Natasha Astrid’s POV Naiwan ko na naman ang kotse ko. Umalis akong may kotse pero umuwi ako ngayon na walang kotse. Nasa parking lot ng condo ni Jessica ang sasakyan ko at hindi ko na nakuha dahil hinatid ako ni Jacob dito sa bahay namin. Ten pm na kong natapos sa pamimili at hindi niya talaga ko iniwan. Sinamahan niya talaga ko buong araw kahit na minsan bigla na lang siyang parang galit. Hindi ko na nga siya ulit inasar dahil kakaiba siya magselos. Nag-de-deny pa siya pero halata naman. Baka nga tama ako noong una na may gusto talaga sa akin ang lalaking ‘to pero ayaw lang sabihin. Kaya dinadaan niya minsan sa pang-aasar. Hindi na ‘yon pag-a-assume dahil halata naman sa mga galaw niya. “Thanks for the dinner,” mababang boses saad ko. Nakaupo siya sa leather chair ng sasakyan haba