Jessa Zarossa’s POV Bigla ko naman na nabitawan ang pagkakahawak ko sa lalaking nakabangga ko. Mabilis akong lumayo kasabay ng pagbitaw ng tinawag na Mr. Fuentabella ni Levi sa beywang ko. Coincidence pa yata na ito ang kalaban ni Levi sa negosyo. Kaya pala bakas pa ang pasa sa mukha ng lalaki na dulot ng pambubugbog na ginawa ni Levi nang nakaraang linggo. “Levi,” sambit ko. Tumingin naman sa gawi ko si Levi at madilim ang mukha nito na mas lumapit sa akin. Nanigas naman ang kalamnan ko nang bigla akong hinila ni Levi sabay hapit sa beywang ko. Dahil muntik na akong ma out-of balance na naman ay napahawak naman ako sa matipuno nitong dibdib. Napalunok ako ng maramdaman ang mga muscles no’n mula sa suot nitong baby blue longsleeves. “Anong ginawa niya sa’yo?” tanong nito sa akin. Sobra