Chapter 17

1450 Words
Wade Nagising ang diwa ko sa tunog ng cellphone. Mabigat akong nagpakawala ng malalim na hininga at kinapa ang cellphone ko sa bedside table ko-- Napamulat ako dahil hindi ko ito makapa. Tumingin ako sa gilid. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang mini table. Bumangon na ako. Muli ako napabuga ng hangin nang mapagtanto kong sa sofa ako natulog- Why did I sleep here? Bumaling ako sa kama at napatayo ako nang mapagtanto kong nasa hotel ako, kasama si Hazel. Inayos ko ang buhok ko at dahan-dahan akong naglakad patungo sa kama. She's still sleeping. And I can hear the sound of her breathing. It's a quite interesting view in the morning. Humugot ako ng malalim na hininga at maingat akong umupo sa tabi niya. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa mga hibla ng buhok niyang tumabing sa mukha niya. Inipit ko ang mga ito sa taenga niya. Napagmasdan ko rin ang kabuuan ng kanyang mukha. Napatango ako sa sarili ko. Maganda siya. Unang kita ko pa lang sa kanya, masasabi kong maganda talaga siya. Yet I never imagined she would be so beautiful in my eyes now. Inayos ko ang kumot sa kanya. For sure, magsisink-in lahat ng nangyari sa kanya kagabi. Napalingon ako sa sofa nang tumunog ulit ang cellphone ko. Bumaling ako kay Hazel, at bahagya na siyang nag-inat. Tumayo na ako at bumalik na ako sa sofa para kunin ang cellphone ko. Napabuga na lang ako nang makita ko ang pangalan ni Akiro sa screen. Sinagot ko ito, "Panahon na yata na palitan ko ang number ko. Kada-umaga mo na akong tinatawagan. Natutulog pa ang tao."nanggigigil kong saad. "Ah ganun ba, sir. Natutulog kayo, habang ako magdamag akong nandito sa pulis."may sarkasmong turan niya. Tumikhim ako, "Nakakulong na ba ang hayup na matandang iyon?" "Nasa investigation room siya, dumating ang kanyang attorney. That's why, we need the statement of that woman." "No."mariin kong saad. "Wade, kailangan na makita ng mga pulis ang biktima at malaman ang statement niya tungkol sa nangyari." Kinuyom ko ang kamay ko. "Gusto mong papuntahin ko siya diyan, at makita ang matanda. Na-trauma na 'yung tao, Akiro, sa tingin mo makakabuti sa kanya ang pagpunta niya diyan."naiinis kong sabi. "It's a process, Wade, she cannot avoid it-" "I won't allow it. Do all your means, use all your connections if that's what it needs to put that damn hell trash in the jail."hindi nagpapatinag kong utos. "You'll pay me a handsome amount of money for this work, Wade,"he said. "Okay, it's not a problem. Dodoblehin ko kung gusto mo, siguraduhin mo lang na hindi makakalabas iyang matandang 'yan." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Akiro. "I'm really curious of that woman. How come that she can move you to this extent? Anong mahika ang ginamit niya sa isang Wade Maximilian Fabro." "Just do you work, bigyan mo rin ako ng bagong suit ko, pati narin damit ng babae." "Dami mong inuutos, umagang-umaga-" "I'm paying your service." "Oo na-oo na, pupunta na diyan ang staff ko." Binaba ko na ang tawag. Pagharap ko, nakabangon na si Hazel. "Pinakuha na kita ng damit."wika ko dahil nakasuot lang siya ng roba at mukhang nanggaling na rin siya sa bathroom. Tumango siya. Pero hindi umimik. Tumikhim ako, "Let's have a breakfast first." Tinungo ko ang telepono ng hotel para magparoom-service. Nang matapos, hindi ko parin naririnig ang kanyang pag-imik. Umupo siya sa kama habang umupo naman ako sa sofa. I looked at her silently. And I sighed when I saw her fidgeting her fingers. Eto na nga ang iniisip ko kanina, natitiyak talaga akong nagkakagulo na ang utak niya sa kaka-isip ng lahat. "Saang police station nakalagay si Mr. Quacinto?"tanong niya. Tumayo ako at tinignan siya, "Why are you asking it?" Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Kakausapin ko si Mr. Quacinto. Kailangan ko siyang harapin para malaman ko ang katotohanan."wika niya. "Hindi mo na siya kailangang kausapin."saad ko. Umiling siya, "Kakausapin ko siya." "What for?"may pasensyang tanong ko parin sa kanya. "Ang sabi niya binayaran niya ang mommy ko." Ilang ulit siyang umiling. "Nagsisinungaling ang matandang iyon. Hindi iyon magagawa ng mommy ko." "Paano mo ba nakilala si Mr. Quacinto?"tanong ko. "Para sa parmasya namin." Tinignan niya ako. "Ang ibig kong sabihin, nakipagkita ako kay Mr. Quacinto para sa isang business meeting."dagdag niya. And that's the trick of that trash old man. "Did he offer you a huge amount of money?"tanong ko na. "Ang sabi ni mommy, mag-iinvest daw siya sa pharmacy namin. Sabi niya, kakausapin ko si Mr. Quacinto dito sa hotel na it.' Yumuko siya, "Hindi ko alam na may masama palang pakay si Mr. Quacinto." Inangat niya rin ang ulo niya at tinignan ako. "Pero alam kong walang kinalaman si mommy dito. Malamang, kapag nalaman ni mommy ang pagtatangka ng matandang iyon, sigurado ako susugud din iyon sa police station." Bumuga ako. "Hazel, stop denying the truth. Mas lalo kang mahihirapan diyan. Ikaw narin ang nagsabi, ang mommy mo ang pinagggalingan ng impormasyon tungkol kay Quacinto." "They deceived my mommy." Matagal ko siyang tinignan. "Halang ang bituka ni Quacinto pero hindi siya nagsisinungaling kung deal ang pinag-uusapan."wika ko. Lumapit ako sa kanya, "Isa pa, buong magdamag na hindi ka man lang tinawagan ng mommy mo."saad ko at kinuha ko ang cellphone niya na nasa bedside table. "Hindi ka ba nagtataka? Ang anak niyang babae nakipag-business meeting sa isang hotel pero inumaga na, hindi parin nakaka-uwi."binigay ko sa kanya ang cellphone niya. Is she that naive or she's just denying it to herself that her mommy does not care for her at all? Kahit noong nadisgrasya siya sa bundok at dinala ko siya sa hospital, ni wala man walang tumawag sa kanya. Anyhow, she doesn't belong to a good family at all. "Maraming iniisip si mommy." Nagdugtong ang kilay ko. "Hazel-" "Please, tulungan mo ulit ako. Gusto kong maka-usap si Mr. Quacinto." "All right, call your mom also." "Hindi na kailangan-" "Paano mo malalaman ang katotohanan kung wala ang mommy mo."wika ko "Marami nang pinoproblema si mommy. Ayokong dagdagan pa ito-" "Gaano man kabigat ang problema mo, dapat paring malaman ng mommy mo. At pupunta siya kung talagang may pakialam siya sayo."saad ko. "Kumain muna tayo."wika ko na at tinungo ko ang pinto nang may kumatok dito. Binuksan ko ang pinto, at ang hotel staff ang bumungad. "Good morning, sir. Room service po." "Good morning. Ako na Ang bahala dito. Makaka-alis ka na."wika ko. Ako na mismo ang nagpasok ng trolley. "Let's eat."wika ko matapos kong ihanda ito sa mesa. Lumapit naman siya at umupo na sa harap ng mesa na hindi ulit umiimik. Ipinatong ko sa harapan niya ang pancake. Tahimik ko siyang pinanood nang magsimula na siyang kumain. Hindi pa niya binabanggit ang nangyari sa amin kagabi. I mean, hindi man totally na may nangyari sa amin, still nagkaroon kami ng tagpo na hindi naman normal na ginagawa ng dalawang tao. Napahawak ako sa labi ko, hindi kaya niya maalala? Imposible naman, naalala niya nga lahat, 'yun pa kaya... O ayaw niya lang alalahanin. Act like nothing happened? Ganun ba? "Ba't di ka kumakain?"untag niya. "I'm eating."wika ko. Bumaba ang tingin niya sa plato. Mabilis ko namang kinuha ang tinidor. Kinuha ko ang kape at pinatong sa tabi ng kanyang plato. Ngumiti siya sa akin, "Salamat."turan niya. Tumango ako at dinampot ko rin ang kape ko. Should I ask her? Baka isipin niya na binibig- deal ko. Hindi ba talaga big deal? We're not dating, we're not even close, we've just met, and we did it. I don't know what to do at all. Nagulo ko ang buhok ko sa inis. "Ayos ka lang?"tanong niya. "Hindi. I'm not okay at all."sagot ko kaagad. Napatigil naman siya. "I'm thinking of what happened between us last night."prangkang sabi ko. Hindi niya na maideretso ang paningin niya sa akin. Sa gilid-gilid na siya tumitingin. Gayunpaman, nagpatuloy ako sa pagsasalita. "You might call me a bastard if I don't mention this or you might call me an old-fashioned person if I do but I think at least I need to say this once. What should we do?" Bumalik ang ulo niya at nakatingin na rin sa akin sa wakas. Umayos naman ako ng upo at hinintay ang kanyang sagot. Napa-inom ako ng kape nang hindi parin siya umimik. Parang may bumabara na sa lalamunan ko, habang patuloy parin ang hindi niya pag-imik. It's nerve-wracking to me and I don't know why. Napasunod ako nang humugot siya ng malalim na hininga at pinakawalan ito. "Let's act like nothing happened," she said bluntly. Kumurap ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa tinuran niya. Seriously, we'll act like nothing happened. The hell with that!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD