Natasha Astrid’s POV “Where are you, Jessica?” tanong ko sa kaibigan ko sa kabilang linya habang maingat ang bawat paghakbang ko sa loob ng condo unit niya. Alam ko ang passcode ng unit niya kaya nakakapasok ako rito kahit wala siya. Gugulatin ko sana si Jessica ngayon para makaganti ako sa ginawa niyang surprise breakfast sa akin na kasama ang kapatid niya na hindi naman nakakatuwa pero ako yata ang na surpresa ngayon. Wala ngayon dito si Jessica at parang ilang araw ng walang tao ang condo niya dahil malinis na malinis talaga. “In my room, why?” she asked. Naningkit ang mga mata ko at dahan-dahan kong tinulak ang pinto ng kwarto ni Jessica pero wala. Wala akong makitang tao. Isa lang ang kwarto ng unit ni Jessica at sigurado ako na wala ngang tao rito dahil malalaman ko agad kung