Celestine’s POV Kaagad ko namang narating ang lugar ni Achilles. At tulad ko ay nasa isang condominium building din siya kung saan malapit-lapit lang sa unibersidad. Mas malapit ang lugar ni Aki sa Wilksven University ikukumpara sa lugar ko. Tinawagan ko si Aki kanina na andito na ako. Hindi ko na siya pinababa pa at ako na mismo ang umakyat papunta sa kanyang unit. Hinanap ko ang unit number niya nang makarating ako sa 7th floor. “7D... 7D... Ayun!” Pinindot ko kaagad ang doorbell sa gilid ng pinto atsaka naghintay na bumukas iyon. Wala pang tatlong segundo at biglang iniluwa roon si Achilles na ngayon ay suot-suot ang kanyang salamin. Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng ganyan. “H-Hi, Celestine... Halika, pasok.” Binuksan niya ang pinto atsaka ako pinapapasok sa loob. I au