.Chapter 12 Nang nakalapit si Drew sa tatlo ay hindi niya napigilan ang sariling titigan at kilalanin ang kasama ng dalawa. "Lester?" napalunok siya. Napakamot. Ayaw niyang maniwala sa nakikita. Ang kaklase niya sa University na ito noon at ang lalaking naging bahagi ng buhay niya ang kasama ngayon ng dalawa. "Anong nangyari sa'yo? Oh my God, Lester, ikaw na ba 'yan?" Nagulat si Lester nang makita niya si Drew na nasa harapan niya. Napakalaki na ng ipinagbago ng hitsura nito. Gwapo na noon pa si Drew ngunit mas lalong naging gwapo ngayon sa paningin niya dahil bumagay ang laki ng katawan nito at ang parang hindi tumatanda nitong mukha. Siya ngayon, bukod sa putol ang isang paa ay tadtad pa siya ng mga peklat dahil sa maling desisyon niya sa pagpili at paninindigan ng taong mamahalin. A