DOTHS POV Kinabukasan, araw ng sabado, may trabaho kami ni Fiona sa supermarket. Mula pa sa kwarto habang naghahanda nsa pagpasok sa trabaho hanggang sa Jeep na aming sinakyan, nararamdaman ko ang titig ni Fiona sa akin kanina pa. Alam ko na hinihintay lang ng kaibigan ko na sabihin ko. To spill out the beans. But I was too depressed to do it. Kahit naman mamamatay na ito sa curiousity ay makakapaghintay ito. At least, hanggang lunch. Pagdating ng lunchtime, natampal na nito ang braso ko nang mapansin nitong nakatulala ako, malalim angb iniisip at halos hindi nagagalaw ang aking pagkain. "Hoy, mag-usap nga tayo! Bakit ganyan ka?" Napatingin ako rito. "He kissed you senseless last night. You kissed him back. If I were in your shoes, I'd be jumping right uand down the ceiling with joy