[ TWO ]

2073 Words
  [ TWO ] ICKA Pov " Shut up!!!" Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng kanyang sigaw, nakakaramdam ako ng takot sa mga nakikita kong reaksyon niya.. salubong na salubong ang makapal na kilay nito at nakaigting ang kanyang bagang habang nakakuyom ang kanyang dalawang kamao na parang any moment now mananapak siya ng wala sa oras.. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata dahil nakakaramdam na ako ng sakit.. sakit sa puso, isip, katawan.. nakakapagod.. pagod na pagod na ako.. sa pagsalo ng galit niya dahil kung tutuusin wala naman talaga akong kasalanan sa kanya.. ako pa nga ang lugi.. ang nawalan at namatayan.. pero bakit ba hindi niya pa ako lubayan kung talagang ayaw na niya akong makita.. bakit kailangang nandito pa siya sa pagdilat ng aking mga mata.. bakit?!! bakit kailangan niya pa akong pahirapan ng ganito.. gayung.. matagal na akong nasasaktan dahil sa kanya.. dahil sa pagmamanipula ng kany-------------------------- " Open your eyes goddammit Icka!!! Explain it to me!!! Ipaliwanag mo ang mga sinabi mo kanina!!! Anong ibig mong sabihin ng dalawang beses mo na akong nailigtas?!!! Ano?!" s**t!! halos manayo lahat ang aking balahibo sa buong katawan ng maramdaman kong kakaunti na lang ang pagitan ng aming mga mukha.. dumadampi sa aking kanang pisngi ang kanyang mainit na hininga.. ang pamilyar na pamilyar na amoy ng kanyang katawan.. pero nanatiling nakapikit ang aking mga mata dahil natatakot ako.. natatakot ako sa maaaring makita ko sa aking harapan.. Can this man give me a break?.. I am bleeding for christ sake!! alam niyang bumuka ang tahi ko pero inuuna pa niya talaga ang kanyang sarili. . talaga bang wala na akong halaga sa kanya? wala na siyang pakialam sa akin.?. kahit pa maubusan ako ng dugo.. kahit pa nga nasasaktan ako.. ganito ba talaga kalaki ang galit niya sa akin... Minahal ko lang naman siya.. minahal ko lang naman siya ng higit sa buhay ko.. wala akong choice.. wala kundi ang piliin na iwanan siya.. masaktan ako.. para lang.. mabuhay siya.. Ano bang klaseng paninira ang mga ginawa ng kanyang magulang sa akin para kasuklaman niya ako ng ganitong katindi? Ano pa? " Icka!!! Explain it to me!!!" " Icka!!! " Binging bingi na ako, sa pinagsama samang sama ng loob, idagdag mo pa ang sakit na nararamdaman ko dahil sa sugat na tinamo ko dahil sa tama ng baril.. I lose it.. I opened my eyes at muntikan na akong mapamura ng malakas ng mabungaran ko ang mukha niya na walang kaemo emosyon kundi galit.. galit.. how dare him!!! Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ko dahil gamit ang dalawa kong kamay  itinulak ko siya sa dibdib ng buong lakas para magkaroon ng distansya ang aming katawan.. wala akong pakialam kung bukod sa pagdurugo ng aking sugat.. natanggal na ang dextrose ko..  " Get out!!! Get out!!! Walang kang awa!! wala kang patawad!! Umalis ka na!! umalis ka na dahil ayoko na kitang makita!!! Kung ikakasiya mo sa sarili mo na nakikita mo akong ganito pwes magpakasawa ka!! Umalis ka na!!! Wag ako ang tanungin mo ng ganyan!! Wag ka sa akin magalit!! sa mga magulang mo!! sa kanila ka magalit, sa kanila!! dahil sila ang may kasalanan ng lahat!!! umaliisssssss kaaaa naaaaaa!!!" walang tigil sa pagpatak ang aking  mga luha, halos pakiramdam ko nasugatan ang aking lalamunan dahil sa sobrang pagsigaw sa kanya.. galit na galit ako.. nasasaktan ako.. sobra na sobra na talaga.. ang tanga tanga ko.. ang tanga tanga ko.. Iyak ako ng iyak.. wala akong pakialam kung mukha na akong tanga at kaawa awa sa kanyang paningin.. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya dahil nakatakip na sa aking mukha ang dalawa kong kamay at doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko.. sa kanya.. sa pamilya niya.. lalong lalo na sa tatay niya... ang pagkawala niya.. ng anak ko.. lahat iyon.. ngayong araw na ito.. iniyak kong lahat.. sobra na kasi talaga.. punung puno na ako.. wala naman akong kasalanan.. wala.. walang wala.. ako pa nga ang biktima.. ako!!! " s**t!!! s**t!!! s**t!!! f**k this!!!" sunud sunod niyang pagmumura.. "  Ick-------------- " U-Umalis ka na!! umalis ka na pakiusap!!! umalis ka naaa!!! buhay ako.. buhay na buhay ako, pasensya ka na hindi pa ako natuluyan.. baka sakaling sa susunod ganoon na nga ang mangyari.. tutal alam ko naman na iyon ang gusto mo.. iyon ang gusto ng tat------------------------------- " Will you shut up Icka!!! shut up!! s**t!!! hindi mo alam ang iniisip ko kaya mas mabuti pang manahimik ka na lang!!! And stop talking in riddles dahil wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo sa akin!!!" huminga ito ng malalim at pinakatitigan niya ako ng mabuti. Yung bang mga tingin na parang binabasa niya ang buong katauhan ko.. nanunuot..nang uusig.. " For godsake your bleeding!! let me call the doctor for you!! s**t!! s**t!! this is my fault!!" hindi ko alam kung anong iisipin ko dahil sa pagbabago ng kanyang mood.. malakas ang boses niya, nakasigaw siya pero damang dama ko yung pag aalala niya para sa akin.. parang gaya ng dati.. gaya noon ... kapag nagkakasugat sugat ang aking mga daliri dahil sa paglalaba ng mga damit namin noon.. dahil allergy ako sa sabon pero ginagawa ko  pa rin iyon dahil gusto ko siyang pagsilbihan.. gaya noong mga panahon na natatalsikan ako ng mantika kapag nagpiprito ako ng itlog o isda.. nandoon yung concern niya.. pero baka dinadaya lang ako ng akiong pandinig dahil ng tingnan ko ang itsura niya habang pinipindot ang bagay na iyon para tumawag ng doctor.. wala akong makitang emosyon doon.. wala.. " Anong nangyayari dito? "  kilalang kilala ko ang boses na iyon.. s**t lang!! bakit ngayon pa? bakit ngayon pa siya dumating? natitiyak kong magkakaroon ng malaking g**o kung makikilala niya si Jigs.. " Tang ina!! anong ginagawa mo ditong hayop ka!!! ano!!!? " ang tinig na iyon.. si Kuya.. si Kuya Jaime.. nagpupuyos sa galit ang kanyang mga mata.. nakakuyom ang kanyang dalawang kamao at nanginginig ang kanyang buong katawan na tanda na galit na galit ito.. magkasingtangkad sila ni Jigs at parehas ng laki ng katawan.. kaya natatakot ako sa maaaring mangyari sa pagitan nilang dalawa.. hindi ko pa na,am sila kayang pigilan kung sakali dahil sa injury ko..  nanlaki ang mga mata ko ng inilang hakbang niya ang kinatatayuan ni Jigs at walang babala niya itong kinuwelyuhan..  " Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito!! Hindi na ako magtataka kung ikaw na naman ang may kasalanan nito!! kung bakit na naman nasa ospital ang kapatid ko!!! Hindi ka pa ba masaya!! hindi ka pa kontento!! hindi pa ba kontento ang tatay mong matapobre at pinahihirapan niyo ng sagad sagad ang kapatid ko!!! hindi pa ba sapat na namatay ang ana--------------------- " Kuya!!!!! " putol ko sa mga sinasabi niya dahil mababanggit niya.. mababanggit niya ang nangyari sa akin.. ang pagkawala ng anak ko.. at hindi pa ako handang malaman ni Jigs iyon.. hindi pa.. hindi ko pa kaya.. dumako ang aking mga mata kay Jigs, pero wala akong makitang takot, pangingilag sa kanyang katawan, sa kanyang mukha.. nakatingin lang siya ng seryosong seryoso sa mga mata ng aking kapatid.. nakatiim ang bagang nito pero alam kong isang maling hakbang at kilos ni Kuya.. hindi maaaring gumanti si Jigs kung sakali man.. " s**t!! s**t!!! umalis ka na dito Samaniego hindi ka kailangan ng kapatid ko!! umalis ka na!!" patulak niyang binitawan si Jigs at walang lingon lingon na tinungo niya ang kinahihigaan ko only to find out that I am bleeding again..  galit na galit itong nagmura at tumingin ng masama kay Jigs.. ng akmang lalapitan niya pa ulit iyon.. pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanang braso niya.. wala na akong lakas.. unti unti ng pumipikit ang aking mga mata.. pagod na pagod na ako.. " K-Kuya, b-bumaka u-ulit iyong t-tahi k-k----------------- hirap na hirap kong sabi.. I closed my eyes dahil nakakaramdam ako ng hilo.. " Icka!!! " " Jessie " Wala na.. wala na akong matandaan bukod sa pagtawag nila sa aking pangalan.. dahil tuluyan na akong dinala at tinangay  ng kadiliman.. JIGS Pov Alam mo yung pakiramdam na kahit nakayuko ako habang nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa waiting area ng emergency room may mga matang nakatingin sa akin.. at hindi lang basta tingin ang ibinibigay nila sa akin.. ramdam na ramdam ko yung galit nila.. tama.. hindi lang isa.. halos lahat yata ng kasamahan ni Icka sa trabaho ganoon ang tingin sa akin.. siguro kung nakakamatay lang lahat iyon.. malamang lamang kanina pa ako patay.. at pinaglalamayan.. Nakokonsensya ako.. I felt guilty.. lalo ng makita kong walang malay si Icka na inilalabas na naman sa kwarto niya para tahiin lang ulit ang sugat niya.. Aminado akong kasalanan ko naman talaga.. I stress her too much.. wala ako sa lugar.. galit ako sa kanya.. galit na galit ako sa kanya but at the same time hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng pag aalala sa kanyang kalagayan at saka isa pa.. AKO NAMAN TALAGA ANG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA NANDITO SA OSPITAL NGAYON.. pero dahil sa bugso ng aking damdamin.. kung anu anong masasakit na salita ang mga sinabi ko sa kanya.. Hindi ko kasi napigilan ang aking sarili lalo na at nagkaharap na kami ulit.. bumalik kasi lahat yung sakit sa aking dibdib na akala ko wala na.. pero hindi pala.. naitago ko lang siya.. hindi ako nakalimot sa paglipas ng panahon.. At isa pang ikinagagalit at ipinagtataka ko ay ang mga sinabi niya sa akin kanina.. Ano ang kinalaman ng mga magulang ko sa mga nangyari sa pagitan naming dalawa? Bakit sinabi niyang dalawang beses na niyang iniligtas ang aking buhay? Bakit ganoon na lang ang galit sa akin ng mga tao dito sa paligid ko? I have no idea.. at kailan pa siya nagkaroon ng kapatid, dahil sa pagkakaalam ko.. nag iisa siyang anak.. Si--------------- " Where is my daughter?" kunut noong tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses na iyon and I have the greatest surprise of my life, f*****g s**t anong ginagawa ng presidente ng Pilipinas dito sa ospital? He was fuming in rage pero pilit niya iyong itinatago, mukhang galing pa ito sa isang event dahil nakasuot ito ng barong, kapansin pansin rin ang paghinga nito ng malalim, Ive seen him on televison many times before, he was late 50's may kaunting puti na ang buhok nito pero dumagdag lang iyon sa authority nito, nakasalamin at may kataasan, maaayos ang pangangatawan... sa tikas at tindig talagang makakaramdam ka ng takot at kaba.. Nakita ko kung paano mataranta ang mga taong nasa paligid ko, hindi sila magkandatuto sa gagawin nila, ni wala ngang naglakas loob na sumagot sa kanilang lahat.. . Wait, hinahanap niya ang anak niya.. ang ibig sabihin.. si Jessica ang anak niya? papaanong nangyari iyon nakilala ko ang mga magulang ni Icka.. at nakatira lang sila noon sa squaters area sa Quezon City.. so--------- s**t!! wala na akong alam sa kanya.. wala ak--------------- " Will somebody tell me where the hell is my daughter and what happened to her!!! Anong mga silbi niyo kung hindi niyo man lang napangalagaan ang anak ko!! Ipinagkatiwala ko siya sa inyo pero kamukat mukat mo malalaman ko na lang na nandito  siya sa ospital!!! Tell me!!" nakita ko kung paano magyukuan ang mga tao dito sa aking paligid, ngayon ko lang din napansin na napapalibutan na ang buong area ng Emergency Room ng PSG.. wala ka ng makikitang nurses at pasyenteng palakad lakad sa paligid.. ganito ka tight ang security ng presidente ng Pilipinas.. Kahit ako napalunok ng ilang beses dahil sa tensyon sa paligid.. " Where is my daughter? answer me all of you!!!" dumadagundong ang kanyang tinig sa buong hallway.. Inilibot ko ang aking paningin pero mistulang nakalulon ng sili ang mga mukha ng kasamahan ni Icka sa aking paligid.. Unti unti akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at  ng makatayo na ako dahan dahan akong naglakad papalapit sana sa kinatatayuan niya ng may mga brasong pumigil sa akin. . . nilingon ko iyon at nakita ko na naman yung lalaking galit na galit sa akin kanina sa loob ng kwarto ni Icka.. hindi ko maipaliwanag yung mukha niya.. bukod kasi sa may pagbabanta iyon may bahid din iyon ng pag aalala kung para saan.. iyon ang hindi ko alam.. " Mas mabuti pa kung manatili ka na lang nakaupo at wag na wag mong ibubuka ang bibig mo dahil hindi ko maipapangakong makakapagpigil ang aking ama kapag namukhaan at nakita ka niya ngayon, Samaniego.." pero huli na ang lahat dahil pumailanlang na ang galit na galit na tinig na iyon. " Anong ginagawa mo dito, Samaniego?!!! "  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD