Chapter 18

1133 Words
Wade I composed myself, looking straight in her eyes. "You mean it?"I asked. Hindi na naman siya umimik. "We will act like nothing happened?"pag-uulit kong tanong. "Oo. Ako 'yung may kasalanan kung bakit ganoon 'yung nangyari-" "Hindi ba't sinabi ko sa iyo na ako."wika ko, at konti na lang mawawalan na ako ng pasensya. "Kasalanan mo man o kasalanan ko, yun na yun hindi ba? Nadala ako, nadala ka rin ." Hinilot niya ang sentido niya, "Tsaka sa panahon ngayon, hindi ba normal na lang na nangyayari na yun." Hanggang tumatagal nawawalan talaga ako ng salita sa bawat binibigkas niya. "Wala rin naman talagang nangyari. Hindi naman natuloy."dere-deretso pa niyang sabi. Napasandal ako sa upuan at mariin ko siyang tinitigan. "Ilang taon ka na ulit?"tanong ko. "Twenty-five." "Ilan na naging boyfriend mo?" Nagtagpo ang kilay ko nang mag-isip-isip siya. "Ummm...lima.." "Look at you. You're not even sure." "Iyong isa kase, nagdate lang kami ng eight months, so parang something lang, hindi relationship." Tumayo ako. "Hindi ka pa tapos diyan? Punta na tayo sa police station." "Matatapos na. Tsaka ganito ba akong pupunta?Akala ko ba nagpakuha ka ng damit-"sinagot niya ako habang kinakain ang huling slice ng pancake tsaka uminom pa siya ng kape. Pinanood ko naman siya. Bumuntong-hininga ako. At least, mukhang maayos naman siya at wala akong nakikitang sign na na-trauma siya sa nangyari kagabi. Ganito naman pala siya ka-lakas na babae. Bakit pagdating sa mommy niya, hindi niya maipakita? Nang dumating ang staff ni Akiro. Kaagad na kaming nag-ayos at deretso na kaming nagtungo sa police station. "Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo?"tanong ko nang iparada ko ang sasakyan ko sa harap ng police station. Habang binabagtas namin ang daan kanina, wala siyang imik at nakatingin lang sa labas. Kaya hindi ako sigurado kung kaya niya talagang humarap dito. "Sigurado ako."sabi niya at binuksan na niya ang pinto ng sasakyan. Bumaba na rin ako nang bumaba na siya. Tinawagan ko naman na si Akiro. Sinalubong kami ni Akiro nang pumasok kami sa loob. "Akala ko ba hindi na siya pupunta dito?"tanong kaagad ni Akiro. "Gusto niyang maka-usap ito."sagot ko Tumingin si Akiro kay Hazel tapos sa akin. Una na akong naglakad at linagpasan sila. "What's your problem? You look so annoyed."sunod sa akin ni Akiro. "I'm not." Inakbayan niya ako. "Kitang-kita sa mukha mo, Wade." Tumigil ako at pagilid ko siyang tinignan. Tinapik niya ang balikat ko at inalis niya rin ang pagkaka-akbay niya sa akin. Panay ang tingin sa akin ni Akiro nang makarating na kami sa harap ng investigation room. Sinasamaan ko naman siya ng tingin. Hanggang sa may police officer nang lumabas sa investigation room at kina-usap si Akiro. "Siya po ba ang biktima, sir?"tanong ng officer. "Siya nga."sagot naman ni Akiro. "Dito po tayo sa loob, ma'am." Tumango si Hazel at akmang papasok na siya sa loob pero hinawakan ko ang braso niya. "Call your mom."wika ko. "Hindi na kailangan-" "Pinag-usapan natin kanina na tatawagan mo ang mommy mo."sabi ko na sa kanya. "Ayokong sumama ang loob ni mommy kaya please hayaan mo na lang akong kausapin si Mr. Quacinto." Aalma pa sana ako nang magsalita na ang officer. "Ma'am, kailangan niyo pong tawagan at papuntahin dito ang mommy niyo. May kailangan po kaming kumpirmahin sa kanya." Tumingin ako sa officer. "Anong ibig mong sabihin?"tanong ni Hazel. "Binanggit ni Mr. Quacinto na may dokumento na pinirmahan ang nanay niyo po patungkol sa...pagbebenta sa inyo. May audio record din po si Mr. Quacinto sa naging usapan nila. ."pagbibigay-alam ng officer. "Pinapakuha na po namin ito para kumpirmahin ito. At kailangan din po namin ang statement ng nanay niyo, ma'am." Inalalayan ko si Hazel nang napaatras siya pagkatapos na magsalita ang officer. "Nagsisinungaling ang matandang iyan."wika ni Hazel, kapagkuwan. "That is to confirm po, ma'am. Sa ngayon kailangan din pong humarap ng nanay niyo-" Umiling si Hazel, hinila niya ang braso niyang inaalalayan ko at basta-basta na lang siyang sumugod sa loob ng investigation room. "Hazel!"tawag ko sa kanya. "Hayop ka! Sinungaling ka, dinadamay mo ang mommy ko sa kawalangyaan mo!" Mabilis akong sumunod na pumasok sa loob ng kwarto nang marinig ko ang paninigaw na ni Hazel. May mga police officer na pumipigil na sa kanyang lapitan si Quacinto. "Hazel, ibinenta ka sa akin ng mommy mo." "Hindi 'yan totoo!" turo ni Hazel kay Quacinto. Lalapit naman na sana ako sa kanya nang pigilan naman ako ni Akiro. "Stay put."utos sa akin ni Akiro. Gaano ko man kagustong humakbang, hinahatak ako pabalik ni Akiro. "Huwag na huwag mong gagamitin ang mommy ko-" "Isang milyon! Binigay ko ang isang milyon sa nanay mo! Buo at walang kulang pero ako pa ang nandito! Hindi ako papayag!" Pinalo ni Quacinto ang lamesang nasa pagitan nila ni Hazel. Tumingin ako kay Hazel at nagngingitngit ako nang makita kong nanunubig na ang mga mata niya. At sa kabila ng panginginig ng kanyang mga kamay, tinuro niya si Quacinto. "Ang dapat sa iyo mabulok sa bilangguan-" Napatawa sa hangin si Quancinto. "Isasama ko ang nanay mo. May pinirmihan ang nanay mo, nakarekord ang kanyang boses kaya hindi siya makakatakas." Nagtiim-bagang ako ng malumanay na tumingin na si Quacinto kay Hazel. "Kung maikukulong ako, ikukulong din siya. Kaya kung ako sa iyo, iatras mo ang kasong ito. Ibabahay pa kita." Ikinuyom ko ang kamay ko sa tinuran niya. Gusto talaga ng matandang ito na mapunta sa impyerno. "Kung magiging mabuti ka sa kama, papakasalan pa kita-" Malakas kong hinila ang braso ko mula kay Akiro. At buong pwersa kong itinulak ang mesa kasama si Quacinto. "Wade!" Hindi ako tumingil hanggang sa maipinid ko siya sa pader. Gaano man niya ito itulak palayo sa kanya, hindi niya magawa dahil buong lakas kong inipit siya sa pagitan ng lamesa at pader ng kwarto. "Hindi sa kulungan ang pupuntahan mong demonyo ka, kundi sa impyerno talaga." "Sir-sir! itigil niyo po 'yan."awat sa akin ng mga officer. Nanggigigil lang naman ako habang idinidiin ko pa ang lamesa kay Quacinto. "Sisiguraduhin kong maihahatid talaga kita doon."wika ko at mabilis akong sumampa sa lamesa at linapitan siya. Marahas ko siyang kinuwelyahan at inangat siya ng bahagya. Kaagad ko rin na dinapo sa mukha niya ang kamao ko. Sumampa na ang mga officer at hinatak ako palayo kay Quacinto. Habang may mga humawak na kay Quacinto. Pinababa ako sa lamesa. Nang hinagip ng mga mata ko si Hazel, gulat na gulat siyang nakatingin sa akin. Bumuga ako at hinatak ko ang mga kamay ko mula sa mga pulis. Linapitan ko si Hazel at mabilis ko siyang hinila palabas sa investigation room. "Wade! Tumigil ka." Hindi ko siya pinakinggan at patuloy ako sa paghakbang palabas sa gusali. "Ano ba? Sabing tumigil ka!-" Humarap ako sa kanya at hinapit ko siya palapit sa akin. Mabibigat ang mga hininga ko habang nakikipagtitigan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD