Chapter 4
"ANG MULING PAGTATAGPO"
Sa nerbiyos niya ay hindi siya naging maingat sa paglapag niya ng sandwich sa harap ng COO. Sumabit ang baso na puno ng juice sa nanginginig niyang kamay. Tumapon iyon hanggang sa mismong pantalon ni Drew.
"Ayyyy!" sigaw ng secretary.
"What the heck!" singhal ng nagulat na si Drew.
Salubong ang kilay niyang nakatingin sa baguhang si Markie.
Nanlaki ang mga mata ni Markie. Hindi siya kaagad nakakilos. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin lalo pa't lahat ng empleyado ay nakatingin sa kaniya. Para bang sila ang natatakot sa maaring gawin sa kaniya ng kanilang si Sir Andrew. Kinakabahan ang lahat para sa baguhan ngunit guwapong-guwapong bagong Janitor at office boy nila.
Tumayo si Drew at umagos ang juice mula sa mismong tapat ng sa kaniya. Dahil doon ay bumalik sa katinuan si Markie. Dala ng magkahalong nerbiyos at pagkataranta, mabilis niyang hinugot ang panyo sa bulsa saka kisapmata niyang idinampi ang panyo sa mismong tapat ni Mr. Adonis.
"What the hell are you doing!" singhal ni Drew kasabay ng paghawak sa kamay ni Markie na may hawak ng panyo.
"I'm just trying to..." Napalunok si Markie sa mainit na palad ni Drew na humawak sa kaniyang kamay. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso.
Natigilan din si Drew nang naisip niyang hawak na niya ang kamay ng guwapong bagong janitor nila.
Ang lahat ng kaniyang mga empleyado ay parang nanood ng isang teleserye.
Pigil hininga.
Naghihintay sa bawat pasabog na mangyayari.
"Get out!"
"Ho?" kunot ang noo ni Markie. Ayaw niyang maniwala na gano'n ang lalaking nakabiruan niya at nakatalik dalawang araw palang ang nakakaraan.
"Hindi ka ba nakakaintindi? I said, get out!" Malakas na inihampas ni Drew ang palad ni Markie na may hawak na panyo. Tumilapon ang panyo sa di kalayuan.
Kitang-kita ni Drew sa mata ni Markie ang matinding pagkapahiya ngunit hindi niya gusto ang nangyayari. Ang pagkapasok ng isang naka-one night stand niya sa kaniyang opisina. Hindi niya gusto ang ganoong tagpo. Para sa katulad niya, napaka- awkward ng pakiramdam na isa sa mga empleyado niya ang kaniyang nakalaro sa isang gabing naghahanap lang siya ng panandaliang aliw.
"I'm sorry, sir." nangininig na paghingi ng tawad ni Markie.
"Sorry? Iyon lang ang kaya mong sabihin? Get lost, you sloppy little bastard!"
Mabilis na nilapitan ni Stan ang noon ay namumula na sa pagkapahiyang si Markie ngunit taas noo lang itong nakipagtitigan sa kanilang boss.
"Lumabas ka na muna. Baka masisante ka pa niya agad." bulong ni Stan.
Yumuko siya. Pinigilan niya ang mapaluha. Ayaw niyanng paniwalaan ang naririnig at nakikita niyang kagaspangan ng ugali ni Drew.
"Excuse me sir." Garalgal ang kaniyang boses at tumalikod siya. Huminga siya ng malalim. Gusto niyang isiping matapang siya, matatag at hindi basta napapahiya ng kahit sino. Ngunit nang mga sandaling iyon, wala siyang lakas ng loob para ipagtanggol ang sarili. Hindi niya napaghandaan ang pagkikita nila ni Drew. Hindi ito yung pinangarap niyang mangyari. Malayo sa inaasahan niyang pagtatagpo nilang muli.
Bago niya marating ang pintuan ay muli niyang nilingon si Drew. Nilakasan niya ang loob niyang muling pagmasdan si Drew na noon ay pinupunasan ang nabasang pantalon gamit ang iniabot sa kaniya ng secretary na tissue paper. Lumabas man sa siya sa meeting room ngunit nagdesisyon siyang pagmasdan si Drew mula sa labas. Gawa sa salamin ang bahaging iyon ng Meeting room kaya malinaw niyang nakikita ang bawat kilos ng mga nasa loob.
Ilang saglit lang ay nagdesisyon nang ipagpatuloy ni Drew na talakayin at tapusin ang kanilang agenda. Parang walang nakita, walang nangyari.
Si Markie nang mga sandaling iyon ay naroon lang at umaaalis sa kinatatayuan niya malapit sa pintuan. Hindi pa din makapaniwalang nakaharap na niya ang kaniyang pangarap. Ibig sabihin ay araw-araw niyang makakasalumuha ang love of his life. Pinagmamasdan niya ang bawat bruskong galaw ni Drew, nadinig na din niyang muli ang buo nitong boses, napatunayan niya ang matibay nitong disposisyon. Mga katangian na pinapangarap niyang magkaroon ang taong ninanais niyang mahalin. Kung may isa lang na medyo hindi niya nagustuhan, iyon ay ang kagaspangan ng ugali nito.
"I need you to focus on our operations plan and budget..." pagsisimulang muli Drew ngunit kahit nakalabas na ng meeting room si Markie ay nakikita pa din niya itong nakatayo sa labas. Gusto niyang huwag itong pansinin ngunit sa sulok ng kaniyang mga mata, nakikita niyang habang nagsasalita siya ay nakatitig at pinagmamasdan ang lahat ng galaw niya. Sanay siyang tinititigan ng iba ngunit hindi niya alam kung anong meron ang batang ito na humihigop sa kaniyang atensiyon. Nawawala ang kaniyang konsentrasyon.
"If there is a need for a cost-cutting, just let me know and I will discuss this matter to our CFO." naglalakad siya habang nagsasalita. Nakatingin siya sa mga nakikinig sa kaniya na mga emplyeyado ngunit iba ang tungo ng kaniyang mga paa. Palapit iyon kay Markie na parang na-hypnotize malapit sa pintuan. Walang kakurap-kurap itong nakatitig pa din kay Drew. May ngiti sa labi.
"In the meantime, show me the plan so that I have an idea on the things that we need to adjust..." binuksan niya ang pinto. "Excuse me." Lumabas siya at isinara niya ang pintuan. HInarap niya ang kanina pa sumisira sa kaniyang konsentrasyon. Tinignan niya pataas-pababa sa noon si Markie.
"Sir, pasensiya na talaga yung sa nangyari sa loob." Pagsisimula niyang paghinga ng tawad. Huminga siya nang malalim para maibsan ang tensiyong naghahari sa kaniyang dibdib.
Hindi ang Drew na seryoso, terror at istrikto ang nakikita niya ngayon sa harapan niya kundi si Drew na nakakabiruan niya, nakayakap, nakahalikan at nakatalik. Si Drew na siyang nagpapatibok sa kaniyang puso at pinangarap niyang muling makita. Bawat sandali ay ito ang inasam niya, ang muli silang magkita. Tumigil nang muli ang mundo niya nang nasa harap na naman niya ito. Nakatitig sa kaniyang mga mata. Amoy na naman niya ang mamahalin nitong pabango, na-iimagine niya ang mabango nitong hininga. Napakislot siya nang hawakan ni Drew ang kaniyang kanang braso. May kung anong nagpabilis sa t***k ng kaniyang puso. Hinila siya nito palayo sa bahaging iyon kung saan nakikita sila ng mga empleyadong nasa meeting room.
"Di ba sinabi ko sa'yong lumabas ka?"
"Bakit sir? Lumabas din naman ako ah?" naalangan niyang sagot.
"Lumabas ka nga pero di ka lumalayo. Ayaw kong nakikita kita."
"Bakit sir? Dahil ba natapunan kita ng juice o dahil sadyang galit ka lang sa akin. Sir hindi ko naman sinasadya yung nangyari." Pagdadahilan niya. Iyon siya. Kahit sino pa ang kaharap niya, handa niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili.
"Do you want me to fire you, right here, right now?" dumagundong ang sinabing iyon ni Drew kasabay ng paghawak nito sa kaniyang kuwelyo.
Natigilan si Markie. Sigurado siyang wala nga talagang emosyon ang pagkakahawak ni Drew sa kaniya. Hawak iyon ng isang galit na tao. May kalakasan din ang ang pagkakatulak sa kaniya ngunit hindi siya nagpatinag. Hindi siya yumuko. Wala siyang balak magpatalo lalo pa't naniniwala siya kung sino talaga si Drew. Gusto niyang ilabas ang tunay na Drew. Sa kabila ng galit na iyon ni Drew ay sinikap niyang hindi paaapekto. Tumitig lang siya sa mga mata nito. Hindi man nakangiti ngunit gusto niyang makita ni Drew kung ano ang saloobin niya. Kung gaano niya ito namiss sa dalawang araw na hindi sila nagkita.
Iba ang titig ni Markie sa kaniya. Tinutunaw nito ang lahat ng sagabal na inilalagay niya sa pagitan nila. Ngayon lang siya nakatagpo ng lalaking tumutupok sa kaniyang disposisyon at doon siya lalong naiirita.
"Gusto kitang kausapin mamaya pero sa ngayon I want you to be out of my sight, please!" may halong pakiusap. Bumaba ng bahagya ang tono ng boses ni Drew. Lumuwang ang pagkakadiin ng hawak niya sa braso ni Markie. Bumunot ito ng malalim na hininga kasunod iyon ng pagtalikod nito pabalik sa iniwan niyang meeting.
Bago hinila ni Drew ang pinto ay muli silang nagkatitigan. Napailing si Drew. "Damn! Bakit ganyan parin siya makatitig? Bakit may kung anong kakaiba sa tingin ng batang 'to sa akin! Mamaya, kakausapin kita. Mainam na ito na ang una at huli mong araw sa trabaho."
Nang nakabalik na sa loob si Drew ay naglakad si Markie. Napangiti siya. Paikot-ikot hanggang sa di na niya nakontrol pa ang pinipigilang emosyon.
"Yes!" Napasuntok siya sa hangin. "Whoooaaa! Saya!"
"Ehem! Napahiya ka na't napagalitan ganyan ka pa din makapag-react?" nagtatakang tanong ni Stan. Kitang-kita kasi nito ang pagsuntok ni Markie sa hangin. "Humanda ka dahil pagkatapos ng meeting, siguradong ipapatawag ka no'n at sabihing ito na ang una at huli mong pasok sa trabaho."
Hindi na lang siya sumagot. Pinigilan muna niya ang kaniyang sariling ilabas ang sayang nararamdaman. Nang nakadaan na at tumalikod na sa kaniya si Stan ay saka niya muling isinuntok ang kanan niyang kamao sa kaliwa niyang palad.
" This is it! Sabi ko na nga ba destiny kami ih! Sabi ko nga muli kaming magkikita." bulong niya sa sarili habang pangiti-ngiting sumunod kay Stan.
"Ano hong mga kailangan kong gawin dito Sir Stan? Kailangan ko ho ng orientation muna ninyo para sa susunod alam ko na ang lahat ng aking trabaho."
"Asa ka pang babalik ka bukas? Hintayin mo na lang ang tawag sa'yo ni Sir Drew dahil paniguradong sisante ka na."
Ngumiti lang siya. Laking iskwater siya. Matibay ang dibdib, may kakapalan ang mukha. Kaya niyang sabayan kahit pa ang mabaho pa sa kanal na ugali ni Stan. Hindi niya aatrasan kahit pa sintapang ng tigre o leon si Drew.
"Oh e, di habang di pa ako nasisante pagtatrabahuin mo na lang muna ako. Ayaw mong mabawasan ang trabaho mo ngayong araw na 'to?"
"Okey, sa floor na ito tatlo ang CR kasama ng CR sa loob ng opisina ni Sir Andrew. May CR ka pang lilinisin sa 9th floor dahil nandoon ang office ng CEO at iba pang staffs. Bago ka uuwi sa gabi dapat malinis mo lahat iyon. Ikaw na lang ang maglilinis sa office ni Sir Drew at ako na sa office ng ibang malalaking boss natin."
"Ayos 'yun Sir Stan. Aprub!" masaya niyang sagot.
"Pambihira ka din ano? Kami nga iniiwasan namin 'yang si Sir Andrew tapos ikaw masaya ka pa yatang ikaw ang lagi niyang nakikita sa office niya. Hindi ka ba nadala sa mga sinabi at ginawa niya sa'yo kanina? Huwag kang umasang babalik ka pa bukas. Huling araw mo na 'to boy."
"Eh, kung tatanggalin niya ako sa trabaho dahil lang sa hindi ko sinasadyang pagkatapon ng juice, wala akong magagawa. Alam naman siguro niyang hindi ko iyon sinasadya."
"Ibahin mo si Sir Andrew, Markie. Mahirap yang pakiusapan."
Hindi na lang siya sumagot. Kibit-balikat na lang niyang inayos ang tray at ilang mga baso. Naisip niya, panalo na din siya kahit pa huling araw na niya ito ngayon, ang mahalaga, may alam na siya kung saan niya makikitang muli si Drew. Ngunit hindi din niya mapigilan ang sariling isipin ang kapakanan ng kaniyang pamilya. Kung kinakailangang makiusap siya mamaya, gagawin niya huwag lang siyang masisante sa unang araw niya sa trabaho. Malaki ang maitutulong ng trabahong ito sa naghihikahos niyang pamilya.
Sa kabila ng nangyaring iyon ay di pa din niya maiwasang hindi mapangiti. Sa kabila kasi ng kapalpakang nagawa niya sa unang araw ng trabaho niya, nangingibabaw yung saya na isiping sila talaga ni Drew ang para sa isa't isa dahil muli silang pinagtagpo ng tadhana.
Pagkaraan ng kalahating oras, dala na niya ang mga gagamitin niyang panlinis. Nakabalik na ang mga empleyadong ka-meeting kanina ni Drew sa kani-kanilang table. Hindi siya nakaramdam ng hiya. Katunayan, ngumiti pa siya sa lahat bilang paggalang. Binati niya ang lahat ng kaniyang nakakasalubong sa corridor. Hanggang sa pakiramdam niya ay muling bumilis ang t***k ng kaniyang puso nang makasalubong niya si Drew. Hawak niya ang mop at ilang basahan samantalang si Drew ay ang folder na naglalaman ng ilang mga reports. Nagtagpo ang kanilang mga mata ngunit sandaling-sandali lang kay Drew. Binunot nito ang tumutunog na cellphone sa kaniyang bulsa. Sinagot niya ang kaniyang tawag. Pakiramdam ni Markie biglang bumagal ang inog ng kaniyang mundo. Parang yung sa nangyayari sa pelikula kung saan nagiging slow motion ang lahat ng kanilang kilos. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa guwapong mukha ni Drew. Umaasang muli siya nitong titignan. Hihinto ito at kakausapin siya. papupuntahin siya sa kaniyang opisina ngunit dumaan si Drew na hindi na siya muli nitong tinignan. Palingon-lingon pa siya nagbabakasakaling lilingon din si Drew pero hindi iyon nangyari hanggang sa pumasok na ito sa isang opisina. Pero okey lang. Ang mahalaga sa kaniya, lagi pa din niyang nakikita ang lalaki sa kaniyang pangarap.
Habang abala siyang naglilinis sa Male Comfort Room ay biglang pumasok si Stan.
"Ako na magtutuloy niyan."
"Bakit?" medyo kinabahan niyang tanong.
"E ano pa nga ba, di tama yung sinabi ko kanina. Sabi sa'yo ipapatawag ka e. O paano, e di tama akong una at huling araw mo ito sa trabaho? Di ka kasi nag-iingat e." wika ni Stan habang hinuhugasan niya ang kaniyang kamay.
Tinignan niya ang sarili sa salamin. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot na may kasamang panghihinayang. Kailangan niya ang trabahong ito. Nagsisisi siya kung bakit nagmukha kasi siyang tanga sa harap ni Drew kanina. Alam niyang hindi siya yung kanina. Kilala niya ang sarili niya eh. Palaban, makapal ang mukha, pwede niyang idaan sa biro ang kahit anong mga awkward moment. Iyon ang pagkatao niya. Masayahin at di basta-basta nai-intimidate ng kahit sino. Kay Drew lang siya nagkaganoon. At alam na alam niya kung bakit. Iba kasi ang tama ni Drew sa kaniya. Ngunit kung muli silang magkakaharap, sisiguraduhin na niyang magpakatotoo siya. Gusto niyang mapawi yung mga kakaiba niyang nararamdama na siyang dahilan ng pagiging palpak ng trabaho niya. Hindi ba't nagustuhan at naaliw sa kaniya ang kahit sino sa mga terror na teachers niya at walang nakakapalag sa mga naging boss niya sa mga fastfood dati dahil sa kaniyang pagiging bibo at masayahing poging empleyado? Ano nang nangyari do'n? Saan na napunta ang pagiging gano'n niya?
"Ma'am, gusto daw ako makausap ni Sir?" nakangiti niyang tanong sa Secretary na nasa labas ng office.
"Yes. Good luck ha. Ikaw naman kasi eh, di ka nag-iingat. Sayang lang, guwapo ka pa namang bata."
Napangiti siya. "Matatanggal lang sa trabaho, sayang na agad ang kaguwapuhan?"
"At sumasagot ka talaga ha? Nakakatuwa ka. Pero alam mo, dati naman kapag may tinatanggal 'yan sa trabaho, ako na mismo ang nagsasabi sa employee pero iba ka, tinawag ka pa talaga niya e under ka naman sa agency. Puwede lang naman niyang tawagan ang agency mo o kaya utusan akong tawagan ang agency mo para i-pull out ka. Sige na, pumasok ka na."
Huminga siya ng malalim. "Relax Markie. Makiusap ka. Pigilan mo muna ang emosyon para sa pamilya. Hihingi ka pa ng isang pagkakataon." bulong niya sa sarili nang nasa harap na siya ng pintuan ng office ni Drew. Kumatok muna siya bago niya ipinihit ang seradura ng office.
Sumilip siya. Nakaupo si Drew at may kausap sa cellphone.
"Guwapo talaga ng tigreng 'to." Sa isip lang niya iyon.
Sinenyasan siya ni Drew na lumapit.
Nilakasan na ni Markie ang kaniyang loob. Pinigilan niya ang pangangatog ng tuhod. Tumayo siya at hinintay muna niyang matapos si Drew sa pakikipag-usap nito sa kaniyang cellphone.
"E, anong gagawin natin? Kumpleto na tayo ng papeles. Idinaan na nga sa gobyerno ang pagpapalikas sa mga informal settlers na 'yan." Tumayo siya. Kunot ang noo habang pinakikinggan niya ang sinasabi ng kausap niya sa telepono.
Naging interesado si Markie sa naririnig niya lalo pa't isa din siya sa mga iskwater na sa ngayon ay pinalilikas. Sana ibang lugar yung sinasabi ni Drew. Sana hindi iyon sa lugar nila.
"Masyado nang naantala ang project. Gawan naman ninyo ng paraan. Hindi ba puwedeng bilisan ang pagpapaalis sa mga 'yan." Tumingin siya kay Markie. Sandali lang iyon at muling tumalikod. Binibigyan ng pagkakataon ang nasa kabilang linya para magpaliwanag.
"O, bakit sa akin ka ngayon magtatanong kung anong gagawin mo. Anong silbi ng ibinabayad ko sa inyo kung simpleng pagpapalayas lang sa mga informal settlers ay di ninyo magawa? Isang buwan ha, isang buwang palugit at kung wala ka pang nagagawa, pasensiyahan na lang tayo. Sa iba ko na lang ipagagawa ang sana ay simpleng trabaho mo lang. Sa iba ko na din ibibigay ang dapat ay malaking halagang pabonus ko. Sige na. Tawagan mo na lang ako kung may maganda ka ng ibabalita dahil sa totoo lang, inuubos mo ang pasensiya ko sa dami mong excuses at sa tagal ko nang paghihintay. Bye!"
Huminga siya ng malalim. Sandali siyang tumingin sa labas ng gusali habang nakasuksok na sa bulsa niya ang kaniyang cellphone.
Lumingon siya kay Markie na noon ay nakatayo pa din sa harap ng kaniyang mesa. Wala siyang balak paupuin.
Naglakad siya pabalik sa kaniyang mesa. Alam niyang kanina pa siya tinitignan ng tahimik na si Markie ngunit hinding-hindi siya titingin sa mata nito. Nahagip ng tingin niya ang ibinigay ng secretary niya na operational plan nila na ginawa ng isa niyang staff.
"Ehem!" galing iyon kay Markie.
Tumingin si Drew sa kaniya.
"Hi sir." Nakangiting bati ni Markie. Lumabas ang malalim na dimples nito.
"Nagpapansin ka?" mahina ngunit nakakainsultong tanong ni Drew.
"Hindi sir. Nasamid lang ako." nakangiti niyang sagot ngunit ibinalik na ni Drew ang tingin niya sa binubuklat niyang plan. Mukhang hindi ito interasadong kausapin siya.
Kunot ang noo sa pagbabasa. Hanggang sa bumilis ang pagbubuklat nito sa bawat pahina ng kaniyang binabasa.
"What a waste!" bigla na lang ibinato ni Drew ang plan sa harap ni Markie.
Nagulat si Markie sa ginawang iyon ni Drew.
Kasunod iyon ay nakita niyang mabilis itong nagdial sa telepono.
"Just leave it there!" pasigaw na sinabi iyon ni Drew nang akmang pupulutin ni Markie ang nagkalat na papel.
Bumalik sa pagkakatayo si Markie. Nagugulat siya sa mga maling inaasal ni Drew.
"Mercy, come to my office, NOW!" binagsak niya ang telepono.
"Yes sir?" halatang ninenerbiyos ang secretary nang pumasok ito sa opisina.
"Tawagin mo si Mr. Mendoza. Sabihin mo kailangan ko siyang makausap ngayon din." Singhal niya.
"Sige po, sir." Bahagyang yumuko ang secretay bago ito tumalikod.
"Ikaw, bigyan mo muna ako ng green tea, without milk and without sugar." Utos niya kay Markie.
"Anong lasa no'n?" di napigilang tanong ni Markie nang marinig niya ang no sugar at no milk sa green tea.
"Just do what I ask you to do, okey? Problema ko na kung anong lasa no'n. Ikaw bang iinom?" singhal ni Drew.
Nagulat si Markie sa lakas niyon. "Kukuha na po. Sorry sir." Minabuti na lang niyang lumabas bago siya mapagbuntunan sa init ng ulo nito. Ang mahalaga ay lalabas siyang di pa nasisisante sa trabaho.
Pagbalik niya ay naabutan pa niya ang paninigaw ni Drew sa isang lalaking empleyado.
"Ayusin mo naman ang trabaho mo! I keep on telling you to edit this, totally delete this part regarding p*****t of the contractors at itong site instruction, ni hindi mo man lang nagawang dagdagan! You are giving me hard time and you are submitting the same thing over and over! Ano ba ha? May laman ba yang utak na 'yan. Can you please contribute something uselful commensurate to the salary I'm giving you!" mataas ang boses ni Drew.
"Aayusin ko po sir. Paseniya na." nakayukong paghingi ng dispensa ng pobreng empleyado.
"Paulit-ulit mo na lang 'yang sinasabi. Ayusin mo pero walang nangyayari. Mr. Mendoza, I'm giving you last chance on this or else, maghanap ka na lang ng lilipatan mong trabaho. Hindi ikaw ang haharap sa board kundi ako. Kaya kita kinuha sa trabahong 'yan dahil akala ko kaya mo. E, kung hindi naman pala, ako na lang gagawa kasi nagsasayang lang tayo ng panahon sa kahihintay diyan sa basura mong trabaho! Kung may mali diyan sa proposal operation plan natin, ikaw ang ba ang nandoon para pagtawanan?"
"Sorry po sir." Maluha-luhang paghingi ng tawad ni Mr. Mendoza.
Natitigilan na si Markie. Naniniwala na siya sa mga naririnig niya. Hindi nga ito yung lalaking nasa kaniyang panaginip, ang lalaking laman ng kaniyang pangarap.
Maingat niyang inilagay ang green tea sa table ni Drew.
Umatras siya muna para makapag-usap ang dalawa.
"Mr. Mendoza, huwag kang uuwi ngayon hangga't di mo naayos 'yan. Maghihintay ako. Sige na puwede ka nang lumabas."
Nagmamadaling lumabas ang pobreng employee. Namumula ang kaniyang mga mata. Parang gusto nang bumigay ang luhang kanina pa siguro nito pinipigilan. Nakaramdam si Markie ng awa lalo pa't narinig niya lahat kung paano hamakin ni Drew ang kaniyang empleyado.
"Ikaw, lumapit ka nga rito?" iyon ang narinig niyang sinabi ni Drew nang nagsara ang pintuan at tuluyan nang nakaalis ang kausap nito kanina.
Huminga siya ng malalim.
Kailangan niyang mag-ipon ng tapang.
Nanatili siyang nakatayo sa harap ng table ni Drew.
"You look familiar, did we meet?" sarkastikong tanong ni Drew. Gusto niyang ipaalam na walang espesyal sa pagitan nila. Ibig sabihin, that was just a one night stand, nothing more. Sana makuha ni Markie ang gusto niyang tumbukin na anuman ang nangyari sa kanila, wala siyang maalala o di niya gustong maalala pa.
"Ibig sabihin, hindi mo ako natatandaan? Last friday night..." Pinigilan ni Markie ang sariling nerbiyosin ngunit hindi ang mabilis na t***k ng kaniyang puso sa tuwing naaalala niya ang nangyaring iyon sa pagitan nila.
"Ahh okey. Naalala ko na." mabilis na pamumutol ni Drew sa mga sasabihin pa sana ni Markie. "So, ikaw pala 'yon?"
Tumango si Markie. "Ako nga 'yon. Bakit mo ako..."
"You don't need to recount on details. And please be reminded that I am still your..."
"Alam ko ho SIR! You are still my boss." Sinadya niyang di na patapusin pa si Drew katulad ng di niya pagpapatapos sa dapat sasabihin niya kanina tungkol sa nangyari noong nakaraang Biyernes.
"And what are you doing here?" Seryosong nakatitig sa kaniya si Drew nang sinabi niya iyon. Sumandal ito sa kaniyang upuan habang nilalaro niya ang hawak niyang ballpen.
"Ang gulo mo naman. Kanina mo pa ako kinakausap tapos tatanungin mo ako kung anong ginagawa ko dito? Okey ka lang?" iyon ang tumatakbo sa isip niya ngunit di niya iyon pwedeng isatinig. "Ahmmm... kasi pinatatawag daw ninyo ako, sir?"
"That's not what I mean. Inutusan pa nga kitang kumuha ng green tea, hindi ba? What a nonsense answer. Okey to make it clear, di ko tinatanong kung bakit ka pumasok o bakit ka nandito sa opisina ko. Ang gusto kong tanungin ay kung anong ginagawa mo sa kumpanya ko?"
Natutunaw siyang muli sa diretsuhang pagtitig sa kaniya ni Drew lalo pa't pagkatapos nitong magsalita ay binasa pa nito ang kaniyang pang-ibabang labi. Di niya naiwasang hawakan ang isang fugurine sa table ni Drew. Ganoon siya kapag ninenerbiyos. Naghahanap ng nahahawakan para maibsan ang tensiyong nararamdaman. Alam niyang baka bigla itong sasabog sa galit kung di nito magustuhan ang isasagot niya.
"Don't you dare touch anything on my table!"
"Sorry po."
Umiling si Drew. "Yan lang ba ang alam mong sabihin? Sorry po? Sagutin mo ang tinatanong ko, bakit ka nandito? You are a college student and why did you accept a janitorial job? Is it because of me? Hindi kaya gusto mo lang mapalapit sa akin?"
"Agad? Ang kapal naman ng mukha mo? Ikaw agad ang dahilan? Di ba puwedeng trabaho lang at walang personalan?" Iyon ang gusto niyang isagot sa tanong ni Drew sa kaniya. Ngunit nagpigil siya. Nag-isip siya ng mas angkop na salita.
"I need this job sir. Mababa na kung mababa pero kailangan namin ng pamilya kong mabuhay at ito lang ang akmang trabaho sa schedule ko bilang college student." diretsuhan niyang sagot.
"That's good to hear. Kailangan mo ng trabaho. Trabaho ang dahilan kung bakit ka nandito so I suggest that you should focus only on your job description as office boy or janitor. Kung iba lang siguro ang pumalpak kanina, baka ito ang huli at una mong araw dito. Pero sana, iyon na ang una at huling papalpak ka kasi wala ng isa pang pagkakataon."
Sasagot sana si Markie sa sinabing iyon ni Drew ngunit tumunog ang kaniyang cellphone. Dahil nasa loob sila ng opisina kaya dinig na dinig ang ringtone nitong Closer You and I.
"What the hell is that?" tanong ni Drew nang inilabas ni Markie ang tumutunog pa din nitong cellphone.
"Cellphone sir." Nakita niyang si Marlon ang tumatawag. Kinansel na muna niya. "Sorry po sir, tumatawag kasi ang kabigan ko."
"Alam kong cellphone pero Closer you and I na ringtone? Anong kabaduyan 'yan?"
Nainsulto siya sa sinabing iyon ni Drew ngunit kahit paano ay nakita niyang may ngiting gumuhit sa labi nito. Alam niyang kahit paano ay napangiti niya ang tigre. Iyon palang ay alam na niyang iba ang turing sa kaniya ng COO na kinatatakutan ng lahat. Mukhang may chance pa siya para mapaamo ito.
"Di mo naalala yung song na 'to sir? As in wala ka man lang naalala?"
Napalunok si Drew. Alam niya ang tinutumbok ni Markie. Di sinasadyang iyon ang pinapatugtog noon sa FM nang binuksan niya ang kaniyang car stereo.
"Wala." Maikli niyang sagot sabay kuha sa isang report sa harap niya.
"Wala?"
"Wala nga! Ang kulit." Muli niyang ibinagsak ang report sa kung saan niya ito pinulot.
"Okey sir, basta sa akin, meron. Kung ayaw mong aminin e, di huwag. Favorite song ko na kaya 'to." Mahina niya iyong sinabi. Parang parinig lang.
Kinagat ni Drew ang labi. Pinigilan niyang huwag mapangiti sa mga pasaring ni Markie sa kaniya.
"Next time, kung papasok ka sa office ko, i-silent mo yang cellphone mo ha?"
"Di na mauulit sir."
"Baduy lang ng ringing tone." Muling pasaring nito.
"Cellphone ko naman 'to e." mahina ding sagot niya.
Yumuko si Drew. Itinago niya ang di niya mapigilang pagngiti.
Huminga siya ng malalim. Kailangan niyang sabihin ang pakay niya kay Markie.
"Pinatawag kita dahil ayaw kong ako ang magiging subject of any sort of gossips here. Kung ano yung nangyari between us, tapos na at kalimutan na natin. Hinding-hindi na mauulit pa iyon."
"May nangyari ba?"
"Di ba nga...yung sinasabi mong nangyari last Friday?" pabulong na pinaalala ni Drew.
"Sorry sir, pero wala akong maalala."
Nagkatinginan sila. Napailing si Drew.
"Good job big boy! You got me!" Nakuha din ni Drew sa wakas ang gustong ipahiwatig ng pagtatanggi ni Markie. Ibig sabihin sumusunod na siya agad sa usapan.
Ngunit sa totoo lang, masakit kay Markie na marinig iyon. Gusto ni Drew na kalimutan ang nangyari sa pagitan nila samantalang iyon ang gusto niyang balik-balikan sa tuwing nag-iisa siya. Para siyang sinaksak nang marinig niya ang sinabi nitong tapos na iyon at hinding-hindi na mauulit pa. Umasa siyang nagustuhan din ni Drew yung ginawa nila. Ngunit sa sinabi nito ay diretsuhan na din nitong sinasabi na huwag na siyang umasa pang mauwi sa relasyon ang lahat.
"Okey that's all. Bumalik ka na sa trabaho mo."
Tumingin siya kay Drew. Nakaparami siyang gustong sabihin, napakarami niyang gustong itanong lalo pa't si Drew na din lang ang nagsimulang magbukas sa usaping iyon.
"Sir, kung magkapera po ako, ibabalik ko po yung 7,800 na ibinigay ninyo sa akin." mahina ang pagkakasabi niya niyon.
"Never mind. Tulong ko na sa'yo 'yon. Huwag mo nang intindihin."
"Pero sir, ang labas kasi sa akin parang binayaran ninyo ako. Hindi ko po ipinagbebenta ang katawan ko. Pasensiyahan na po pero kahit mahirap lang po ako, may naiiwan pa po akong hiya sa aking sarili. Kaya siguro ganyan ninyo ako ituring ngayon kasi alam ninyong binayaran niyo lang ako."
"Hindi ko inisip na bayad ko iyon sa nangyari sa atin. I don't pay for s*x. Iniwan ko iyon dahil nga sa atraso kong di kita maihatid sa inyo. Dahil sa naabala kita. And of course, nakita kong walang-wala ka. Come on Markie, be practical. Ibili mo iyon sa pangangailangan mo."
"Pero sir..."
"Huwag nang makulit. Sige na, lumabas ka na and next time na papasok ka sa opisina ko at kung magkita man tayo sa labas ng office ko, lagi mong isiping that was just a one night stand. Nothing more, nothing less. Or much better, kalimutan mo nang may nangyari sa atin."
"Iyon lang 'yon sa'yo? Ganoon lang kadali? Basta kalimutan na lang?" Huminga ng malalim si Markie.
Pinipigilan niya ang sarili niyang masaktan sa naririnig niya ngunit tumatama ang lahat sa kaniyang puso. Nagsisimulang malanta ang noon ay yumayabong niyang pag-asa. Pakiramdam niya ay tuluyan siyang binigo hindi pa man siya nagsasabi sa tunay na nararamdaman niya kay Drew. Siya nga yung talunan. Hindi niya dapat hinayaang mahulog sa taong di pa niya lubos nakikilala.
"What? Anong ibig mong sabihin?" tumayo si Drew.
Halatang pikon sa huli niyang narinig na sinabi ni Markie.
"Wala sir." Tumalikod na siya at tinungo ang pintuan.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang mga mata. Hindi siya iiyak. Bakit ba siya masasaktan e, siya lang naman ang nangarap at umasa. Siya lang naman ang nagbigay ng kahulugan sa mga yakapan nila at halikan. Siya lang naman ang bumuo ng pangarap na magiging kawangis nila ang kuwento nina Sara at Jonathan sa Serendipity.
"Walang hiya talaga oh, Stupidity lang pala ang lahat at hindi Serendipity." Bulong niya sa sarili.
Habang naglilinis siya ng mga CR ay si ang sitwasyon nila ni Drew ang gumugulo sa kaniyang isipan. Natapos na niya ang lahat ng CR at nasa pagpupunas na siya at pag-aayos ng tables ng mga employees ngunit di pa rin niya naiwawaglit sa isipan niya ang mga sinabi sa kaniya ni Drew. Lalo siya ngayong naguguluhan. Nagsisimula na siyang mahirapan. Ngunit hindi siya susuko. Kailan ba siya pinanghinaan ng loob na hindi ilaban ang kaniyang gusto? Langit at lupa sila ni Drew, tingin niya, malayo ang agwat ng kanilang edad ngunit sa katulad niyang punum-puno ng pag-asa sa tunay na pagmamahal. Malayong panghihinaan siya ng loob. Hindi niya alam kung paano siya magpaparamdam ng pag-ibig sa kanilang boss. Ngunit di ba nga, kung gusto mo ang isang prutas, kahit pa gaano ito kataas, gumagawa tayo ng paraan para makuha ito? Maaring akyatin, batuhin o kaya sungkutin. Ngunit prutas iyon e, tao ang pinag-uusapan dito. Ang masaklap, hindi lang isang simpleng tao.
Nakauwi na halos lahat ang mga empleyado maliban kay Mr. Mendoza na sinabon kanina. Naisip niyang ipagtimpla muna ng kape ang pobreng empleyado. Pagkatimpla niya ng kape ay maingat niyang inilagay iyon sa table ni Mr. Mendoza.
"Uyy salamat sa kape."
" Walang anuman, sir."
"Mukhang tayong dalawa ang napagdiskitahan niya ngayon ano? Kebago-bago mo pa naman. Ako nga pala si Andrei, ikaw?"
"Markie po. Umuwi na ba si Boss?" pasimple niyang tanong.
"Nakita kong lumabas kanina, bakit?"
"Lilinisin ko na sana yung office at CR niya bago umuwi. Iyon na lang kasi ang di ko pa natatapos sir. Nakauwi na din kasi si Sir Stan. May klase din kasi ako bukas ng umaga."
"Nag-aaral ka din pala katulad ni Rex. Puwede mo namang linisin na siguro iyon. In 10 minutes matatapos ko na din ito. Baka iiwan ko na lang din ito sa table niya bago ako uuwi."
"Sige sir. Tapusin ko na lang ang paglilinis ko." pamamaalam niya.
Nang pinupunasan ni Markie ang table ni Drew ay nahagip ng pamunas niya ang mouse ng computer ni Drew. Nabuhay ang monitor nito at dahil hindi nakalock ay nakita niya nasa monitor na youtube na huling pinanood ni Drew bago ito lumabas ng opisina.
Napangiti siya.
Closer you and I with lyrics ni Gino Padilla ang nasa browser nito.
"Kabaduyan pala ha. Kunyari ka pang di mo naalala." Bulong niya sa sarili. Dahil doon nabuhayan siyang muli.
"Pwede. Bakit nga ba hindi? Ilalaban ko 'to brad. Subukan kong ilaban ang nararamdaman ko, hindi ko nga lang alam kung paano ligawan ang kagaya mo."
Nang matapos niyang linisin ang buong opisina ay saka siya pumasok ng CR. Ngayon ay kumakanta na siya habang naglilinis. Inspired na muli siya sa kaniyang ginagawa. Nakasilip muli kasi siya ng dahilan kung bakit kailangan muli niyang mangarap. Lalo na siyang nagkaroon ng dahilan para di niya kasawaang pakinggan ang Closer You and I. Dahil naka-download na iyon sa kaniyang cellphone ay minabuti niyang ilagay na muna ang kaniyang earphone at pakinggan ng paulit-ulit iyon habang nililinis niya ang bowl. Nang tumayo siya ay naramdaman niyang parang may ibang tao sa kaniyang likod. Bumangga kasi ang kaniyang puwitan sa...
"Drew!" gulat niyang nasambit.
"Sorry..."
Tinanggal niya ang kaniyang earphone.
"Sir Drew pala."
Magkaharap lang sila.
Hindi siya nakakilos lalo pa't nakatingin ito sa kaniya. Habang lumalapit sa kaniya si Drew ay wala siyang balak umatras. Ni hindi siya tatabi. Gusto niya ang ginagawa ni Drew na paglapat sa katawan nito sa kaniyang katawan. Ang paglapit ng mukha nito sa kaniyang mukha. Nakita niya ang pagtaas ng kamay ni Drew. Alam niyang hahawakan na siya nito. Hindi siya nagkamali, ipinatong ni Drew ang palad nito sa kaniyang braso. Hindi siya nagpahuli. Ipinatong niya ang palad niya sa balikat ni Drew. Sobrang lakas na ng kabog ng kaniyang dibdib. Matagal niyang inasam na muling magdampi ang kanilang mga labi. At nang halos amoy na niya ang hininga ni Drew ay di niya napigilan ang mga mata para pumikit. Gusto niyang buum-buo niyang maramdaman ang pagkakadampi ng kanilang mga labi. Handa siyang magpagamit muli makuha lang ang gusto.