Blake POV Nilaan ko ang buong araw ko kay Inah. Bumawi ako sa kan'ya at gumawa nang paraan para mapaligaya ko siya. Pinuntahan namin ang halos lahat ng mga lugar na madalas namin pinupuntahan dahil 'yon ang request niya. Kahit sa dinner ay siya ang pumili sa lugar kung saan may magagandang alaala kami. Pinili niya ang restaurant kung saan niya ako sinagot noong mga panahong patay na patay pa ako sa kan'ya. Naalala ko ang mga araw na dinala ko siya sa special place na ito kung saan dito kami palaging nagce-celebrate ng anniversary namin. Kung saan palagi ko siyang sinosorpresa at akala ko ay siya na nga ang babaeng para sa akin. "Alam mo ba'ng sinadya ko ang lahat ng 'to?" malungkot itong tumitig sa akin at ang kan'yang mapupungay na mga mata ay sobrang kalungkutan ang aking nakiki