C-4: Pag-ampon

1420 Words
Hindi alam ni Diamante kung ano ang nag- udyok dito at muli niyang binalikan ang lalaking kanyang dinala sa hospital. At kasama pa niya si Aira na isa ring sulsol kay Diamante. "Ang pogi niya, besh!" impit na tili ni Aira sa kaibigan nito. Pasimpleng kinurot ni Diamante ang kaibigan para tumigil sa kilig fever nito. "Aray!" daing ni Aira. Napatingin naman ang nurse at Doktor kina Diamante at Aira na waring nagtataka. "Ahm..huwag niyo po siyang pansinin sumakit lang po ang mga paa niya dahil naglakad po kami papunta rito." Ngiting asong wika ni Diamante. Tumango naman ang Doktor. "Kagaya ng sinabi ko, okay naman na ang pinsan mo. Galos lang naman at daplis ang kanyang mga sugat pero medyo nabali ang isa niyang braso malapit sa balikat." Saad nito. "Hindi po ba niya naigagalaw?" tanong naman ni Diamante. "Sa ngayon hindi pa muna masyado kaya siya naka-benda. Konting gamutan lang at exercise magiging okay na." Sagot ng Doktor. Nagkatinginan naman sina Aira at Diamante sabay tango. "Puwede niyo na siyang puntahan, nasa ward na siya." Wika naman ng nurse. "Eh... ang bill po Dok?" si Aira naman ang nagtanong. "Sa billing section mo na lang itanong baka nagawa na nila." Sagot ng Doktor. "Sige po, maraming salamat!" matamlay namang turan ni Diamante at hinila na nito si Aira para lumayo sa Doktor at Nurse. "Aray...bakit ba?" angil ni Aira nang nasa hallway na sila. "Anong ipambayad natin sa bill ng mokong na iyon at tinanong mo pa?" pandidilat naman ni Diamante. "Naku..magagawan natin iyan ng paraan pasok na tayo!" pambabalewala naman ni Aira sabay hila kay Diamante. Hindi na nakapalag pa si Diamante dahil agad silang nakapasok. Nakita nila ang nakatagilid na lalaki nakatalikod ito sa kanila. Tumikhim naman si Aira para mapukaw o kaya ay magising ito. Hindi nga nagkamali si Aira at agad na tumihaya ang lalaki at tumingin sa kanila. "Hi! Anong pangalan mo?" Si Aira na waring excited at nakakita ng mala- Oppa na guwapong lalaki. Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay kay Diamante ito tumingin kaya agad naman itong siniko ni Aira. Tila natauhan naman si Diamante. "Kumusta ka?" Ngumiti ang lalaki. "Salamat sa tulong mo," Nagkatinginan naman ang magkaibigan at mabilis na naupo si Aira malapit sa binata. "Ano ba ang nangyari sa'yo? Bakit ka napadpad sa lugar ng beshy ko?" mga tanong ni Aira. "Kakatakbo ko siguro para takasan mga humahabol sa akin." Sagot naman ng lalaki. "At bakit ka naman nila hinahabol? Siguro magnanakaw ka, o kaya holdaper, sinatcher?" Si Diamante. Natawa naman ang lalaki. "Noong isang gabi mo pa sinabi sa akin ang mga 'yan. Iyon nga ang problema ko, hindi ko alam kung sino ako. Kung bakit nila ako hinahabol, wala naman akong alam na atraso sa kanila. Simple lang naman akong namumuhay sa isang Isla katunayan nga mangingisda 'yong kumupkop sa akin." Saad nito. "Weh? Bakit ang puti mo kung ganoon? Saka, ang kinis ng balat mo imposible naman yatang mangingisda ka." Hindi makapaniwalang sagot ni Aira. "True," sang- ayon naman ni Diamante. "Mangingisda ang kumupkop sa akin hindi ko sinabing isa ako sa kanila." Katwiran ng binata. "Oo nga naman!" mabilis na tugon ji Aira sabay sulyap kay Diamante. Hampas tuloy ang inabot ni Aira mula kay Diamante. Kaya napa- aray na lamang ang dalaga. "Kung totoo man ang mga sinabi mo, alam mo ba kung saan ka uuwi? May contact number ka ba sa kumupkop sa'yo para matawagan namin siya?" wika ni Diamante. Napapalatak naman ang binata. "Iyon nga ang problema pati selpon ko hindi ko alam kung saan nalaglag. At hindi ko din alam ang daan pauwi," "Ha?!" Magkasabay na bulalas ng magkaibigan. Kagyat na pumagitan ng katahimikan sa kanilang tatlo. "Kawawa naman siya," sabi ni Aira kinalaunan. "Hindi na namin problema iyon, alam kong alam mo ang magbasa kaya tiyak matatandaan mo din ang daan pauwi sa kumupkop sa'yo." Wika naman ni Diamante. Agad na tumingin si Aira kay Diamante. "Ano?" "Ang harsh mo naman besh, kawawa naman siya! Kung wala siyang matutuluyan puwede siya sa tinutuluyan ko." "Tumigil ka, Aira!" pandidilat naman ni Diamante. Tumikhim naman ang binata. "Puwede akong magtrabaho para hindi naman ako masyadong pabigat. About my bills, bayad na kaya wala na kayong aalalahanin pa. All I need right now is pansamantalang matitirhan for my recovery," paliwanag nito. Napangisi naman si Diamante. "Magta-trabaho ka tapos for your fast recovery? Sino ang ineengot mo?" sarkistong aniya. "Besh!" saway naman agad ni Aira. Agad na inirapan ni Diamante si Aira kaya napamasingot na lamang ang dalaga. "Marami na kami sa bahay saka hindi ako basta- basta umaampon ng hindi ko kakilala. At saka, marami na akong problema sa buhay ayoko ng dagdagan pa please lang!" talak pa din ni Diamante. "Nakikiusap ako kahit isang buwan lang or three weeks maybe? I promise hindi ako masamang tao, all I want is a peaceful recovery. I can pay you back once makauwi ako sa amin that's a promise." Singit naman ng binata. Muling nagkatinginan sina Aira at Diamante. Masayang binalingan ni Aira ang binata at nginitian nito nang bonggang- bongga. "Puwede ka sa akin, maikli lang ang isang buwan." Anito. Kay Diamante tumingin ang binata. "Sa'yo yata niya gusto magpa- ampon," wika naman ni Aira. "No." Matatag na sagot ni Diamante. "I can work, ipasok mo ako sa trabaho basta sa'yo ako titira." Tugon naman ng binata. "Hindi nga puwede!" giit ni Diamante. "I can help you, please?" pakiusap na ng binata. Katahimikan ulit, nahilot na ni Diamante ang kanyang sentido dahil sumasakit na iyon. "Besh, bakit hindi mo i- try kung talagang ayaw mo puwede mo siyang ipasa sa akin. Tutal, naghahanap naman sila sa trabaho natin ng sales boy." Turan ni Aira. Pinaglipat-lipat ni Diamante ang kanyang tingin kina Aira at sa binata. Pagkatapos ay magkasabay pang nag-please ang dalawa sabay sumamo sa kanilang mga mukha. Hindi alam ni Diamante kung kailan siya pumayag basta ang alam nito nakasabi siya ng sige. "Anak, sino ito?" nanlalaki ang mga mata ni Aling Esme na nakatingin sa kasama ni Diamante na umuwi. Lahat ay shocked may nakanganga pa nga dahil sa sitwasyon nila. Agad na nagtago ang binata sa likuran ni Diamante na tila natakot. "Ate, seryoso nag-asawa ka na?" Tanong naman ni Velvet. "As in?" sabay-sabay namang bulalas ng iba pang kapatid ni Diamante. "Tigillll!" biglang sigaw ni Diamante dahil naririndi siya and worst pinagbibintangan siyang nag-asawa na agad- agad. Tumahimik naman ang lahat pati ang Nanay ni Diamante. Pero ang lahat ng mga mata nila ay nakatingin pa rin kina Diamante at sa binatang nakatago sa likuran nito. "Puwede bang pakinggan niyo muna ako? Magpapaliwanag ako okay?" turan ni Diamante. "Taga saan siya Ate? Saka, ang galing mong pumili ha? Mala- korean ang dating niya no wonder Ate!" nakangiting sagot ni Pearl. "Isa ka pa! Kapag hindi ka tumigil pepektusan kita," pandidilat naman ni Diamante. Agad na tumahimik si Pearl na nasapo pa ang sariling bibig. Humugot muna ng isang malalim na hininga si Diamante bago nito ikinuwento sa kanyang pamilya ang buong pangyayari. "Baka mapahamak niyan anak ha?" nag-aalalang sabi ni Aling Esme pagkatapos marinig ang kwento ni Diamante. "Huwag po kayong mag-aalala, hindi po kayo mapapahamak." Ang binata naman ang siyang sumagot. "Mabuti naman kung ganoon. Teka, ano nga pala ang pangalan mo?" tugon ni Aling Esme. "Zuah po," magalang na sagot ng binata. "Ako na ang magpapaliwanag sa Tatay mo," baling naman ni Aling Esme kay Diamante. "Salamay po 'Nay!" tugon ni Diamante na nakahinga na nang maluwag. Binalingan naman ni Diamante ang dalawang lalaki niyang kapatid. "Sa inyo siya matutulog tutal medyo maluwang ang kwarto niyo." Aniya. "Aprob Ate!" sabay na sagot ng dalawang binatilyo. Saka kay Zuah naman bumaling si Diamante. "Magtitiis ka sa bahay naming masikip ginusto mo ito eh! Saka, sure ka ba na kaya monv magtrabaho sa grocery?" aniya. "Oo naman! All things that we will be doing are started from learning why not?" Sagot ni Zuah. "Wow, galing niyang mag-English!" bulalas naman ni Velvet na amaze na amaze kay Zuah. "Englisero iyan paturo na kayo!" gatong naman ni Diamante. Natawa si Zuah. "I will try my best!" Nagpalakpakan naman ang mga kapatid ni Diamante habang kilig na kilig si Pear. Kaya agad na pasimpleng kinurot ito ni Diamante saka pinandilatan. Natatawa na lamang na napapailing ang Ina nina Diamante. Nawala tuloy ang kaba at pag-aalala sa isipan ni Diamante dahil sa mainit na pagtanggap ng kanyang pamilya sa kanyang bagong ampon na si Zuah. Makaka-survive kaya si Zuah sa bago nitong tirahan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD