Celestine's POV "Umorder lang kayo," sambit ni Ate Danny atsaka ibinigay sa'min ang mga menu. Nilibot ko ang aking paningin at puro mga sosyal na tao ang nandito. May mga naka formal attire pa sa ilang mga table, sumisigaw ang kanilang angat na estado sa lipunan dahil sa kanilang mga suot at kung paano sila umakto sa harap ng hapag-kainan. "M-Masyado naman atang mahal dito, Ate Danny." Rinig kong bulong ni Sasha sa gilid. Ngunit ningitian lang siya ni Ate Danny na parang sinasabi na 'ayos lang 'yon, ako ang bahala'. Naging tahimik lang ako habang tinitignan ang kanilang mga pagkain dito na makalaglag panga ang presyo. Jusko naman! Ano 'to? Mga gawa sa gold? Parang isang subo mo pa lang ng pagkain nila, nagkakahalaga na ng limang daan. Nag-order na kami dahil tinawag na ni Ate Danny