CHAPTER 8

1898 Words
Madaling araw man akong nakatulog ay maaga pa rin akong nagising kinaumagahan. Tulad ng palagi kong ginagawa; naglinis ako ng bahay at nagluto ng almusal. Kung dati-rati ay si Manang ang naghahanda ng pagkain ni Senyorito, ngayon ay kusa ko nang inayos iyon sa isang tray. Sakto namang pasok ni Manang sa kusina nang natapos ako. "Oh, Raya. Ang aga mo 'atang nagising?" puna niya at napatingin sa inihanda kong pagkain. Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya bago muling itinuon sa akin ang paningin. "Ako na ang magdadala sa itaas." Tumango na lamang ako kahit pa gusto kong ngumiwi. Siya lang naman talaga p'wede umakyat, 'di ba? Lumapit si Manang sa akin at maingat na kinuha ang tray ng pagkain. Sandali niya iyong sinuri bago ako nilingon at nginitian. "Salamat, hija," aniya. Alanganin akong ngumiti pabalik at napakamot sa aking batok. "Ayos lang po, ito naman ang trabaho ko." "Salamat pa rin," giit niya saka tinapik ang balikat ko. Asta siyang lalakad paalis nang hindi ko maiwasan na magtanong. "Manang . . ." mahinang usal ko. Agad niya akong nilingon. "Hmmm?" "Nagtataka lang po ako. Paano niyo po napapakain nang maayos si Senyorito sa sitwasyon niya? Bukod po roon, hindi niya po ba kayo inaatake?" Tipid na umangat ang gilid ng labi ni Manang. "Kilala na ako ng inner wolf niya, hija. Hindi na bago sa kaniya ang amoy at presensya ko. Iyon din ang sagot kung bakit nagagawa ko siyang malapitan o makausap nang maayos, hindi tulad mo at ng iba pang nilalang. Hindi nagiging agresibo ang inner wolf ng Alpha kapag ako at mga lalaking lobo ang humaharap sa kaniya." Napaawang na lamang ang bibig ko sa pagkamangha. Ngayon ay mas lalo kong naintindihan ang lahat. Nati-trigger ang obsession ng inner wolf niya sa tuwing may iba siyang nakikita na babae. Tulad ng paliwanag nila, naging baliw iyon sa paghahanap ng kapareha. "You've been asking a lot, lady. Hindi ba dapat naghahanda ka na?" Nakuha ni Miro ang atensyon namin ni Manang nang dumating siya. Prente siyang naupo sa isang silya at tamad na tiningnan ang mga pagkain na nakahanda. "Mukhang ipinagluto mo rin kami?" Umismid siya. Inirapan ko naman siya. "Mabuti naman at natuto ka nang magdamit," sambit ko imbes na sagutin siya. Yeah. Mas marami ang niluto ko ngayon kumpara sa mga nagdaang araw. Pagkatapos kong malaman na hindi lang talaga kami ang tao rito sa mansyon, tila naging obligado akong isama sila sa trabaho ko. Oh, ako nga lang pala ang tao. "You should get ready," ani Miro at nagsimulang magsalin ng pagkain sa isang bakanteng pinggan. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Naramdaman niya naman ang paninitig ko kaya naman tamad niyang inangat ang paningin sa akin at bumuntonghininga. "It's your first day of school, lady," he stated. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig kasabay nang pag-awang ng labi ko. Ang bilis naman? "I'll give you 30 minutes to prepare. Kapag hindi ka pa okay niyon, iiwanan kita," banta niya. I rolled my eyes. Makapanakot naman ang aso na 'to. Tss! "Edi ibigay mo sa akin ang address." "You can't enter without me." I slightly pouted my lips, a second later I was rooted in my place when I recalled that the academy was a pack house. Alanganin akong tumawa at tinitigan siya. "Sa school ba . . . ano . . . puro gano'n?" usal ko. His frows crumpled. "What?" "You know . . ." I tried to force a laugh again. "Mga awu awu." Awtomatiko siyang napahilot sa kaniyang noo pagkatapos kong sabihin iyon. Kitang-kita ko ang malalim na pag-angat ng dibdib niya nang huminga siya nang malalim. "Just go, woman. Maghanda ka na," aniya, hindi ko alam kung nauubusan na ba ng pasensya. Manang chuckled and tapped my shoulder. "Sige na, Raya. Pumunta ka na sa k'warto mo para makapag-ayos. Huwag kang mag-alala. May mga mortal ka ring makakasama sa eskwelahan." Muli akong napanguso. Dapat ba akong makahinga nang maluwag dahil may mga tao akong makakasama o mababahala dahil hindi ko matutukoy kung sino sa kanila ang mga lobo na katulad nina Manang. Sa huli ay inalis ko na lamang iyon sa isip ko at piniling pagtuunan ng atensyon ang pag-aaral. Basta 'wag silang mangangagat. Okay na ako roon. Tipid akong napanguso at tumango na lamang sa kanila bilang pamamaalam bago sila tuluyang tinalikuran. Tulad ng mga normal na paghahanda; naligo ako, nag-toothbrush, at nag-ayos ng sarili. Ipinagpasalamat ko pa na kahit papaano ay nakapagdala ako ng ilang importanteng gamit sa esk'wela. Isang tipid na ngiti ang kumawala sa labi ko nang humarap ako sa salamin. Simple lang ang suot ko. Isang simpleng white shirt na tinernuhan ko ng pantalon. Hindi man gano'n kagara ang itsura ko, kuntento na ako na mukha akong malinis sa kung sinuman ang makakakita sa akin. Kaya natin ito, Raya. Para sa pangarap. Nang makuntento sa pagtingin ko sa aking sarili ay lumabas na ako ng silid. Nagsimula akong maglakad patungo sa kusina nang mapatigil ako dahil sa seryosong pag-uusap nina Manang at Miro. Bakas sa mukha nila ang pagtataka at pag-aalala. Saglit akong kinabahan. Nakakabaliw mang isipin pero si Cleon agad ang pumasok sa isip ko. May nangyari ba sa kaniya? Nagwala na naman ba siya? "He said that?" pangungumpirma ni Miro. Agad namang tumango si Manang. "Ngayon lang siya natuon sa isang nilalang." Hindi naman agad sumagot si Miro. Bakas sa itsura niya ang malalim na pag-iisip. "He asked for her?" bulaslas niya, mukhang hindi para kay Manang kundi sa sarili niya. "Tingin mo ba ay magandang senyales ito?" si Manang. Miro put his elbows on the table and then rested his jaw on his hands. "I'm not sure about that. Bantayan mo na lamang muna ang mga kilos niya." Tumango si Manang bilang sagot. "Let's go." Hindi ko napigilang mabigla nang lingunin ako ni Miro sa p'westo ko. "Silly, she really thought I can't feel her presence," bulong niya pa at naiiling na tumayo. Binalingan naman ako ng tingin ni Manang at tipid akong nginitian. "Handa ka na, Raya? Gusto mo bang magbaon ng pagkain?" Doon ko pa lamang nagawang igalaw ang mga paa ko. Nahihiya akong lumapit sa kanila. "Hindi na po, Manang. May canteen naman po siguro sa school, doon na lang ako kakain." Iniwasan kong tingnan si Miro dahil ramdam ko pa rin ang pag-ismid niya. Edi siya na ang malakas ang pakiramdam. Tss! Malay ko ba, noong una naman hindi nila ako napansin. Wait . . . come to think of it. Hindi nga ba? Bago pa man lumalim ang pag-iisip ko ay natigilan ako nang iabot sa akin ni Manang ang isang cellphone. "Gamitin mo muna ito. Sa Alpha iyan, pinabibigay sa iyo." Napaawang ang mga labi ko. "Ho?" Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin. Ang pagbibigay sa akin ng cellphone o ang sinabi niya na si Cleon ang nagpapabigay niyon. "Baka magkaroon ka ng emergency, nandiyan ang number namin ni Beta Miro," aniya. "Marunong ka namang gumamit nito, 'di ba?" dagdag niya pa. Hindi ako ignorante kaya alam kong mamahalin ang telepono na nasa kamay ni Manang kaya naman doble ang pagtataka at gulat ko. Iphone iyon; ang brand na halos pangarapin ng lahat. Napalunok ako at alanganing kinuha ang ibinibigay niya. "M-marunong naman po," utal kong sambit. "Good to know I won't teach you that, too," Miro interrupted. Matindi ang pagpipigil ko na huwag siyang irapan. Akala mo naman pinahihirapan ko siya nang sobra. "Sige na. Umalis na kayo para din maging pamilyar ka sa esk'welahan." Sunod niyang hinarap si Miro. "Ikaw na ang bahala kay, Raya," bilin ni Manang. Palihim akong napanguso. Hindi na ako bata pero kung itrato ako ni Manang ay para akong musmos na mawawala. Pero sa kabilang banda, hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa sa dibdib ko. Ilang taon na akong walang mga magulang. Ngayon lang ulit may nag-alala o nag-asikaso sa akin ng ganito. "Yeah. I'll babysit her," tamad na tugon niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin na binalewala lang niya. "Let's go," aniya at naunang naglakad paalis. "Napaka talaga," bulaslas ko. Manang chuckled and tapped my shoulder. "Ganiyan lang talaga siya, pero mabait iyan at maasahan." I almost scoffed at Manang's statement. Pilit na lamang akong ngumiti at namamaalam na tumango. "Alis na po ako," saad ko at tuluyan nang sinundan ang maarteng aso. Hindi na ako nagulat pa nang may sasakyan na nakaabang sa labas ng mansyon. Tahimik akong sumakay sa passenger seat at walang balak na imikan ang driver—si Miro. Akala ko ay magiging tahimik ang byahe namin, ngunit siguro nga ay lalang na maingay ang isang ito. "Are you a nurse?" Hindi ko alam kung seryoso siya sa tanong niya o dino-dogshow niya lang ako. "Nag-aaral pa nga ako, 'di ba?" sarkastiko kong tugon. Natahimik naman siya saglit. "A faith healer?" Doon ay hindi ko napigilan na pagtaasan siya ng kilay. "Mukha ba akong albularyo?" "Can't you just answer properly, lady?" inis niyang sambit. "At ako pa mali ngayon? Sa iyo ko kaya subukan iyan? Kumakain ka ba ng dog food?" walang prenong usal ko. Isang irit ang nagawa ko nang bigla siyang magpreno. "The fvck, woman?!" he hissed, annoyance was written all over his face. Inirapan ko siya pagkatapos kong maayos ang sarili ko. "Oh. 'di ba? Nakakaasar 'yong tanong?" Napahilot siya sa kaniyang sentido. "Damn. I am asking because it's weird that my wound is already healing in a short period of time." "Ayaw mo pa niyon? Saka over thinker ka, ah? Hindi ba p'wedeng mabisa lang ang ointment na nailagay ko?" pambabara ko pa. Napailing na lamang siya, sumusuko sa mga sagot ko. Muli niyang pinaandar ang sasakyan pero naroon pa rin sa mukha niya ang malalim na pag-iisip. "Anyway, you better not do that in the school." "Alin?" "Calling someone or treating anyone a dog," he stated. Gusto ko sana isagot na siya lang naman ang binub'wisit ko pero pinili ko na lamang na manahimik. "It's an insult to us, werewolves. Baka mapahamak ka sakaling iba ang masabihan mo niyan." aniya. "Owkiie poews," tugon ko. I heard him murmured a curse. Tss. Pikon. Wala pang limang minuto ay tuluyan na kaming nasa bungad ng isang prestiyosong esk'welahan. Hindi ko naiwasan na magulat dahil ang tinutukoy niyang akademya ay ang isa sa pinakasikat sa lungsod namin. "D-Dito ako mag-aaral? Sa Victorious Academy?!" pangungumpirma ko. "Yeah. Let's go, I'll tour you around," ani Miro habang tinatanggal ang seatbelt niya. Walang imik naman akong sumunod dahil kinakain pa rin ako ng pagkamangha. "Schoolar ba ako rito?" bulaslas ko habang inililibot ang paningin sa paligid. May tatlong matatayog na building, mayroon iyong tig-apat na palapag. Nagkalat ang mga estudyante na halatang mayaman base sa mga suot at kilos nila. Napalunok ako at pasimpleng kinurit ang sarili ko. Hindi ako nanaginip. "You're a regular student here." Gulat ko siyang nilingon. "T-talaga? Fully paid ang tuition ko o partial? Sa sahod ko ba ibabawas iyon?" magkakasunod kong tanong. Miro automatically shut his eyes as he massaged his temples. "Damn. Kay Mael na lamang kita pasasamahan." Napanguso naman ako. Normal lang naman ang tanong ko, ah? Bago pa man ako makatutol ay lumapit na ang isang lalaki sa amin. Alam kong siya ang tinutukoy niyang Mael dahil kamukha niya ang dalawang kambal na awu awu sa bahay. "Take care of this freakin' lady. Mauubusan ako ng dignidad sa kaniya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD