Chapter 9
Kylie's POV
Dapat mabait ako sa mga tao dahil sila ang dahilan kaya nasa magandang posisyon ako ngayon. Ang mga suporta nila ang laging nagtutulak sa akin patungo kay Ali.
"Tara na sa loob, Ali," aya ko sa kaniya. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya kay Drake at sa kasamang babae nito.
Napatingin lang siya sa akin saka siya naglakad papasok ng classroom. Umupo na ako sa upuan ko. Muli akong sumulyap kay Ali. Nasa likuran lang niya ako kaya rinig na rinig ko ang mahabang pagbuntong-hininga niya. Napakunot ng noo ko nang mapansin ang band-aid sa kamay niya. Napangiti ako nang may makita akong itim na dagang naka-drawing dito.
"You are still holding that?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa akin. "Kanina mo pa 'yan hawak, ah... Kung hindi ako nagkakamali, iyan din ang hawak mo kaninang nagfa-flag ceremony tayo. Para kanino ba iyan?" pang-uusisa ko.
"Nothing," tipid niyang sagot. Ibinulsa niya ang band-aid sa pocket sa may polo niya.
"Akala ko para sa akin," nakangiting biro ko sa kaniya.
Natawa naman siya nang marahan. "Wala ka namang sugat," aniya.
"Kung sakaling may sugat ako, ibibigay mo ba 'yan sa akin?" seryosong tanong ko.
"Why not?" agad naman niyang sagot. "If you are willing to place this band-aid on your wound, then it's yours."
"I hate rats," natatawang bulong ko naman sa kaniya to remind him my most hated creature on earth!
"I know," tipid niyang tugon at muling niyuko ang mga kamay niya. Akala niya yata naroon pa rin ang band-aid.
"Ibig sabihin, mahilig sa daga ang pagbibigyan mo dapat niyan?"
Natahimik siya, nag-iwas ng tingin at muli rin namang bumalik sa akin. "I don't know. Maybe," mahinang anas niya. "I won't give this. Hindi na niya kailangan," seryosong dagdag niya. May kakaiba akong nahinuha sa mga mata niya na siyang nagpataas ng kilay ko.
Habang tumatagal, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko kay Ali. Matagal na kaming magka-love team pero wala pa ring nabubuong something sa amin. Naiinggit ako sa ibang mga love teams na kasabayan namin. Halos lahat kasi sila, nagiging magkarelasyon sa totoong buhay. Iyong sa amin ni Ali, purong trabaho lang talaga. Ako lang iyong nagpaparamdam nang higit pa sa acting lang. Hindi lang siguro niya ako type pero ako, gustung-gusto ko siya. I really want more...
"Tara sa gym mamaya pagkatapos ng class. Maglaro ka na lang ng basketball kaysa pumunta ka pa sa Mall para mag-work out," pag-iiba ko ng usapan.
"Pupunta talaga ako," sagot niya.
"Okay," ani ko habang nagbubunyi sa tuwa ang mga labi ko.
"Is it normal to wait until 30 minutes just to get an admission slip?" biglang tanong niya sa akin.
"Mag-absent ka rin kasi o hindi kaya magpa-late para malaman mo rin," natatawang sagot ko.
Hindi talaga ugali ni Ali ang mag-absent. Naka-fixed na ang mga schedules naming dalawa para sa mga shootings kaya wala kaming problema. Bilib ako sa kaniya, talagang pumapasok siya lagi. Kakaiba ang personality niya kaya mas mai-in love talaga ang mga tao kapag mas nakilala pa nila si Ali. Napakasuwerte ko at ako ang ka-love team niya.
"Makababalik kaya agad si Drake?" muli niyang tanong.
Nagtaka na tuloy ako sa sumunod niyang tanong. "Bakit mo tinatanong?" Hindi lang niya ako sinagot. "Oo, babalik din siya agad pero may punishment silang ibibigay sa kaniya. Ibinibigay ang mga 'yon sa mga late at laging nag-a-absent."
"Like what?" His brow crumpled and seriously glare at me.
"Maglilinis ganoon. Depende sa ipagagawa sa kanila pero hindi naman 'yon mahirap," paliwanag ko with a doubted feeling inside.
"Matatagalan sila kung ganoon," mahinang sambit niya following a deep sigh.
"Sila?" nagtatakang tanong ko.
"Those who are late," panlilinaw naman niya. Ewan ko ba kung bakit parang balisa siya. Umayos siya ng upo nang dumating na si Ma'am. "Hindi ko dapat siya iniwan kanina," ang narinig kong sambit niya na tila inilaan para marinig lang ng sarili nito. Sino ba iyong tinutukoy niya?
Lumipas ang dalawang oras pero wala pa rin si Drake. Medyo mahirap siguro ang ibinigay nilang punishment sa kaniya. Lagi naman kasi siyang nale-late. Minsan nga iniisip kong sinasadya niya talaga ang pagpapa-late niya. Seryoso pa naman siyang talunin si Ali bago kami grumaduate. Magagawa pa kaya niya iyon kung bagsak na siya sa attendance?
Dumiretso na ako sa School's Cafeteria para mag-break. Hinahanap ko agad si Ali nang makarating ako. Mas nauna kasi siyang lumabas ng room kanina. Natigilan ako nang makita ko si Drake kasama si Luna. Magkasama sila ngayon sa iisang table. Gusto ba niyang masabon siya ni Aira?
Naglakad ako patungo sa kanila. "Hello, Drake," patuya kong bati sa kaniya at pormal na binalingan ang kasama nito.
"Oh! It's you, Kylie. Where is Aira?" Inilibot niya ang paningin sa maluwang na Cafeteria. Nang hindi niya ito mamataan ay muli akong tiningala.
"Nanlalalaki," nang-uuyam kong sagot.
Ngumisi siya sa akin sabay iling. "Nasaan ba talaga siya?" relax niyang tanong this time.
"I said, nanlalaki. Better ask yourself, Drake. At ikaw naman, girl..." Tumitig ako sa kaniya. "Better check the internet. Sikat ka na, girl." Kung wala lang kaming kasama rito, I had fired her using disastrous words!
"What do you mean, Kylie?" naguguluhang tanong ni Drake sa akin na tila wala itong ideya sa ginagawa. Like, where's his common sense?
Inilabas ko ang cell phone ko saka hinanap ang mga pictures niya kasama si Drake ngayon at isang article kasama si Ali kanina sa daan. Nakasaad dito ang pagiging stalker niya kay Ali at ang pagiging bagong girlfriend ni Drake. Siguradong sasabog na naman si Aira dahil dito. Pasimpleng malandi rin pala ang Luna na ito.
"Wala akong alam sa mga sinasabi nila sa article," umiiling niyang tanggi. Nakahawak siya ngayon sa cell phone niya. Nabasa na niya siguro lahat.
"Don't worry, Luna. Gagawan natin ito ng paraan," alo naman sa kaniya ni Drake. I wanna shudder because of disgust! How can he manage to say those soothing words in front of me, in front of his girlfriend's cousin? "The article is full of lies," pagdidiinan niya sabay hagis nang masamang tingin sa akin.
"Bakit sa akin ka nakatingin?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Sikat kayong dalawa ni Ali kaya masisisi mo ba ang mga tao?"
"Well not me! Si Ali lang! So please, stop messing with my private life." Natahimik ako sa binitiwan niyang mga salita. "I know you know who wrote this f*cking article. Pakisabi sa kaniya na humanda siya. Kayang-kaya ko silang idemanda!" Kinuha niya ang iniinom ni Luna, walang ingat na inilapag ito sa table at saka niya ito hinila sa kamay. "Let's go, Luna."
"What happened?" Biglang sumulpot si Ali kaya natigilan sila. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa magkahawak-kamay nila.
"You still don't know about the article?" si Drake na nagpupuyos sa inis.
"What about it?" malamig naman nitong tanong.
"It's about me, you and Luna." Wala namang nabago sa ekspresyon ni Ali, seryoso pa rin ito. "Now, excuse us, please..." Akmang aalis na siya kasama si Luna nang harangin sila ni Ali.
"I want to talk to her," he said freezingly.
What? Kauusapin niya ang babaeng iyan?
Nanlaki ang mga mata ko nang bahagya. Dati-rati naman wala siyang pakialam sa mga lumalabas na mga articles dahil alam niyang lilipas din ang mga iyon. Hindi ako mapakali habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.
"For what?" naguguluhang tanong ni Drake. Isa pa itong parang walang balak bumitiw sa mga kamay ni Luna!
"About us and the issue." I sensed finality in his voice. Hinawakan na niya ang kamay ni Luna at walang paalam na hinatak ito nang malakas kaya nakabitiw ito.
Siguro'y isinadya rin ng babaeng ito na makawala sa kamay ni Drake. Sa higpit ba naman ng pagkakahawak sa kaniya ni Drake! Naikuyom ko ang mga kamay ko sa inis!
End of Kylie's POV
Luna's POV
I couldn’t help but be nervous as we walked into the unsure place. Nag-uunahan ang pagpintig ng puso ko, hindi alam kung kinakabahan ba ako, kinikilig o natatakot. Pumasok kami sa isang classroom. Walang mga estudyante rito sa loob. Isinara niya nang bahagya ang pinto para siguro hindi kami makita ng mga dumadaan. Binitiwan niya ang kamay ko habang nakatalikod pa rin nang makarating kami rito sa harapan ng blackboard.
Ngayon lang ito nangyari, ang magkasarilinan kami rito sa loob ng school. Like I said before, we don’t pay attention every time we’re here. We are strangers to each other. We are pertaining to an article so he might be angry with me again. As far as his career is concerned, he is sensitive enough that he could eat me alive for these!
Wala naman akong ginawa para mangyari ito. Na-late lang naman ako, eh.
Napaitlag ako nang bigla siyang humarap sa akin, wearing his coldest mood on the face.
Paano ba maging magaling na artista like him? First, kailangan mong maging taong-yelo sa totoong buhay katulad ng taong nasa harapan ko ngayon!
Ali is not extremely muscular or have many powerful features on his face, though his jawline is his most prominent attribute. But with his age, eighteen, he's a remarkably hot, attractive and jaw-dropping man! He has a somewhat square face, which means everything is about the equivalent width. His eyebrows are near to his eyes, and he has partial mono lids. He has a good amount of muscles, a pretty slender body, a long neck and a small face. Moles or maybe beauty marks are scattered at the left side of his face to his nose.
Para siyang kuneho sa paningin ko, for favorable advantages. Whenever he smiles, he looks like a bunny. He merely shows his big smile and often begins to flutter a little bit whenever he's smiling. And he has these thin lips with pale pink color most teenage girls wish to taste. He is youthful-looking and naturally looks cute. That handsome chipmunk when onstage of acting and dancing completely changes into a handsome and badass performer. Iyan ang sa tingin kong nagdala sa kaniya sa kinalalagyan niya ngayon sa Showbiz.
Yes, kung titingnan mo isa-isa ang parte ng kabuuan niya, particularly sa mukha ay masasabi kong hindi naman ganoon ka-perfect. Alam n'yo ba kung ano ang perfect? Kapag tiningnan mo siya as a whole. Iba! Nagiging perfect lahat!
Gusto ko mang itanggi itong mga observations ko pero pati ba naman sa sarili ko magsisinungaling ako! Ang mahalaga ay hindi niya alam na nagaguwapuhan ako sa mga features niya!
His smile can animate the butterflies in the abdomen, can make a person startle. Hindi ko lang masyadong feel kasi madalang lang naman siyang ngumiti sa akin. But I saw him once smiling while meeting his fan on TV.
"Drake has a girlfriend," aniya sa plain na tinig at tingin. "You met her earlier, right?"
Tumango ako, walang balak tugunin siya gamit ang salita.
Humugot siya nang malalim na hinga, tumingin sa gilid at muli rin akong binalingan. "Stay away from him." Utos iyon at hindi request. "You don't have any idea about Aira, Drake's girlfriend. She can scrape all of your hair after class if you continue hanging out with him." Nagbababala ang mga salita nito.
Gusto kong panginigan ng mga laman iniisip ko pa lang na magmumukha akong itlog pagkatapos ng araw na ito.
"It's not what you are thinking, Ali-"
"It's not what I am thinking that you are thinking too," pagbaklas niya sa sinasabi ko. "I don't see it that way pero ang ibang tao iyon ang iisipin," he said while pointing his forefinger on the floor, making each word clear and sharp.
"Magkasama lang kami kanina kasi since pareho kaming late at pareho ng charge sa pagiging late... Nag-snack break lang kami dahil napagod kami sa paglilinis sa library," katwiran ko.
Gusto kong idagdag na ang Drake na iyon ang lumalapit sa akin pero baka ito naman ang kaladkarin niya at i-interrogate nang ganito. He was kind and gentleman the whole time we were together. Bato siya nang bato ng mga nakatatawang jokes nito na kung close lang siguro kami ay nahambalos ko na ng pala.
"Nagkataon lang ang lahat," pagpapatuloy ko. "Huwag mo na lang isipin iyon. Tulad ng lagi mong ginagawa. Dedmahin mo na lang. I can clear up myself and your name too. Puwede ko naman silang kausapin, 'di ba? Just stop doing this baka makita pa nila tayo. I can take care of myself."
"I care about you because you are my wife... on papers."
You care because of your career! I craved to tell but I grasp myself immediately.
Ibinaling ko ang tingin sa pinakamalapit na bintana, trying to hide the glitch of pain that suddenly outburst somewhere on my face.
"The media sucks," naibulong ko na lang sa sarili. "Okay, lumayo kung lumayo. Hindi naman talaga kami close, eh. Ngayon ko nga lang siya nakausap."
"Just stay away from him," pagwawakas nito. Iyon lang naman ang pinaka-summary ng usapang ito. "Staying away from him won't harm you," maowtoridad niyang dagdag.
Kapag binabalikan ko 'yong mala-toro na mukha ni Aira kanina ay hindi ko maiwasang mapailing. Iyon 'yong klase ng galit na kahit sampal-sampalin mo sa mukha ay hindi mapapakalma.
"Hindi sana nangyari iyon kung hindi lang ako na-late kanina." Bumuntong-hininga ako at muli siyang tinitigan. "I don't think magtatagpo pa ulit ang mga landas namin. Hindi naman na ako male-late ever."
Gusto kong magpakita ng uyam sa pag-iwan niya sa akin kanina pero hindi ko magawa. Ginusto kong ipagtanggol siya sa mga fans niya, hindi niya hininging gawin ko iyon. Sino naman ako para manumbat, 'di ba? Nagpaka-hero ako, eh!
"He was just being nice to me. Binigyan niya ako ng band-aid at siya na rin umasikaso sa mga sugat ko sa mga paa. Tinulungan niya rin akong magbuhat ng mga chairs kanina. If I were him, I would do the same. That is what humanity is all about. Iyon ang totoong nangyari," paglalahad ko. "Kaya hindi ko maintindihan kung bakit may issues na nagsusulputan. Like what happened when we were on our way to school. Being a concern and defender would lead you to be a stalker or an admirer. What a dupe article." Natawa ako sa magkahalong inis at pagkadismaya.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. I usually care less about whatever he says but telling me I'm his wife on papers repeatedly would want me to s***h him on the neck! How I wish he's a dummy so I could execute my plan without shedding blood, just cotton-like foam!
"As if I am not with you at home. As if we don't live in one roof," napangisi ako sa sinabi kong iyon.
Kaya ko silang i-washout lahat kung gugustuhin ko! Ako ang legal na asawa, excuse me!
Gusto kong pagsisihan niya kahit kaunti ang pag-iwan niya sa akin kanina. Caressing my thought beneath this blank face in front of me makes my head hurt. Wala talaga akong mapapala rito! Panis na laway lang!
"Iyon lang ang naiisip ko sa tuwing may nang-aaway sa akin na may kinalaman sa iyo," pangkaklaro ko. "Aalis na ako. May klase pa ako." Tinalikuran ko na siya. "Guard yourself baka paglabas mo may makakita sa iyo..."
"I'll hire two drivers so you won't be late if what happened before ever happens again." Nang magtaas ako ng mukha ay nasa harapan ko na siya, nakatalikod at nakapamulsa. "If I stayed there, the number of people would only increase and increase. I left you there earlier so you wouldn't be further squeezed and hurt. And I don’t want you to get hurt physically because of me," he said all of that in monotone.
Nagtuloy-tuloy na siya sa paglabas. Naiwan na lamang akong nakatingin sa nilabasan niyang pintuan.
"Anak ng tipaklong, oo! Bakit ako kinikilig sa sinabi niya, eh, daig pa niya iyong nabarteryahang robot at google translate audio sa walang ka-feelings-feelings niyang sinabi!" nanggagalaiti kong sita sa sarili.
Itinikom ko ang bibig nang hindi magsilitawan ang mga ngipin ko sa kilig.
"Ayaw niya raw akong masaktan! My God, sino'ng hindi lulundag ang puso kapag sinabihan ng ganoon?" Nangingiti akong naglakad palabas ng classroom. Hanggang makarating ako ng classroom namin ay nakangiti pa rin ako.
"Hoy babaeng may balat sa puwet!"
Kung hindi pa sa nagsalita ay hindi na ako manunumbalik sa katawan ko. Naglaho ang ngiti ko nang masilayan ko ang mukha ni Gail na tila napariwara ang buhay. Nakasimangot, tila maiiyak at matamang nakatingin sa akin. Mukhang nabasa na niya ang nagkalat na mga articles sa internet tungkol sa amin.
Tumatagos hanggang buto ko ang matalim na tingin ng mga kaklase ko sa akin. Ang ipinagtataka ko ay hindi sila nagsasalita nang kung anu-ano sa akin. Tahimik lang nilang sinusundan ang bawat galaw ko.
Nagmamadali akong lumapit kay Gail. Hinatak ko siya paupo habang papaupo rin ako sa upuan ko.
"Gaga ka! Ano iyong mga nabasa ko?" matapang ngunit may halong pag-aalala niyang tanong. "Kailan ka pa naging stalker ni Ali?" pabulong niyang tanong. Hindi pa ako nagsasalita ay napapasapo na siya sa ulo. "Sinasabi ko na ba nga, eh!" nasasaktan niyang usal. "Best, hindi naman sasama ang loob ko kung may gusto ka sa taong mahal ko. Ang akin lang, sana naman nag-isip ka muna bago mo siya sinundan! Alam mo na nga lang na artista 'yon, eh, dapat nagtago ka sa mga likod ng puno o bushes. Hindi bale nang makagat ka ng mga langgam o bubuyog basta huwag ka lang mahuli!" mahaba niyang litanya habang maya't maya ang pagsulyap sa mga klaklase naming masama ang tingin.
"Nagkakamali ka, best," apela ko naman sa kaniya.
"Mamaya na lang tayo mag-usap," mabilis niyang sinabi bago tumingin sa harapan at umayos ng upo. Dumating na pala si Ma'am Cara.
End of Luna's POV