Kasalukuyang namimitas ng mga bulaklak ako sa hardin nang pasugod na dumating si Fiona. Nang makaupo ito sa bench, hindi ito mapalagay na naglilikot doon na animo'y may bulate sa tiyan. "Your roses are beautiful," anito bilang malamyang panimula sa usapan. Sinulyapan ko ito. Nakangiwi itong sinulyapan ako. Pagkatapos ay kinakabahang tumikhim ito. "Bakit ba?" nagtataka kong tanong. "I have a date tonight. I mean, a date kung papayag ako. Which I haven't done yet pero kung bibigyan mo ako ng lakas ng loob at moral support and you know, peace of mind, ibibigay ko na." tuloy-tuloy na saad nito. Napapakunot ang noong tinalikuran ko ang mga Bougainvilla at lumapit ako dito. Tumabi ako rito sa bench. "Hindi ko maintindihan. Slow down, will you? Bakit naman ang dami mong kailangan mula sa a