Jessa Zarossa’s POV “Are you ready?” Tumango naman ako at ilang sandali lang ay nag-drive na si Levi at ngayon ay pupunta na kami sa hotel kung saan gaganapin ang out of town business conference. Ang sabi nito ay halos tatlong oras nga raw ang magiging byahe namin. Pasado alas sais na rin kami naka-alis ng opisina dahil marami kaming tinapos na trabaho. Busog pa naman kami dahil nag-late merienda kami sa opisina. Si Levi ay naging busy rin sa loob ng opisina nito dahil may mga files itong hinihingi sa akin. Naiintindihan ko naman dahil sa business conference ay may mga target itong new clients. At ang ayaw nito sa lahat ay maungusan ni Andrew Fuentabella na matinding kalaban nito sa negosyo kaya todo review sa mga files. Naging tahimik lang naman kami sa byahe. Ayoko rin kasi na mag-o