Chapter 21 Tumunog ang iphone niya. Binunot niya iyon. Galing kay Marian na kapatid niya ang text. Kahit pa sobrang down siya o kahit sa pagkakataong busy siya kung text o tawag ng mga kapatid niya ang nakikita niya sa screen ng cellphone niya, isasantabi niya ang lahat dahil naalala pa din niya ang mga panahong may nangyari sa Mama niya. Humihikbi siya sa loob ng CR nang tuluyan niyang binuksan ang message ni Marian. MMS ang nareceive niya mula kay Marian at iyon ang sadya niyang ikinabigla. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwala. Pakiramdam niya ay sumabit ang kaniyang hininga. "Congratulations kuya! You made it to the top! Ito yung pic ng nakunan kong pangalan mo sa newspaper. We're so proud of you! I'll call you after my class." Pinunasan niya ang kaniyang luha
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books