Eversince she knew about Gerard Dean Contreiras, she already had someone following him.
Babaero ito pero halatang hindi ito masamang tao. Ni hindi yata nito iniisip na posibleng mapahamak ito sa paglabas-labas nito.
Paano niya nasabi? Because despite his wealth, he doesn't have any bodyguard! Ni wala itong driver! Masyado itong tiwala na wala ritong mangyayaring masama.
Paano na lang pala kung napakasama niyang Mafia Queen? Baka nga kinidnap na lang niya ito at tinakot at tinorture para ilabas nito ang hinahanap niya. Worst ay kung pinatay na lang niya ito agad para wala nang problema at hinalughog na lang nila lahat ng pag-aari nito.
But she doesn't work that way. At gaya nga ng sinabi niya kay Hunter dati ay hindi sila nandadamay ng mga inosente. They are criminals but only to criminals like them.
Right now, she is following Contreiras who just got out of his office. Pero ang direksiyong tinutumbok ng kotse nito ay hindi papunta sa mansiyon nito kundi malamang ay sa lugar na may patay-sinding ilaw. Para ngang ginagawa na lang nitong tulugan ang bahay nito.
Probably, he'll go hunting for a bed warmer again and it's in her favor because she can already start her plan. O baka naman trip lang nitong tumambay at uminom kasama ang mga kaibigan nito.
Whatever it is, she will make sure that he will notice her in every possible way. Siniguro rin niya na sexy ang suot niya ngayon na pinatungan lang muna niya ng coat. Later, she will remove her coat so that he would notice her beautiful curves ang her silky smooth skin.
Napailing na lang siya dahil mukhang wala talaga itong kamalay-malay na may sumusunod dito. Tsk. He's so careless. Too innocent for the world of darkness. To think na nasa jewelry ang line ng of business nito. Tsk Tsk.
Nang pumarada ang kotse nito sa usual bar na pinupuntahan nito kung saan ito nakikipagkita sa mga kaibigan nitong pareho nitong babaero ay ipinark niya rin agad ang kotse niya sa tabi ng kotse nito. Saka lang siya lumabas nang makaalis na ito para pumasok sa bar. Kunwari ay sumilip-silip siya sa ilalim ng kotse niya pero pasimple na niyang nilagyan ng tracking device ang kotse nito. Simula ngayon ay dapat updated na siya in real time sa lahat ng pupuntahan nito.
Pagpasok niya sa loob ng bar ay nakapuwesto na ito sa isang mesa kasama ang mga kaibigan nito. As usual, there are eventually four of them in that table at nagtatawanan pa nga ang mga ito. Naghanap na rin siya ng medyo tagong puwesto na malapit sa puwesto nito.
Minutes passed at biglang napatayo si Contreiras! Mukhang may tinitingnan ito sa dance floor at inayos pa nga nito ang suot nito pero bigla ay tumayo rin ang isang kaibigan nito at mukhang inunahan ito sa pupuntahan nito.
Napailing na lang si Contreiras at imbes na umupo na ulit ay naglakad muna ito palayo. Mukhang pupunta ito sa rest room.
She took that opportunity at sinabayan niya ito sa paglalakad. Kunwari ay nagmamadali siya at nasagi pa kunwari niya ito.
"Oopps! Sorry!" She uttered then smiled humbly and apologetically at him. Hindi na niya hinintay na sumagot ito at agad na siyang dumiretso at pumasok sa women's comfort room dahil style niya iyon. Pa-mysterious effect ba para ma-curious ito tungkol sa kanya.
Pinalipas niya ang ilang minuto bago siya lumabas sa comfort room at lihim siyang napangisi nang mapansin agad niyang nakatayo at nakasandal sa medyo tagong parte ng daanan si Contreiras. Gotcha!Kunwari ay walang napansin na diretso lang siyang naglakad at nang bigla itong humarang sa kanya ay kunwaring nagulat siya!
"Ahmm... Excuse me...." Kunwari ay nalilito at may pagkatarantang umiwas siya ng tingin dito.
"Is it your first time here? Ngayon lang kita nakita rito." malambing nitong tanong na halatang nakikipag-flirt sa kanya. He even bit his lower lip while smiling and she must admit to herself the he indeed looked so damn sexy with that. Magaling talagang magpa-fall ang babaerong ito! But she won't be one of his victims because she's too strong of a woman to be under his charm.
"Uhm, yeah. It's actually my first time going to a bar at dito ko napiling pumunta."
Binigyan niya ito ng tipid na ngiti. Hindi siya magsisinungaling para kung sakaling magpaimbestiga ito sa kanya ay hindi ito magdududa. Iyon nga lang ay may mga bagay siyang itatago rito. Mga bagay na hindi nito malalaman tungkol sa kanya kahit magpaimbestiga pa ito. Her real identity as a Mafia Queen can never be known outside their world except for those people who are also a part of her world.
"Talaga? Mabuti at dito ka pumunta. This place is owned by my friend, but he's out of the country as of the moment. Are you with someone or maybe waiting for someone? Friend? Boyfriend?"
Halata sa tono at sa mga ngiti nito na nagpapa-charming ito sa kanya. Kunwari naman ay inosente siya sa ipinapakita nito sa kanya.
At totoong nagulat siya na kaibigan nito ang may-ari ng bar na iyon. Wala kasi iyon sa report na natanggap niya.
"No... Ako lang mag-isa." Kimi kunwaring sagot niya.
"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo kapag nalaman niyang pumunta ka ritong mag-isa?" his smile was never erased from his lips.
Natawa tuloy siya ng mahina.
Akala siguro nito ay wala siyang kaalam-alam sa ginagawa nito. He's trying to know if he can or can't safely flirt with her by trying to find out if she's single or not.
"Wala namang magagalit kasi wala akong boyfriend." sagot niya at lalo lang lumawak ang pagkakangiti nito sa kanya.
"Oh! Then if you'll allow me, I can give you company. Ililibre na kita as my way of welcoming you here." Anito at simpatiko pang ngumiti sa kanya.
"O-Okay... Thank you." Kunwari ay nahihiya pa niyang pagpayag. Damn! Mukhang hindi naman pala mahirap magkunwari bilang isang inosente at mahinhing babae.
Sinadya niya talagang ibahin ang style niya at ang 'personality' niya kumpara sa mga babaing nagpapapansin dito dahil baka nauumay na rin ito sa mga babaing habol nang habol dito.
Maingat na hinawakan ni Contreiras ang siko niya at iginiya siya sa bar counter.
Nahagip pa ng tingin niya ang ilang tauhan niya na pasimpleng nakamasid sa kanya at maging si Hunter. Inilingan agad niya ito ng pasimple nang makitang umiigting ang mga panga nito. Halos wala kasing lalaki ang basta-basta nakakahawak sa kanya. Maging si Hunter nga ay bihirang-bihira na magdaiti ang balat nila. Pero itong si Contreiras ay basta na lang siyang hinawakan dahil wala itong alam kung sino talaga siya.
Simpleng hawak nga lang ni Contreiras sa siko niya, parang magwawala na si Hunter? Paano pa kaya kapag nagpahalik siya kay Contreiras? Kailangan niya talagang kontroling maige ang mga tauhan niya bago pa may makahalata sa mga ito at makaapekto sa plano niya.
"First time mo bang uminom?" Masuyong tanong sa kanya ni Contreiras nang nakapuwesto na sila sa may bar counter. Pero ang bar counter na iyon ay parang hindi para sa lahat ng customers doon dahil parang naka-isolate iyon at may harang sa karamihan.
Masyado naman yata itong malambing para sa isang fuckboy! Iyon ba ang paraan nito para madaling makuha ang isang babaing kursunada nito? Sabagay, hindi na nakakapagtaka kung ganoon ang diskarte nito.
"Honestly, no.. Nakatikim na rin naman ako ng wine." aniya at muling tipid na ngumiti rito.
"By the way, I'm Gerard Dean Contreiras. How about you?" Inilahad pa nito ang kanang kamay sa kanya.
"I'm Deborah Quinn but you can call me Debbie or Deb." Tinanggap niya ang kamay nito at nagkamay silang dalawa. Pinisil pa nga nito ang palad niya pero nagpatay-malisya na lang siya at pasimpleng binawi ang kamay niya.
"Can I just call you Dean? Masyado kasing mahaba ang first name mo." kunwari ay nahihiya pa niyang kumento. Maybe this fuckboy really likes shy type of women dahil mukhang natutuwa ito sa kanya. But he suddenly stopped a bit upon hearing her request. Still, tumango pa rin naman ito sa kanya.
"Suit yourself, Deb. You have a beautiful name that matches your beautiful face."
Totoong natawa siya sa pambobola nito sa kanya. Damn scumbag! He's a professional flirt!
"But you're way more beautiful when you laugh like that."
Fuck you, Contreiras!
"Can we order now?" pag-iiba niya sa usapan. Mahirap palang makipag-usap sa isang bolero dahil baka mapaniwala pa siya nito!
"Yes, of course! What would you like to drink?"
"What do you suggest?" balik-tanong niya rito na nakangiti. He should be the one to fall for her, not the other way around.
"One Margarita for a pretty lady like you. Don't worry, it won't make you drunk. But if you want to, you can tell me so that I will order a hard drink for you." Kumindat pa ito sa kanya and oh boy, she couldn't help but smile. Unlike other men, he's not trying hard to look pretty handsome. He's a natural.
Tumigil lang siya sa pagngiti nang pasimpleng dumaan si Hunter malapit sa kanila at sadyang inaagaw ang atensiyon niya. He gave her a warning look kaya pasimple na lang niya itong inirapan. Masyado itong killjoy! Kung ipagpapatuloy nito ang pagiging suplado nito ay hindi malabong tatandang binata talaga ito.
Agad na ring naiserve ang inumin nila kaya sumimsim na rin agad siya.
"What?" Natatawa niyang tanong nang mapansing nakatitig na sa kanya ng matagal si Contreiras. Matagal talaga na umabot na sa puntong naiilang na siya.
Since she became the Mafia Queen of Asia, no one dared to stare at her, except for Hunter. Pero wala naman iyong malisya dahil kumportable na sila sa isa't-isa.
"I'm sorry. You're just really pretty. I wonder why ngayon ka lang napadpad dito at ngayon lang kita nakita." Mula sa tila nahihipnotismong pagtitig nito sa kanya ay nagbawi ito ng tingin at uminom sa sarili nitong wineglass.
Tumawa naman siya dahil sa sinabi nito kahit parang hindi naman ito nagbibiro. O baka sobrang sanay lang talaga itong mambola kaya nagmumukha na talaga itong nagsasabi ng totoo.
"Hey... I'm serious...."
Hindi na lang siya umimik at inubos na niya ang natitirang inumin sa baso niya. After that, her plan is to say goodbye for now. Kailangan niya muna ritong magpa-miss. Dapat ay ma-curious pa ito tungkol sa kanya at lagi siya nitong isipin nang sa gayon ay mas mapapadali ang pagkuha niya sa loob nito hanggang sa pagkatiwalaan na siya nito ng buo.
Who knows? He might be hiding the Crown Stone in one of his stores? O paano kung itinago nito iyon kung saan? O pinagpira-piraso?
"The truth is, right now, I really want to kiss your lips..."
Awtomatiko siyang napalingon dito matapos ng sinabi nito.
No! It's not the right time! Masyado pang maaga para ibigay niya rito ang first kiss niya!
Pero hindi niya namalayang unti-unti na palang lumalapit ang mukha nito sa kanya at napansin na lang niya iyon nang naamoy na niya ang hininga nito at kumiskis na ang tungki ng ilong nito sa ilong niya.
Shit! Abort! Abort! Sigaw niya sa isip niya pero tila nahihipnotismo siya ng mga mata nitong titig na titig sa kanya.
Pero bago pa man lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya ay umalingawngaw ang malakas na tunog ng cellphone sa bulsa niya kasabay ng malakas niyong pagvibrate at dahil doon ay bumalik sa kanya ang buong katinuan niya.
For sure, it's Hunter who called her! Ito lang naman ang nag-iisang taong tumatawag ng direkta sa cellphone niya at ang nakakaalam ng bagong number niya.
Agad siyang umayos ng upo habang tila bigla namang nalito si Contreiras. Pero bago pa man ito makabawi mula sa pagkagulat ay mabilis na siyang nakatayo.
"I really have to go. Nice meeting you." Nagmamadali niyang sabi na dapat ay acting lang pero parang hindi na.
Dammit! She almost failed herself!
Tinalikuran niya na agad si Contreiras at hindi na lumingon ulit dito kahit narinig pa niya ang mga pagtawag nito.
Naramdaman naman agad niya ang pagsunod ni Hunter sa kanya at siguradong makakatikim siya ng sermon dito mamaya.
Next time, she must be more careful! Hindi siya puwedeng mabiktima ng playboy na iyon!