Chapter 06:DREAMLAND

1536 Words
Pagkatapos kong bisitahin si Lola Vilma, lumabas agad ako ng hospital. Habang naglalakad ako sa kalsada papunta sa terminal ng bus, napansin ko ang isang itim na sasakyan na biglang huminto sa tabi ko at bumukas ang pinto ng kotse. "Ms. Amor," sabi niya. "Kim, bakit ka nandito? 7 pm pa ang usapan natin na magkikita," diretsong sabi ko. Sumakay ako agad sa kotse at pinagpatuloy ang pagsasalita, ngunit naputol ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Pasensya na, Ms. Amor. Hindi ko napigilan ang sarili ko sa sobrang pag-aalala sayo dahil sa nangyari kanina. Paano kung..." "Okay lang ako Kim, salamat. simula ngayon, I will handle the project sa construction site kung saan tayo nagtatayo ng isang dreamland," aniya ko habang diretso siyang nakatingin sa akin na hindi makapaniwala sa narinig. Buti naman, Ms. Amor. Kailan mo balak magsimula para masabi ko sa mga tao natin sa site na pupunta ka? Bukas ng umaga ay magsisimula na akong magtrabaho bilang chef's engineer. "Sige, aayusin ko lahat ng kailangan mo sa site, Ms. Amor." "Good, Kim. I can really count on you," sagot ko. Agad akong bumaba ng sasakyan pagdating namin sa Mandaluyong kung saan ako nakatira. Umalis naman agad ang sasakyan ni Kim, at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bahay. Binuksan ko ang pinto, pumasok, at dumiretso sa kwarto ko. Kinaumagahan, maaga akong nagising at inihanda ang aking sarili para sa aking unang araw sa aking trabaho sa konstraksyon site bilang isang chief engineer sa sarili kong dreamland. Dali-dali akong pumasok sa banyo, naghubad ng damit, at binasa ang buong katawan ko. Pagkatapos kong maligo, kinuha ko ang tuwalya sa cabinet na nakatupi pa at tinakpan ang katawan ko bago lumabas ng banyo at dumiretso sa cabinet. Kumuha ako ng isang pares ng asul na konstraksyon uniform at isinuot iyon. Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na rin ako ng kwarto ko at dumiretso sa parking area kung saan naka-park ang puti kong motorbike. Sumakay ako, inilagay ang susi, sinimulan ito sa pagpatakbo, pagkatapos ay dumiretso sa lugar ng konstraksyon site. Pagdating ko sa destinasyon, sinalubong agad ako ni Kim na dala ang puting helmet. "Good morning, Ms. Amor," unang bati sa akin ni Kim, na agad ko naman sinuklian ang pagbati na iyon. Kinuha ko sa kanya ang puting helmet, saka ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa konstruksyon site kung saan ako magtatrabaho. Napatingin ako sa kamay ni Kim nang iabot niya sa akin ang puting papel na nakabalot pa. Kinuha ko iyon sa kanya at tiningnan. "Ito ang mga disenyo ko sa paggawa ng mga gusali." Ang dreamland na ito ay may maraming typhoons, bagama't kailangan ang disenyo ay patibayin ito ng mabuti, ang buong bagay bilang isang spiral ang 800 metro na tore ay kailangan pa ring maghugas ng mga naunang bagyo. Pagkaraan ng ilang sandali, inihayag ni Kim na aalis na siya; marami pa siyang trabahong dapat asikasuhin sa kumpanya. "Manong, okay ka lang ba?" Diretsong tanong ko nang makitang nahihirapan siyang buhatin ang buhangin. "Ms. Amor, I'm fine. Don't dirty your hands," diretsong sabi niya. Napabuntong hininga ako at bumalik sa mesa. Hinubad ko ang puting helmet na suot ko at kinuha ang dilaw na helmet sa lamesa at saka isinuot. "Ms. Amor, bakit mo pinalitan ang helmet na mababa ang posisyon sa site na ito," sabi ng kasama kong si Kris, na isa ring engineer. "Natatakot sila sa akin kapag nakasuot ako ng puting helmet, Kris. Siyangan pala, huwag mo akong tawaging Ms. Amor, Camila na lang ang itatawag mo sa akin simula ngayon, iilan lang sa inyo ang nakakaalam kung sino ako. Pwede ba secret na lang natin ito." "Pero, Ms. A..." "Kris, please. Don't tell anyone about me, okay." Tumango na lang siya, nagtataka sa sinabi ko. Pagkatapos ng trabaho ko sa konstruksyon site, umalis agad ako at dumiretso sa kumpanya na nasa tabi mismo ng building na pinagtatrabahuan ko. Pagdating ko sa kumpanya, agad akong pumasok pero napatigil ako sa may pintuan nang makita ako ng isang guard na naka-duty. Hindi niya ako nakilala dahil suot ko ang usual construction uniform at medyo nagbago ang mukha ko. “Miss, bawal kang pumasok dito,” tugon niya. "Manong, baka naman pwede akong pumasok sa loob, may makakausapin lang ako dito, saglit lang," pakiusap ko sa kanya. "Sorry miss, pero hindi talaga pwede. Baka matanggal ako sa trabaho ko kapag pinapasok kita dito. Sinong kakakausapin mo? Tatawagan ko na lang siya para pumunta dito sa gate," Bumuntong-hininga ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at tinawagan si Kim. Hindi ko masisisi ang mga guwardiya; ginagawa lang nila ang trabaho nila. Kim, nandito ako sa gate ngayon. Magpadala ka dito ng tao para makapasok ako. Diretsong sabi ko. Makalipas ang dalawang minuto, dumating ang isa kong tauhan, na agad namang sumenyas sa mga guard na papasukin ako. Pagkarating ko sa opisina ko, diretso akong umupo sa office chair ko at tiningnan ang mga dokumentong nakapatong sa desk ko. Hmm, magaling Kim, magaling ka. Salamat sa pagpapatakbo ng kumpanya dito kapag wala ako. By the way, kamusta naman ang imbestigasyon sa kaso ng parents ko? May bago ka bang nakuhang ebidensya laban sa kapatid ko? Wala pa rin, Ms. Amor. Pero huwag kang mag-alala, ginagawa ko ang lahat para makakuha ng ebidensya laban kay Carlos. Mukhang mahihirapan tayong kumuha ng ebidensya laban sa kanya ngayon. Hindi magsasalita ang lahat ng kausap ng staff natin dahil sa malaking pera ang nakapatong sa ulo nila. Ano ang ibig mong sabihin? Kim. Agad niyang ipinakita sa akin ang litrato ni Carlos kausap ang ilang mga tao habang nag-aabot ng pera dito. Nagpakawala ako ng hininga bago nagsalita. Ginagamit ni Carlos ang pera upang takpan ang kanyang mga kasalanan; wala namang kahihiyan. Matapos siyang kopkopin ng mga magulang ko, ito ang kanyang ibinalik sa kanila. Ibinabalik ko ang atensyon ko sa mga dokumento at isa-isa itong binasa. "Acosta company," mahinang sabi ko. "Yes, Ms. Amor, may bagong investor na pumasok sa company natin. Ito ang mga detalye ng Acosta company; 30 percent ang shares ng company nila dito sa company natin. Maganda ang pagpatakbo ni Mr. Miguel Acosta, ang bagong CEO, iniimbestigahan ko na rin ang kumpanya ng Acosta at wala akong nakikitang problema doon. "Mabuti kung ganun, gusto ko siyang makilala ng personal, Kim." "Kailan mo ba balak makipagkita sa kanya, Ms. Amor, para maayos ko ang petsa at oras para magkita kayong dalawa?" mahinang tanong ni Kim. Pagkalipas ng tatlong araw, Kim. Siyanga pala, Ms. Amor, sa mga susunod na araw, ika-15 anibersaryo na ng kumpanya, at plano kong mag-party. Magandang ideya, Kim. Ipadala mo sa kanila ang invitation card para sa ika-15 anibersaryo ng kumpanya natin. Diretso sabi ko at tumayo mula sa kinauupuan ko, at naglakad palabas ng opisina ko. Habang naglalakad ako sa hallway ng kumpanya, nakasalubong ko si Faith, ang girlfriend ni Miguel. Anong ginagawa ni Faith dito sa kumpanya? tanong ko sa sarili ko. "Oh! Ikaw na naman, anong ginagawa mo dito sa kumpanya? Akala ko malinaw na ang usapan natin na layuan mo si Miguel. Hindi pa ba sapat ang perang ibinigay ko sayo, Camila? Kulang pa ba? Dadagdagan ko pa, sabihin mo lang kung magkano ang gusto mo," Biglang tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi ni Faith. So ang lahat ng ito ay tungkol sa pera, ngunit ano ang ibig niyang sabihin? Nandito si Miguel sa loob ng kumpanya ko. Nabalik sa isip ko ang dokumentong nabasa ko sa opisina kanina tungkol sa Acosta Company. Miguel Acosta? Napakagat labi ako ng napagtanto ko na si Miguel ay isang CEO ng Acosta Company, kaya naman pala na pinagguguluhan ng mga babae mapera at playboy ang lalaking ito. Napatingin ako sa bag ni Faith nang may kinuha siya sa loob nito, pera, at inabot niya sa akin. Siguro naman sapat na itong pera na ito, Camila. Huwag ka nang magpakita. Pwede bang umalis ka na dito. Paumanhin, ngunit hindi ko matatanggap ang perang ito. Isa pa, wala naman kaming relasyon ni Miguel kaya wag kang baliw. Kung mahal ka talaga niya, hindi siya hahanap ng ibang babae," ani ko. At pagkatapos, tumalikod ako sa kanya at mabilis na umalis. Malalaki ang hakbang ko palabas ng kumpanya, pero napatigil ako nang makita ko si Miguel na nakatayo nang hindi kalayuan sa akin. "Camila, pwede ba kitang makausap? Pasensya na sa ginawa ni Faith," aniya. "Okay lang, Miguel. Naiintindihan ko siya; mahal ka niya," sagot ko. Napapikit ako bigla nang humahalinghing siya nang hindi ko inaasahan. May nasabi ba akong mali? "Excuse me, pero wala kaming relasyon ni Faith," sagot niya, napatigil ako bigla sa pagsasalita. "So ang ibig mong sabihin ay imahinasyon lang ni Faith na girlfriend mo siya, ganoon ba, Mr. Miguel?" "We only do something fun, like..." sabi niya habang nilalapit niya ang katawan niya sa katawan ko, na agad kong ikaatras hanggang sa napasandal ako sa malawak na pader. "So isa ba ako sa mga laruan mo na sinasabi mong fun? Mr. Miguel?" bulong ko dito. "No! I really like you, Camila. Ibang-iba ka sa kanila, kaya hindi ako titigil hangga't hindi ka naging akin. No one can take you from me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD