Chapter 8 - Dinner

1826 Words
"I-I'm sorry. I'm just really happy seeing you again." Mapagpaumanhing binitiwan naman agad ni Contreiras ang mga braso niya at tumayo na lang ito sa mismong tapat niya. Malapit lang sila sa entrance at exit ng mall na iyon sa may parking area kaya may mga tao ring dumadaan doon at napapatingin sa kanila. "D-Dean? Am I right?" kunwari ay hindi sigurado niyang tanong dito. "Yeah! I'm glad that you still remember me!" tuwang-tuwa naman agad nitong kumpirma sa kanya. Napaka-OA naman nito, kunwari ay hindi babaero. Duh! "Uhm. What a coincidence to bump into you here. Bihira kasi akong lumabas tapos nagkataong nandito ka rin pala." pagsisinungaling niya. Ang totoo ay bihira siyang umuwi at magpahinga sa bahay dahil lagi siyang nasa labas. Palagi nga siyang nakabuntot dito eh. Bigla namang lumawak ang pagkakangiti ni Contreiras dahil sa sinabi niya. Nagpapa-pogi ba ito sa kanya? "Pasensiya na pala kung bigla akong umalis noon. Nakalimutan kong may bibilhin pala dapat akong importante." sabi pa niya. "It's ok. Maybe it's fate working that we suddenly meet again." napapakamot sa batok na biro pa nito. Parang gusto tuloy niyang matawa ng malakas! Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili niya kaya napangiti na lang siya. What a real womanizer! May pa-fate-fate pang nalalaman, akala mo naman ay hindi babaero! Akala siguro nito ay nauuto siya nito, pero iyon ang maling akala nito. "You're funny. Baka nga kasama mo ang girlfriend mo." kunwari ay pabirong tudyo niya rito sabay linga sa likod nito. She's aware that he doesn't do girlfriends. Pero malay ba niya kung may umaali-aligid na isa sa mga babae nito nang mga sandaling iyon. So far, nang makita niya ito kanina ay mukhang mag-isa lang naman ito. But it's better to take precaution and stay alert dahil baka bigla na lang may babaeng sumugod sa kanya. Ni hindi nga nakakalapit sa kanya ang mga leaders ng sindikato sa underground world nang walang pahintulot niya tapos ay basta na lang may susugod sa kanya na malanding babae dahil lang sa isang babaerong lalaki? Sobrang nakakainsulto iyon sa kanya. "I don't have a girlfirend!" agad namang alma ni Contreiras sa sinabi niya at may pailing-iling pa itong nalalaman. Wala ngang girlfriend, babaero naman! "For real? I doubt it... Baka sabi mo lang iyan." pabiro ulit niyang sabi. "I'm telling the truth! Kahit paimbestigahan mo pa ako." Anito pero agad ding napangiwi. Narealize marahil nito na wala nga itong girlfriend pero kaliwa't-kanan naman ang mga babae nito. "Hindi na kailangan." Saad niya at tila nakahinga naman ito ng maluwag. Napaimbestigahan na kita, kung alam mo lang. "Oo, tama... Hindi na talaga iyon kailangan. It's just a waste of money and time. I'm telling you the truth, anyway. Wala naman talaga akong girlfriend. I never had one, actually. I only have close friends and they are all men." Paliwanag pa nito sa kanya na nginitian na lang niya. Why the hell does he need to tell her all those nonsense? It seems like he's just blabbering about anything under the sun for the sake of conversation. She didn't expect that Contreiras would act like this. Akala niya ay cool lang ito lagi kaya nga malakas ang dating nito sa mga babae lalo at medyo brusko rin ang awrahan nito. Pero bakit bigla ay parang naging tarantahin yata ito? Is there something wrong with him this time? Does he have a problem? But he doesn't look like he has a problem. He even smiles cheerfully at her. "Okay..." Tanging sagot niya rito. Tila bigla na naman tuloy itong nataranta. Did her men miss something about him? Does he have mental issues? Kakaiba kasi ito ngayon kumpara noong una siyang nagpakita rito. Parang nawala na rin ang angas nito at confidence na taglay nito sa pagharap sa kanya. "If I may just ask, where are you going? Are you meeting with someone?" Napataas ang kilay niya dahil nagtatanong na ito ng personal tungkol sa kanya. "I don't mean to intrude into your personal life, I'm sorry. I was just curious. But you don't have to answer me." Bawi nito sa sinabi. Sa wakas ay mukhang nahamig na nito ang sarili. Kaharap na ulit niya ngayon si Gerard Dean Contreiras, body and mind. "Wala naman... Ako lang ulit mag-isa. Magdidinner lang sana ako dito sa mall." "Oh... What a real coincidence... Magdidinner din kasi ako." "Talaga? Akala ko uuwi ka na. I mean, para kasing palabas ka na, di ba?" kunwari ay nalilito niyang tanong. Gusto niya itong taasan ulit ng kilay dahil obvious namang hindi totoo ang sinabi nito. "Yeah. May kukunin lang sana ako sa kotse. But that can wait for later. So... Since we're both going to eat dinner, would you mind if we eat together? I mean.. No malice, right? Just the two of us, two civilized people having dinner together. What do you think?" Doon na siya talaga natawa nang bahagya. Ewan ba niya pero parang trying hard masyado itong si Contreiras na makasama siya. Pero siyempre pabor iyon sa kanya. Hindi lang niya inasahan na mukhang maaatat nang ganito si Contreiras sa kanya given na marami namang babaeng umaaligid dito palagi. Siguro inexpect niya na medyo mahihirapan siya dahil sanay si Contreiras na ito ang hinahabol ng mga babae. Siguro ay naninibago talaga ito at na-challenge ito sa kanya dahil hindi siya kagaya ng mga cheap na babaing humahabol-habol at nagpapapansin dito. Her strategy to catch his interest is really right. Kunwari ay wala itong appeal sa kanya at lalo naman itong nagiging interesado at atat sa kanya. When the right time comes, she will make sure that she'll get the answers that she need from him. For now, a little patience and performing more acting is what she needs. Kunwari ay nag-isip muna siya habang lihim na inoobserbahan ang reaksiyon ni Contreiras. That hopeful look is so visible in his expressions. Pero siyempre kunwari ay hindi niya napansin iyon. She blinked her eyes few times and looked somewhere at the ceiling hanggang sa ngumiti siya rito at tumango. "Sure! It's just dinner." pagpayag niya kay Contreiras. Napangiti na ito nang malawak sa kanya at saglit pa silang nag-usap hanggang sa napagpasyahan nilang kumain sa isang Italian restaurant. Mahilig kasi siya sa pasta. May Italian restaurant naman sa loob ng mall na iyon kaya doon na talaga sila kumain sa loob. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito sa mall kanina?" kunwari ay tanong niya habang hinihintay ang mga inorder nila. "Parang hindi ka naman kasi nagshopping dahil wala ka namang dala." Pabiro pa niya kunwaring dugtong kaya bahagyang natawa si Contreiras. "You're right. I really didn't go shopping. The truth is, I have a business inside this mall and I visited it a while ago." nakangiti nitong sagot na walang bahid nang pagyayabang. At least, humble at honest kahit babaero. "Ow, talaga? What business?" "A jewelry store. If you're familiar with D' Gems, that's it." "That name sounds familiar." Muli niyang pagsisinungaling. "What a coincidence again, though, 'cause the business I inherited is also a jewelry business!" Natutuwa pa niya kunwaring bulalas at totoo namang nagulat si Contreiras. Poor man. Sorry if I have to lie to you thousands of times, Contreiras. I'm just looking for something that you might have. "Really?!" "Yeah. Uhm, not to brag but my family owns the QJ." "What the— Are you kidding me? That's an international brand! And you have the most expensive and rarest jewelries! Holy cow! Now I know why your last name sounds very familiar! But you don't look like the owner though. I mean... no offense meant... You look modest and simple." Napangiti siya ng totoo sa papuring iyon ni Contreiras. Hindi naman kasi talaga siya mahilig sa mga alahas kahit iyon ang negosyo ng pamilya nila, lalo na iyong mga iba't-ibang klase ng mamahaling bato o dyamante. Eversince she learned about her father's true nature of living and his environment, power and leadership became more interesting and attractive for her rather than those jewelries. At tama si Contreiras sa sinabi nitong nasa kanya ang pinakamamahalin at bibihirang mga bato at alahas. Why? Ninanakaw lang naman nila ang karamihan ng mga iyon sa masasamang tao at ang iba pa nga ay ibinibenta nila through bidding sa underground world, lalo na iyong mga kayamanan at alahas na siguradong kikita siya ng malaki. Hindi naman makapalag ang mga ninakawan nila oras na malamang siya ang nagpakuha niyon dahil may hawak silang alas laban sa mga ito. Siyempre, mahal ang halaga ng ninakaw nila kaya mabigat din ang halaga ng mga impormasyong itatago niya kapalit niyon. At kapag may kumalaban sa kanya, ito lang din ang magiging kawawa. That's her way in the underground world. She the ruler. And she's bad.. Really really bad.. But she's not the demon. She's just a bad Mafia Queen who fights evil persons inside her own world even if it makes her a bad person, too. "Maybe that's my way not to attract kidnappers and to hide my identity?" pabiro niyang sagot sa sinabi ni Contreiras. Although she has few pictures in the internet as the sole heiress of QJ, hindi naman masyadong kita ang kabuuan ng mukha niya as per her order. Isa pa, sa impluwensiya niya at sa mga taong tunay na nakakakilala sa kanya ay walang sinumang kakalaban sa kanya o magtatangka sa buhay niya. Ngayon lang talaga may naligaw na kung sinong demonyong gustong magpabagsak sa kanya at iyon ang dapat niyang malaman kung sino ang kalaban niya. Looking at Contreiras now and looking back at their first meeting, she could say that maybe they're just the same for they both look far from being a jeweler. The only difference is that, she has protection everywhere, she has eyes everywhere, while he doesn't. And she's way more powerful than him. "So we're competitors, huh." pabiro niya pang dugtong at natawa ng bahagya si Contreiras. "It doesn't matter. I'm not competing with you now and I don't think I would compete with you in the future about business matters. For me, you're just a pretty lady with an exceptional beauty and appeal." Natawa naman siya sa sinabi nito pero hindi na siya nakasagot dahil dumating na ang mga inorder nila. What a sweet talker! A real womanizer indeed. During dinner ay nagtanong pa ito ng ilang personal na bagay tungkol sa kanya. Sinagot naman niya ang ibang mga katanungan nito ng safe answers. Nabanggit niya rin dito na nasa Pilipinas lang siya para magbakasyon. After eating dinner, nagpaalam muna siya kay Contreiras na pupunta sa restroom. She quickly and silently sent an order to one of her men to deflate one of her tires. Sa ganoon ay mapipilitan si Contreiras na ihatid siya. That way, she can still gain some informations from him about the missing Crown Stone. Sisimplehan lang niya ang pagtatanong dito para hindi ito makahalata. If he has it, she will know it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD