CONTINUATION.... Hindi na sana tutuloy sa date si Fiona kung hindi ko lang ito pinilit. Ang aga pa naman ng dating ni Earl. Alalang-alala kasi ang kaibigan ko kay Tita Wisa na muka nang makapasok sa kwarto nito kanina bago magtanghali ay hindi na ito lumabas kahit sa oras na ng meryenda. Sinubukan namin itong katukin pero hindi naman ito sumagot. Kaya nagpasya na kaming tawagan si Eliezer sa skwelahan para ipaalam rito ang tungkol kay Tita Wisa at si Fiona ang may hawak ng telepono. Napapayag lamang ito na sumama sa date nito kung aalis ito ng bahay na naroroon na si Eliezer. Hingal na hingal na dumating si Eliezer sakay ng motorsiklo nito, may konting butil ng pawis sa noo, mababaw at mabilis ang paghinga . Iniwan nito ang dalawang huli pang klase nang hapong iyon. Nang makaalis na s