Chapter 50 - The Other Woman (End of Book 1)

1965 Words
Maaga akong gumising dahil excited ako sa pagtawag ni Sage at sa posibleng pag-uwi niya. I was a bit disappointed yesterday dahil hindi na siya muling tumawag hanggang sa nakatulugan ko na ang paghihintay. But I tried to understand his situation. Alam kong kaliwa’t kanan ang inaasikaso niya kaya sa halip na magtampo ay nilawakan ko na lang ang aking pang-unawa. I know he wouldn’t ignore me or forget about me on purpose. Maaaring pagod siya sa buong araw na trabaho at pagresolba ng problema nila kaya nakaligtaan niya akong tawagan. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay dumiretso ako ng kusina upang mag-almusal. Nakaramdam ako ng tuwa nang natanaw ko sa dining area ang iba kong board mates na masayang nag-uusap habang kumakain. Pagdating ko sa harap ng dining table ay binati ako ni Ate Anne. Ang board mate kong kumukuha ng kursong tourism. Mabait siya at masayahing tao. “Good morning, Margaux. Join us for breakfast.” “Good morning po sa inyo. Thanks, Ate Anne,” sagot ko bago umupo sa bakanteng silya. “Halika na, Marg. Na-miss ka namin. Ilang araw ka kasing nawala rito sa boarding house. Umuwi ka ba sa inyo?” tanong ni Ate Lorebel ang pilyang kaklase ni Ate Anne. “Nope, Ate Lorebel. Nagbakasyon lang ako ng dalawang araw sa lugar ng isa kong kakilala,” pagdadahilan ko. Ayaw ko rin naman kasing ikuwento sa kanila ang tungkol kay Sage. “Ganoon ba? Siguro hindi alam ng Kuya Leonel mo, ‘no? Kasi noong Sabado ng gabi pumunta siya rito.” “Ay oo nga, Marg. Hinanap ka ng Kuya mo. Hindi ba, Ruffa? Ikaw ang tinanong ni Leonel tungkol kay Marg nang pumunta siya rito,” biglang sabat ni Ate Jean. Isa rin sa mga board mates ko. She’s taking up Hotel and Restautant Management with Ate Ruffa. “Oo, Marg. Pero hindi rin naman siya nagtagal. Umalis din siya kaagad nang sinabi kong wala ka rito sa boarding house,” sagot ni Ate Ruffa. “Ganoon po ba, Ate? Mga anong oras po siya pumunta rito?” “Bandang alas diyes yata ng gabi.” “Sige po, Ate. Thank you po,” sagot ko habang kumukuha ng pagkain. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa natapos at bumalik sa kaniya-kaniya naming kuwarto. Pagpasok ko ay kaagad kong binuksan ang aking cellphone. But again, there were no messages from Sage, not even one. “Talagang busy lang siguro iyon,” sabi ko sa sarili ko. I thought of calling Kuya Leonel, but I was hesistant. However, when I remembered what Ate Ruffa said, I immediately dialed his phone number to find out how he was doing. Nag-ring ang kaniyang linya but much to my dismay, hindi niya sinagot ang tawag ko. Dahil wala akong gagawin buong araw ay nagpasya akong magbasa ng novel hanggang sa naidlip ako. Napabalikwas ako ng bangon nang maulinigan kong nag-ring ang cellphone ko. Nakita kong alas diyes na ng umaga. Nakaramdam ako ng tuwa nang makita kong si Kuya Leonel iyon. Though I was hoping it would be Sage. “Hello, Kuya! Kumusta ka na? Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko kanina?” “Hi, sweetheart! I’m sorry, I was still in bed when you called earlier.” “You were still in bed at nine? But why?” Nagulat ako sa sinabi niya. He’s not the kind to oversleep. “Yes, sweetheart. I was out drinking last night. I was with the band. Tumugtog kami sa isang event sa mall at nagkayayaang uminom pagkatapos.” “Ganoon ba? Are you home now?” “Actually—” “Good morning, babe! Ang daya mo. Bakit nauna kang bumangon, ha?” Isang malamyos na boses ng babae ang narinig ko sa background ni Kuya. “Hello, babe! I’m sorry. I had to make a very important call.” Boses iyon ni Kuya. Natigilan ako ng marinig kong siya ang sumagot sa tanong ng babae. “I see. Kaibigan mo?” “A very special friend. Will you give me a second?” sagot niya rito. “Sure, babe.” “Hello, sweetheart? Are you there?” Hindi kaagad ako nakasagot dala ng pagkabigla ko sa aking narinig. “May girlfriend na si Kuya? Wow!” nakangiti kong wika sa isip ko. “Sweetheart, nandiyan ka pa ba?” “Y—Yes, Kuya. I’m sorry.” “About your question, I am at a friend’s apartment now, sweetheart. I couldn’t go home last night because I was a bit drunk. Anyway, bakit ka nga pala napatawag?” “Nothing, Kuya. I just wanted to see if you’re okay. Ayos ka lang ba?” “Yes, sweetheart. Don’t worry about me. Anyway, where are you now?” “Nasa boarding house, Kuya,” tanging sagot ko. “Oh, aren’t you with Rius anymore?” Napansin ko ang bahagyang pag-iba ng tono niya. “He went home to Iloilo yesterday to take care of some matters. He’d be back today or tomorrow, Kuya.” “I see. Would you like to go out with me? Kain tayo sa labas.” “Ahm, Kuya, baka kasi biglang dumating si Sage.” “Would that be a problem? Ihahatid kita sa kaniya kung kailangan. Hindi naman siguro magagalit ang boyfriend mo, ‘di ba?” “Kuya, ganito na lang, tatawagan ko muna si Sage. Magpapaalam lang ako na lalabas tayo.” “Is that necessary? I am your bestfriend for Pete’s sake!” may halong pagka-iritang sagot niya na ipinagtaka ko. “G—Galit ka ba, Kuya?” “Oh, no, no, sweetheart. I’m sorry. Sadyang kulang lang ako sa tulog.” “Is that so? Then why don’t you rest the whole day, then?” “I’ll be fine, sweetheart. Sige, tawagan mo muna si Rius. Just text or call me back kung okay sa kaniyang lumabas tayo. If not, doon na lang tayo sa bahay tumambay buong araw.” “Alright, Kuya. Bye.” “Bye, sweetheart. Na-miss kita,” pahabol niyang saad na ikinangiti ko. “I missed you too, Kuya. Bye.” Pagkatapos naming mag-usap ay kaagad akong nagpadala ng text message kay Sage. “Hello, daddy! How are you? Naayos na ba ang problema ninyo? Will you be coming home today? Anyway, Kuya Leonel is asking me out for lunch. Okay lang ba sa ‘yong sumama ako, dad?” Naghintay ako ng sagot. Ngunit lumipas na ang halos tatlumpung minuto ay wala pa rin. So, I decided to call his number, instead. Nag-ring ang kaniyang cellphone, pero walang sumagot. I dialed it again and at last, he picked it up on the third ring. Kaagad ko siyang binati pero nagulat ako sa aking narinig. I stopped mid-sentence. “Hello, daddy? Kumusta—” “Hey, Venice. Please, put my phone down.” Kahit nasa background ay kilalang-kilala ko ang boses na iyon. It’s Sage’s. At base sa tono niya ay parang close sila ng babaeng tinawag niyang Venice. “Alright, darling. Ito na, ibababa na,” maarteng sagot ng babae. Nagulat ako sa endearment na ginamit nito kay Sage. Darling? Bigla kong naalala na iyon ang endearment na gusto ni Sage noong sinagot ko siya. Pagkasabi ng Venice na ibababa na, I was expecting for the call to end, pero nagpatuloy iyon. Hindi niya tinapos ang tawag. “It’s Sagittarius to you, Venice.” “But why? We used to call each other darling since we were in college hanggang sa nag-aral tayo sa Cambridge. Ayaw mo na ba sa endearment nating iyan?” “That was before. Things have changed, okay?” Sage flatly said. His voice was devoid of emotion. “Oh, really? Wala na ba sa ‘yo ang mga nangyari sa atin noon sa U.S.? Why? Do you already have a girlfriend? Well, that’s fine. I can still be your f**k buddy.” “I’m getting married, Venice.” Pakiramdam ko ay nabingi ako kasabay ng paninikip ng dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ni Sage. Kaagad kong tinapos ang tawag sa takot kong marinig ko pa ang iba niyang sasabihin at mas lalo lang akong masaktan. Basta-basta ko na lang binitawan ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. I didn’t know what to do. Hindi ko alam kung ano ang iisipin. Sage is getting married. Nakaramdam ako ng literal na sakit sa dibdib ko. Pakiwari ko ay libo-libong karayom ang itinarak sa puso ko. Naisip kong habang nagpapakasarap kaming dalawa, he has a fiancée somewhere, waiting for him. So, ano ako? Parausan? Mas tumindi ang paninikip ng dibdib ko nang dahil sa naisip. And before I knew it, I was already sobbing. Humagulgol ako ng iyak. I was literally crying my eyes out for hours. Nahihirapan akong tanggapin na sa ikalawang pagkakataon ay nagmahal na naman ako ng maling tao. Una si Josha, at ngayon naman si Sage. It’s like history was repeating itself and at the end of it all, I was the one left crying. Mas masakit nga lang ngayon dahil paniwalang-paniwala ako kay Sage. “Napakalaki mo talagang tanga, Marg. Hindi ka na natuto sa nangyari sa ‘yo. Ang bilis mong bumigay at napakahilig mo sa maling tao,” pagkastigo sa akin ng isang bahagi ng utak ko. Hindi ko alam kong ilang oras akong umiyak hanggang sa nakaramdam ako ng pagod. Nang medyo kumalma na ako ay saka ko tinawagan si Kuya Leonel. “Hey, sweetheart! So, okay lang ba ky Rius na lumabas tayo?” “Hello, Kuya. Hindi ko s’ya ma-contact but I sent him a message informing him that we’ll have lunch outside. Mababasa niya rin naman iyon when he turns his phone on,” pagsisinungaling ko. “Okay, sweetheart. I’m already home. I will pick you up in thirty. Would that be fine with you?” “Sige, Kuya. I should be ready by then.” “Alright, sweetheart. See you in a bit. Bye.” Hindi na ako hinintay ni Kuya na makasagot. Kaagad na niyang tinapos ang tawag. Mabilisan akong naligo at nag-ayos ng sarili. I made sure that my face would reveal no traces of me crying. I don’t want Kuya to know about what happened. Sigurado akong magagalit siya at iyon ang iniiwasan kong mangyari. Eksaktong paglabas ko ng gate ay siya ring pagdating ng sasakyan ni Kuya. Hindi ko na hinintay na bumaba pa siya at pagbuksan ako ng pinto. Ako na ang nagkusa at kaagad na pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Pagpasok ko ay hindi ako tumingin sa gawi niya. Ni hindi ako kumibo at nakapako lang sa dashboard ng sasakyan ang mga mata ko. “Hello, sweetheart. How have you been? I’ve missed you. Are you okay?” Ramdam ko ang emosyon ni Kuya sa bawat salitang binitawan niya. Alam kong totoong na-miss niya ako. Parang nakahanap ako ng kakampi at biglang bumalik sa akin ang sakit na nararamdaman ko simula pa kanina. “K—Kuya—” ang tanging nasabi ko sa garalgal na boses bago ako dahan-dahang lumingon sa gawi niya. Bigla ko na lang naramdaman ang nag-uunahang mga patak ng luha na dumaloy sa magkabilang pisngi ko. Sa nanlalabong mga mata ay nakita kong kaagad kinalas ni Kuya ang kaniyang seat belt at mabilis akong dinaluhan at niyakap nang mahigpit. “Hey, why are you crying? Is something wrong, sweetheart? Come on, you can tell Kuya what the problem is.” Puno ng pag-aalala ang kaniyang boses habang hinahagod ang aking likod. Iniyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko habang yakap niya ako. Nang medyo kumalma ako ay bahagya niya akong inilayo sa kaniyang dibdid at tinitigan sa mga mata. “Sweetheart, ano ang ginawa ni Rius sa ‘yo?” may bahid ng galit niyang tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD