Celestine’s POV “Bilisan mo nga diyan, Tine! Ang kupad-kupad mo talagang kumilos!” Rinig kong sigaw ni Sasha sa labas ng aking kwarto. Nagrereklamo na siya dahil kanina pa raw siya naghihintay sa labas. “Gusto mo talagang magpagrand entrance mamaya eh noh?” Napairap ako dahil humirit pa siya. “Ano ka ba, Nay! Wala namang problema kung ma late tayo doon!” Sigaw ko pa sa kanya pabalik. Ang bilis talaga maiinip nang lola n’yo. Hindi na siya umimik pa kaya kaagad ko na lang tinapos ang final touches sa suot ko. Nakasuot ako ng kulay asul na bestida na aabot hanggang sa ibabaw ng aking tuhod ang haba. Pinusod ko naman ang aking buhok para mas neat tignan tsaka makita rin ang hoop earrings na suot-suot ko. Hindi naman ako naglagay ng makapal na make-up sa mukha dahil hindi naman ‘to kailan