Jessa Zarossa’s POV “Sir Levi! Natulala na po kayo sa girlfriend niyo!” Narinig ko naman na banggit ni Carla kaya binaling ko ang tingin ko dito. Parang ayoko na lang ibaling muli ang tingin ko kay Levi dahil sa kakaibang t***k ng puso ko. Pero narinig ko ang pagtikhim nito at nang muli ko itong tignan ay hinahagod na nito ang katawan ko mula sa baba pataas na tumigil sa may upper part ng katawan ko. Napalunok ako kahit parang tuyong tuyo na ang lalamunan ko kakalunok. “The dress is too sexy,” sambit ni Levi na bumaling kay Carla. “Wala na bang ibang damit?” “Ay, Sir Levi.” Biglang singit naman ng bakla na bumili ng dress. “Iyan na po kasi ang pinaka-conservative na nakita ko na sakto sa sukat ni Madam. ‘Yung iba po kasi na dress ay ang baba ng neckline, ang iba naman ay sobrang iksi.