Celestine's POV Kumakain na kaming dalawa ni Sasha ngayon ng hapunan. Paunti-unti ko na ring natatapos ang ilan kong mga activities. Lahat sila ay dapat maipasa ko ngayong linggo para hindi ako tuluyang ipabagsak ng mga instructors ko sa kani-kanilang klase. Kanina, habang nagluluto kami ng aming makakain, tumawag si Nana Ysabel kay Sasha para kamustahin ito. Labis naman kaming natuwa dahil tumawag ito sa amin, ngayon lang namin nalaman na nakabili na pala ng bagong cellphone si Nana Ysabel dahil sa kanyang pag-iipon. Tinatiyaga niya kasi ang de pindot niyang cellphone na binabalotan ng elastic band upang maging buo pa rin ito. Lahat kasi ng sweldo ni Nana Ysabel ay inilalaan niya kay Sandro na ngayon ay nag-aaral ng Senior High. Kaya naman ay labis na nag-aaral si Sasha ng mabuti par