house nang maalala ko ang usapan namin kanina bago ako bumaba ng kaniyang sasakyan. Ngunit sa kabila ng nararamdaman ko ay hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa kaniyang mga kalokohan.
“Daddy, I will certainly miss you.”
“I too, honey. But I will be back, okay? I won’t take long, hon. Babalik ako sa ‘yo pagkatapos ng dalawang araw,” masuyo niyang saad habang hinahaplos ang pisngi ko. We’re still seated inside his car. My seatbelt was still fastened, snug against my chest, while he’s already unlocked his and turned in his seat to face me. The engine’s off, but neither of us made a move to leave.
“I’ll wait for you, dad,” ang tanging nasabi ko dahil sa kawalan ng salita. I was afraid I’d start crying.
“You be good, okay? And take care of yourself,” saad niyang inaayos ang nagulo kong buhok. “I’ll call you once I get home and I promise I’ll always find time to call you para hindi mo ako masyadong ma-miss,” nakangiti niyang pagpapatuloy.
Marahang pagtango lang ang naging sagot ko dahil unti-unti nang naninikip ang aking dibdib. Kinabig niya ako palapit sa kaniya at ginawaran ng mainit na halik. I lightly held on to the back of his head to deepen the kiss. I wanted him to feel how much I love him, how much I need and want him, and how much I am longing for him. At dahil sa nag-uumapaw na emosyon ay hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng aking mga luha. Parang ayaw ko na siyang umalis. Hanggang sa naramdaman kong unti-unti siyang tumigil sa paghalik.
“Hush, hon. Please don’t cry,” puno ng pag-aalalang saad niya habang pinupunasan ang mga luha ko. “You’re making it hard for me to leave.” Kababakasan ng lungkot ang kaniyang boses.
“I’m s—sorry, daddy. H—Hindi ko lang talaga mapigilang m—makaramdam ng lungkot.”
“Why don’t you just come with me, hon? Sige na, please. Parang hindi ko rin kayang umalis at iwanan ka sa ganitong sitwasyon.”
“I’m okay, dad. Don’t worry. Just focus on what you need to do, okay? I’ll be fine. Just promise me na tatawag ka… na babalik ka.”
“I promise, honey, babalik ako. Remember, hindi pa ako nakaka-homebase, ‘di ba?” nakangiti niyang sagot.
“Daddy! I’m serious!”
“And so am I!” natatawa niyang saad na unti-unti kong ikinangiti.
“Ikaw talaga, dad. Puro na lang kahalayan ang laman ng isip mo.”
“Totoo iyon, hon. Gustong-gusto na kitang pasukin at nang maka-homebase na ako sa ‘yo. Sadyang hindi lang matuloy-tuloy.”
“Dad, ang bibig mo!” napipikong saway ko habang ramdam kong nag-init na ang aking mga pisngi. Ang loko, may pa-homebase homebase pang nalalaman.
“Well, that’s the truth, hon. Pagdating sa ating dalawa, ayaw kong itago ang nararamdaman ko. This is what and who I am, and I want to be myself whenever I’m with you. Sana ganoon ka rin.”
“Alright, dad. Sa totoo lang, unti-unti na rin naman akong nasasanay. I have a very patient and a highly competent teacher na napakagaling magturo. Pasasaan ba’t magiging comfortable rin ako.”
“That’s my girl. Asahan mo, hon, I still have a lot of things to teach you,” masaya niyang saad habang nakahawak sa baba ko.
“Hmmm... Okay! I’ll be looking forward to that, daddy. Anyway, I’ll go ahead. Baka mapahaba pa ang usapan natin at baka kung saan na naman ito mapunta. Mamaya niyan, mahuli ka pa sa trip mo,” saad ko bago ko siya mabilis na hinalikan sa kaniyang mga labi. Akmang bababa siya upang pagbuksan ako ng pinto pero pinigil ko siya.
“Dad, ako na. Kaya ko naman na ito.” I immediately unbuckled my seat belt at mabilis na binuksan ang pinto. Ayaw ko nang tumagal pa sa loob ng kaniyang sasakyan dahil baka dumaloy na naman ang mga luha ko. May pagmamadali kong tinungo ang gate.
“Hon, please come back here for a second.”
Sandali akong tumigil sa paghakbang bago dahan-dahang lumingon. Nakita kong malapad nang nakabukas ang bintana sa gawi niya. Nag-aatubili akong naglakad pabalik sa driver’s side. Nang malapit na ako ay saka niya binuksan ang pinto at mabilis na bumaba. Without a word, he grabbed me by the waist and gave me one passionate kiss. Our lips crashed and I just found myself trapped in his embrace. He held me tightly as if he didn't want to let me go. Ngunit gustuhin ko mang patagalin pa ang aming halikan ay hindi maaari. Kaya ako na ang nagkusang tapusin iyon.
“D—Daddy, tama na. It’s almost ten o’clock. Baka maiwan ka na ng barko,” saad ko sa pagitan ng aming halikan. He gently bit my lower lip before he ended the kiss.
“Alright, hon. Remember that I love you very much.”
“I’ll remember that, daddy. Mahal na mahal din kita.”
“Go on, hon. Pumasok ka na sa loob,” saad niya bago ako tuluyang pinakawalan mula sa kaniyang pagkakayakap.
“Bye, dad. Mag-iingat ka.” I blew him a kiss before I opened the gate and closed it behind me.
Bumalik ako sa kasalukuyan nang mag-ring ang cellphone ko. Halos lumundag ang puso ko sa sobrang tuwa nang makita ko ang pangalan ni Sage sa screen niyon.
“Hello, daddy? Kumusta ka na? Nasa bahay ka na ba ninyo?” masigla kong bungad pagkasagot ng tawag.
“Hi, honey. Yes, hon, nandito na ako sa bahay. Kararating ko lang galing sa opisina. Doon ako dumiretso to attend a brief meeting. But I’ll be leaving for the site in a bit. How are you, hon? I missed you so much already.”
“I missed you too, daddy. Nasa kuwarto ako ngayon, dad, nagpapahinga. Wala naman kasi akong ibang gagawin. Ang iba kong board mates ay nagsiuwian sa kani-kanilang lugar. May ibang naiwan pero lumabas siguro, baka nasa mall ang mga iyon.”
“I see. Mag-iingat ka riyan, hon, lalo pa’t wala kang kasama. Always see to it that your door’s locked, okay?”
“Yes, dad, I will.”
“Sisikapin kong maayos ang problema rito, hon, upang makabalik ako sa ‘yo bukas na bukas din. Pinakamatagal na siguro ang Wednesday. Sobrang lungkot dito, hon, dahil wala ka. I just realized it now, I should have insisted on taking you with me. Ahh! Parang mababaliw ako sa kakaisip sa ‘yo, honey.”
“Daddy, that’s fine. Madali lang naman ang two days. Before we know it, magkasama na ulit tayong dalawa,” pang-aalo ko sa kaniya. Ramdam ko sa boses niya ang pagkayamot. Alam kong gustong-gusto na niyang makabalik.
“Damn! Kung bakit naman kasi ngayon pa talaga nagkaroon ng problema! f**k! The thought of it ruining our vacation is pissing me off!”
“Dad, kalma lang. Unahin mo munang ayusin ang problema ng project ninyo. That should be your priority right now.”
“Hon, you know you’ll always be my top priority,” seryoso niyang saad.
“I know, dad. Hindi ko naman nakalilimutan. But as you’ve said, a lot of lives are at stake at the moment, so please focus on solving the issue first. Nandito lang naman ako. Hindi ako mawawala, okay?”
“Alright, hon.” Narinig ko siyang bumuntong-hininga. “I will make it up to you when I come back. Babawiin ko rin ang dalawang gabing hindi kita makakasama. You ready yourself. Magpahinga kang mabuti dahil pagbalik ko, hinding-hindi kita titigilan. Walang matutulog.”
Bigla akong nakaramdam ng kaba nang dahil sa sinabi niya. Add to it the tone of his voice when he said it. Puno iyon ng kaseryosohan. Alam kong wala nang makakaawat pa sa mga gagawin niya sa akin sa oras na makabalik siya. And I can’t help but be thrilled of the thought that he would finally claim me when he comes back. I am anxious, but excited at the same time.
“Hon, are you there?”
“Y—Yes, dad, I am here. I’m sorry.”
“Why are you awfully quiet, honey? Are you afraid?”
“No, no, of course not.”
“Talaga?”
“Yes, daddy.”
“Are you perhaps excited?”
“Dad!” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kabisadong-kabisado talaga niya ang mga reaksiyon ko na para bang alam niya ang laman ng isip ko.
Tumawa siya nang malakas bago nagsalita. “So, you are excited, huh? Based on your reaction, I can sense that you are looking forward to our lovemaking. That’s alright, hon. In fact, that sounds great dahil ako man ay hindi na rin mapakali. Despite the problems, I can’t get you off my mind. I can’t help my body from reacting every time I think of you. Earlier, while in the middle of the meeting, I had to call for a short break to compose myself. Ganyan ang epekto mo sa akin, honey. I am always aching for you. Damn!” Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “Anyway, I have to go, hon. I am extremely happy na nagkausap tayo kahit sandali lang. I’ll call you again later, okay? You can also send me a text message anytime you want.”
“Alright, daddy. Maraming salamat sa pagtawag. At least, nabawasan ang lungkot ko kahit papaano. I love you, dad. Bye.”
“I love you more, honey. Bye.”