[ ONE ]

1841 Words
[ ONE ] Past------------------------ ICKA Pov Hindi ko magawang kumatok sa pintuan ng labas ng kanilang bahay..o tamang sabihin sa pintuan ng kanilang mansiyon dahil pakiramdam ko.. unti unti akong pinapatay.. Pride na lang.. Pride na lang ang tanging maipagmamalaki ko sa mga magulang ni Jigo.. dahil hindi naman ako mayaman, mahirap lang ang aking pamilya.. hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil hirap ako sa pera.. tanging Pride at Prinsipiyo na lang ang pinanghahawakan ko sa kanila para hindi nila ako matapaktapakan at matahin.. Pero pati iyon kailangan kong isuko.. at lunukin para kay Jigo.. Nanginginig ako, at alam kong mukha ako ng kaawa awa sa aking itsura ngayon.. wala na ako oras na dapat aksayahin.. nakasalalay sa aking mga kamay ang buhay ng lalaking aking pinakamamahal..  Nagsimula na namang magpatakan ang aking mga luha.. dahil hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanila.. nawawalan na ako ng kontrol sa aking sarili.. dahil pakiramdam ko nasa isa akong masamang panaginip.. sana nga lang.. sana lang panaginip ang lahat ng ito.. dahil sa totoo lang HINDI KO NA KAYA.. NANGHIHINA NA AKO.. pero sa kanya.. sa kanya.. lahat gagawin ko.. flashback------------- Oh God, tell me this is not real.. this not happening to me.. Hindi si Jigo ang kasalukuyang nakahiga sa kamang iyon habang puro benda ang kanyang katawan.. this cant be.. ang saya saya pa namin kaninang umaga bago siya pumasada ng kanyang taxi.. Nangako pa siya sa akin kanina na mag dadate kami dahil matagal na daw naming hindi nagagawa iyon.. and the most important thing is its our 2 years anniversary.. two years na kaming kasal.. two years na kaming nagsasama sa isang simpleng pamumuhay.. two years na kaming nagtatago sa kanyang pamilya.. I cant comprehend what I am seeing right now.. he was involve in a holdap incident.. nakita siya ng isang concern citizen na walang malay, may malaking sugat sa ulo na base sa doctor dahil pinukpok ito ng isang napakatigas na bagay.. hindi lang iyon.. nagtamo siya ng tatlong saksak sa katawan.. at hanggang ngayon.. hanggang ngayon hindi pa siya nagigising.. Muntikan na akong bumagsak sa aking kinatatayuan ng una ko siyang makita.. pakiramdam ko nawalan ako ng lakas, at nawala ang puso ko.. dahil ang lalaking aking pinakamamahal ay nakaratay sa kama at walang kamalay malay... "Misis, kailangan siyang maoperahan sa lalong madaling panahon dahil sa pamamaga ng kanyang kaliwang ulo.. maaaring magkaroon siya internal hemmorage kapag hindi natin iyon ginawa.. Hindi biro ang mga natamong sugat ng inyong asawa lalong lalo na ang nasa kanyang ulo. Pero kakailangin niyo ng malaking halaga.." hindi ako makapagsalita, wala akong masabi.. tulalang nakatingin ako sa doctor na nasa aking harapan.. wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.. mahigpit ang kapit ko sa kanang kamay ni Jigo.. doon ako kumukuha ng lakas.. pero kahit anong higpit ng pagkakahawak ko doon .. wala akong makuhang reaksyon sa kanya.. I looked on his face.. may tubong nakakabit sa kanyang bibig para tulungan siyang huminga.. ma----------------- " M-Misis.. kailangan niyo ng magdesisyo------------------- " W-Wala k-kaming pera.. m-mahir------------------------------- magkano ang kailangan para maoperahan siya doc? " saan ako kukuha ng malaking halaga kung sakali.. kakaunti lang ang ipon naming mag asawa.. wala pa iyong sampung libo.. dahil sa maraming gastusin..tulirong tuliro ako idagdag mo pa ang walang tigil kong pagluha habang nakatingin sa asawa kong walang malay na nakahiga.. " 150,000 hindi pa kasama doon ang mga gamot at ang ibang kakailanganin. "  150, 000 saang lupalop ako kukuha ng ganoong halaga? Saan ako makautaang ng ganoong kalaking halaga? I sobbed hard on my hands.. walang akong pakialam kung mukha akong tanga.. walang akong pakialam kung may nakakakita sa akin.. umiyak lang ako ng umiyak.. walang tigil.. " Misis, kailangan niyo ng magdesisyon, habang tumatagal ang paghihintay natin mas lalong nalalagay sa peligro ang buhay ng asawa niyo.. Kai------------------ "Do it.. g-gawin niyo ang lahat ng dapat gawin.. save him.. bukas na bukas din mababayaran ko kayo ng buo.. Just s-save my husband.. s-save hiiiiiiiiiiiiiiiiimmmmmmmmmmmm...------------------- puno ng pagmamakaawa kong sabi sa kanya.. I cant breathe.. I cant.. he'll hate me for this.. magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang lumapit ako sa kanyang mga magulang.. pero wala akong ibang choice kundi iyon .. We made a promised to each other.. na kahit anong mangyari.. hinding hindi kami hihingi ng tulong sa kanyang mayayamang magulang.. kahit pa nga maghirap kami.. pero buhay na niya ang pinag uusapan namin dito at alam kong tutulong at tutulong sila dahil anak nila si Jigo.. kahit ano pa mang galit nila sa amin.. lalong lalo na sa akin.. hindi nila matitiis ito.. " Ipapahanda ko na ang lahat. Everything will be alright, Misis.. wag kayong mag alala." end of flashback--------   " Anong ginagawa mo dito? Sa pagkakatanda ko ayaw mong makita ang pagmumukha namin Monteclaro. Bakit hindi mo yata kasama ang anak kong suwail? Anon------------------ kitang  kita ko ang pangungutya sa kanyang mga mata habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa..  Na para bang isa akong kasuka sukang nilalang sa kanyang harapan.. Ni hindi man nila akong pinapasok sa loob ng bahay nila.. nandito kami lahat sa garahe.. Puno ng galit ang mga mata ng ama ni Jigo na si Don Manolo.. nakakatakot ang kanyang aura.. kung naiba iba lang ako baka isa na ako sa mga taong nangingilag sa kanya.. pero hindi.. dahil marunong akong manindigan sa aking mga paa.. pero this time.. kailangan kong lumuhod at magmakaawa sa kanya.. naiisip ko pa lang ang aking gagawin.. nasasaktan na ako.. nagagalit.. nanliliit... Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata.. at walang babalang lumuhod mula sa aking kinatatayuan.. habang ginagawa ko iyon, walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha.. nanginginig ang aking buong katawan.. nangangapal ang aking mukha.. pero paulit ulit kong sinasabi sa aking isipan na para ito kay Jigo.. sa aking asawa.. " P-Please.. I-Im b-begging y-you.. t-tulungan niyo po s-si Jigo.. k-kailangan n-niya n-ng malaking pera p-para p-pambayad s-sa o-operasyon n-nya.. n-nasa ------------------- I cried.. halos hindi ko marinig ang boses ko.. s**t lang!! bakit kailangan kong magpakababa sa harap niya.. anak niya ang pinag uusapan namin dito.. anak niya.. buhay ng anak niya!!! gustong gusto kong tumayo mula sa aking pagkakaluhod na akala mo sumasamba ako sa santo.. " pleeeeeeeeeeassssssssseeee.. j-just h-help h-him.. I'll do anything you want!! I'll do anything you say!! jusssssstttt pleaaaaaaaaseeee h-help him!!! k-kayo lang ang makakatulong s-sa kanya, D-Don Manolo--------------- Halos manayo ang balahibo ko sa buong katawan ng marinig ko ang malakas niyang tawa.. puno iyong ng pangungutya.. hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil baka hindi ako makapagpigil at makagawa ako ng bagay na pagsisisihan ko.. hindi ito para sa akin.. para ito sa aking asawa.. kailangan kong magpakatatag.. kailangan kong maging matibay.. kailangan kong sikmurain ang pambabastos, pang aalipusta sa akin ng lalaking ama ng aking asawa.. " M-Manolo!!! " napabaling ang tingin ko sa ina ni Jigo na si Doña Astrud na puno ng pag aalala sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin.. sa aking itsura.. " A-ang ana-------------- " Wag kang makialam dito Astrud!! Alam ko ang aking ginagawa kaya manahimik ka na lang!!" galit na sigaw niya sa kanyang asawa.. para namang makahiyang tumiklop ito dahil doon.. I cant believe this.. papaano niya nasisikmurang makasama sa isang bahay ang ganitong klaseng tao..? papa----- " Gagawin mo ang lahat ng sasabihin at ipag uutos ko Monteclaro?" "Papaano kung sabihin ko sayong halikan mo ang mga paa ko? Gumapang ka papalapit sa akin ng marahang marahan.. magmakaawa ka.. habang nakatingin sa aking mga mata.. Matagal ko ng pinakahihintay na mangyari ito.. "  punong ng pang iinsulto niyang sabi sa aking harapan.. nag iinit ang buong mukha ko.. gustong gusto kong tumayo, sampalin siya ng paulit ulit.. pero hindi ko magawa.. " Do it.. do it.. Monteclaro.. and I promised you, you will have the money you needed.. just beg, kneel, and kiss my feet like your worshipping me.. " Nanginginig ako sa galit.. hindi ko maintindihan kung papaano niya naging anak si Jigo.. magkaibang magkaiba sila.. halos hiniling ko na lang na kainin ako ng lupa at lunukin noon.. MY PRIDE, MY EGO AND MY PRINCIPLE.. kinain ko lahat iyon.. para sa kanya.. Pikit mata kong ginawa ang pinag uutos niya kahit pa nga galit na galit ako.. nakaluhod akong lumapit sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin sa kanya mga mata na bakas na bakas ang kasiyahan.. kinagat ko ng mariin na mariin ang pang ibabang labi hanggang sa magdugo iyon.. dahan dahan akong yumuko at hinalikan ng ilang beses ang kanyang paa.. goddd!!! bakit?!!! bakit kailangang ganito?!! bakit?!!! Nagmahal lang naman ako ng hindi ko kauri.. ng mayaman.. pero kailangang maranasan ko ang ganitong klaseng kahihiyan... ang liit liit ko sa pangin nila.. hindi ko alam kung ilang ulit ko hinalikan ang kanyang paa.. pero pagka angat ng pagka angat ko mula sa pagkakayuko.. halos mamatay ako sa kahihiyan ng makita kong may hawak hawak siyang cellphone at parang vinivideo na iyon.. Marahas akong tumayo mula sa aking pagkakaluhod at galit na galit na tumingin sa kanya.. " N-nagawa ko na ang gusto niyo, ngayon tumupad kayo sa binitawan niyong salita.. nagmakaawa na ako, lumuhod at hinalikan ang inyong mga paa.. kahit pa nga gusto kong mamatay sa sobrang kahihiyan.. pero lahat ng ito kaya kong tiisin PARA.KAY.JIGO. dahil mahal ko siya at asaw-------------------------------- " May isa akong salita.. pero hindi pa tapos ang kondisyon ko doon, Monteclaro. Iwan mo ang anak ko, mula sa araw na ito.. hinding hindi ka na magpapakita sa kanya, ni  anino mo ayaw kong makita niya.. Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin.. Bibigyan din kita ng malaking halaga para sa pananatili mo sa tabi ng anak kong magkasama pa kayo!! basta wag ka ng magpapakita pa!! maglalaho ka!! Iyon ang isa ko pang kondisyon.. kung hindi mo iyong magagawa.. hahayaan kong mawala siya, hindi ko ibibigay ang pera.. iyon ay kung kaya mong sikmurain ang mangyayari sa----------------------------- " Hindi ko kailangan ng pera niyo!!! Hindi!! Kaya wag niyo akong tapalan at bilhin na para bang isa akong mababang uri ng hayop, Don Manolo!!!" ngumisi lang siya sa akin kaya mas lalong nag init ang ulo ko. " W-wala kayong awa!!! anong klaseng tao kayo?!! anak niyo siya!! anak!! dugo at laman!! ganun ganun lang yun!! hahayaan niyo siyang mamatay!!! Wala kayong kwentang tao!! w--------------- halos malagot ang ugat ko sa pagsigaw pero naputol ang lahat ng sasabihin ko ng walang babalang hawakan niya ng mahigpit ang aking leeg.. sa paraang hindi ako makahinga.. tinangka ko iyong tanggalin pero ang higpit higpit ng pagkakahawak niya.. " Manolo!!!" " Manolo stop it!!! stop!! " Manolo!!" " Oo o Hindi lang ang sagot, Monteclaro.." hindi na ako makahinga.. umiikot na ang aking paningin .. ng makita niyang namumula na ako.. binitawan niya ako ng walang babala.. muntikan na akong bumagsak mabuti na lang at nahanap ko ang aking balanse .. nagkandaubo ubo ako dahil sa paghahabol ng hininga.. Si Jigs.. isipin ko pa lang ang mangyayari.. nahihirapan na akong makahinga.. unti unti na akong nanghihina.. unti unti akong namamatay.. pero sila lang ang sagot sa lahat ng ito... kaya kahit labag sa kalooban ko.. kahit nasasaktan ako.. pikit mata akong sumagot ng.. " O-Oo.. " he smiled.. a kind of smile that I hate the most.. hindi tao ang kaharap ko.. kundi isang demonyo.. sira na ang buhay ko.. kasusuklaman niya ako   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD