Celestine's POV Nasa cafeteria ako ng unibersidad at mag-isang kumakain. Umabsent si Sasha sa araw na ito dahil kailangan niyang umattend sa kanyang interview na naka scheduled ngayong araw. Si Aki naman ay may klase pa sa huling major subject niya. Ayos lang naman sa’kin ang ganito, kaso nakakabagot din kapag wala kang ibang kasama o di kaya ay kausap. Kilala nga ako rito pero wala namang may lakas ng loob na makipagusap sa’kin. Ewan ko ba sa kanila, hindi naman ako nangangagat. Nananampal siguro, oo. Talagang legit na legit ang kasabihang ‘first impresssion lasts’. Kaya siguro dahil sa pagkabitchy kong pag-uugali na pinapakita ko noong mga nakaraang school year ang nagudlot sa kanila upang huwag akong kausapin ngayon. “Hi Tine.” Kaagad akong napalingon sa aking likuran ng may k