CHAPTER 9

1352 Words
Kung kanina ay natutuwa ako at namamangha, ngayon ay hindi na ako mapakali. Hindi dahil sa malaking school o mga kasama kong mayayaman, kundi sa pakiramdam na tila may nanunuod sa akin. I tried to roam my eyes around, but I found no one. Oo, may mga estudyanteng tumitingin sa akin paminsan-minsan, pero hindi galing sa kanila ang kakaibang pakiramdam na iyon. Weird. "This will be your room," imporma sa akin ang kasama ko. Awtomatiko kong sinilip ang loob ng silid. Napanguso ako nang mapansin na may kaniya-kaniya silang mundo. May nag-uusap, may natutulog, at mayroon din namang nag-aaral. Gusto ko tuloy matawa dahil hindi ko lubos maisip na talaga palang moderno na rin ang ibang awu awu ngayon. Ni hindi ko matukoy kung sino ang katulad kong mortal sa kanila. In fairness, gusto rin nila ng diploma. Come to think of it, kailangan din kaya ng awu awu ng college degree para maging waitress/waiter? Gano'n sa aming mortal, eh. Paghuhugas lang ng plato kailangan degree holder pa. Like, hello? Anong kurso ba 'yon? Bachelor of Arts in Bubbles? "Salamat," tipid kong usal sa gamma. Yumuko lang siya nang bahagya sa aking harapan bago ako tuluyang iniwan. Napahinga ako nang malalim at asta nang papasok sa silid nang matigilan ako. Iyon na naman ang pakiramdam na may nakamasid sa akin. Nangingiba ka lang, self. Gano'n talaga kapag maraming awu awu ang nakapalibot sa iyo. With that excuse, I composed myself and went in. Nakuha ko agad ang atensyon ng mga kaklase ko, gano'n pa man ay walang naglakas-loob na lumapit o kausapin ako hanggang sa makaupo ako sa gusto kong p'westo; sa gilid ng bintana. Mahirap na, kapag nagkagatan at least madali akong makakatakas. Napahilot na lamang ako sa aking sentido at napailing. Hindi ko alam kung bakit ganito ako mag-isip. Siguro dahil nabibigla pa rin ako hanggang ngayon. Valid naman siguro, 'di ba? Para akong nananaginip. Dumating na ang guro namin. Saglit niya akong pinakilala sa klase at nagsimulang magturo. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag dahil tila normal lang ang lahat. No, it's really usual. Para lang din akong nasa dati kong eskwelahan. Hindi ko na namalayan ang oras. Aaminin kong nag-enjoy ako sa pakikinig sa iba't ibang professors na dumating. Magaling silang magturo, kahit pa halos lahat sa kanila ay seryoso. Dismissal na kaya naman nag-ayos na rin ako ng gamit tulad ng iba kong mga kasama. Sometimes, I found them glancing at me, but I chose to feign ignorance. Hindi dahil sa snob ako, kundi dahil ayaw kong magkamali. Miro already warned me to choose my words right. Hindi ko alam kung sino ang kalahi niya sa mga nakakasama ko. Eh, paano kung puro wrong ang lumabas sa bibig ko? Edi nagka-rabies ako ng wala sa oras. Wait, may rabies din ba sila? Once again, I shook my head. Nababaliw na 'ata ako. Kung hindi pa man, malapit na! Una pa 'ata akong mauulol kaysa sa kanila. Asta akong lalakad palabas nang mag-vibrate ang cellphone ko. Maingat ko namang kinuha iyon at tiningnan. Napairap ako nang makita ang number ni Miro. Ang kanang kamay ng baliw na awu awu. Napaungot ako nang mahina nang isang tanong na naman ang pumasok sa isip ko. Kung kanang kamay siya, kapag ba kumuha pa ng isang mapapagkatiwalaang tao ang alpha, consider na kaliwang kamay siya? Jeez, Faraih! Just fvcking walk! "Oh?" sagot ko sa tawag niya. "Where are you?" he asked seriously. "School malamang," pilosopo kong tugon. "Answer me properly, woman." For the second time, I rolled my eyes. Naninibago man sa sobrang kaseryosohan niya ay mas nanaig ang kairitahan sa loob ko. Pakiramdam ko bigla ay para akong bata na binabantayan. He doesn't need to. Oo, responsibilidad niya ako kuno, pero malaki na ako. Alam ko ang daan palabas, kung iniisip niya na maliligaw ako. Hindi mangyayari iyon. "Palabas na ng room. Bakit ba? Hindi ka ba nag-aaral at mukhang hindi ka busy." "Meet me at the parking lot. Huwag kang aalis," bilin niya. Imbes na makipagtalo ay sumagot na lamang ako ng tipid na, "Hmm." "Don't end the call," agad niyang pigil sa gagawin ko. Wala sa sarili kong naiangat ang isang kilay ko habang naglalakad. "Maka-demand, jowa kita? Sige na, doon na lang tayo magkita. Ang hassle kaya na may katawagan habang naglalakad. Mamaya makatapak pa ako ng tae rito. Babush!" Taliwas sa gusto niya ay pinatay ko ang tawag. Hindi ko na siya hinintay pa na makasagot. "Weird dog, Tss." Like I said, it's not that hard for me to find the exit. Pero habang naglalakad ako ay naramdaman ko na naman ang isang paningin na hindi ko kailanman matagpuan. Nauna akong dumating sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Miro. Sumandal ako sa hood ng kotse at inabala ang paningin ko sa ilang estudyante na lumalabas. Wala pa mang isang minuto ay nangunot ang noo ko nang mapansin ang dalawang pigura na nakatayo sa kalayuan. My mouth parted when I saw a hilarious scene. Nanginig ang mga kamay ko, hindi ko alam kung dahil sa takot para sa aking sarili o dahil sa nasaksihan kong eksena. It's the alpha! Sigurado ako roon. Kabisado ko ang katawan niya kahit pa ilang beses ko lang siyang nakita. At first, he was talking to a girl earlier. They kissed, then the next thing happened . . . he bit the girl's neck! Sinubukan ng babae na kumawala pero dahil wala ang alpha sa sarili niya, hindi niya kailanman tinanggal ang bibig niya roon habang sinusubukan niyang hubaran ang babae. Miro's words lingered in my head. Ang obsesyon ng alpha na makahanap ng mate niya. Ang aksidenteng pagkakapatay niya sa mga ito. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya para patigilin o tatakbo para makatakas. Pero nababaliw na siguro ako dahil kusang gumalaw ang mga paa ko para gawin ang una kong naisip. I ran towards them. Sa kabila kasi ng mga nasabi sa akin ng beta, isa lang ang tumatak sa isip ko. Iyon ay ang bawal malaman ng iba ang sitwasyon niya. Hindi ko man lubos na maintindihan ang epekto na posibleng mangyari kapag nangyari iyon, alam kong malaking gulo iyon kapag nagkataon. Isang digmaan kung saan damay ang lahat. "Senyorito!" matapang kong sambit nang makalapit at hinawakan ang braso niya sa kabila ng takot ko. "Help me . . ." halos bulong na pakiusap ng babae. His eyes were dark and blank. His fangs were buried deep in the girl's neck. Halos mahubaran na niya ang babae at tila hindi niya ako naririnig o nakikita man lang. "Stop this, Alpha!" muli kong pigil; naiiyak sa takot at frustrasyon. Baka kapag nagtagal-tagal pa ay makuha na namin ang atensyon ng iba. Ipinagpapasalamat ko na lang at nasa malayo kami. Bukod pa roon ay kakaunti lamang ang estudyanteng lumabas. He still didn't stop. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. I used his sharp fingernails to wound my wrist. Right at that moment, he stopped moving. Marahan na napunta sa akin ang madilim niyang mga mata. I trembled in fear. Wala pa rin siya sa sarili kahit pa nakuha ko ang atensyon niya. Unti-unting bumitiw ang labi niya sa leeg ng babae dahilan para bumagsak siya sa sahig. Nanginginig akong humakbang paatras nang tumaas ang gilid ng labi niya. "Do you want to be my mate?" buo pero nababasag na boses niyang tanong. "S-Senyor . . ." utal kong sambit. He smiled at me darkly. Asta siyang lalapit pero agad na akong tumakbo palayo. Hindi ko alam kung paano pa ako nakakakilos sa kabila ng panghihina at kaba ko. Hindi ko na rin masundan pa kung anong direksyon ang tinatahak ko. All I know was, I've been running away from him. I felt my phone vibrating. Sinubukan ko iyong kunin sa kabila ng pagtakbo ko. Narito na ako ngayon sa isang malawak na kagutaban. "M-Miro," usal ko nang sagutin ko ang tawag niya. "Where are you?!" I swallowed the lump in my throat and tried to make a single glance in my back. "The alpha . . . has been chasing me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD