Chapter One

2401 Words
"What the hell are you thinking?" Tinignan ko ito ng may desididong tingin. Umikot ang mata ko sa lugar kung nasaan kami ngayon.  Isang maluwang na kulay puting kwarto, maraming kulay brown na mesa't upuan, isang malaking chandelier na sinamahan ng ilang mga bumbilya, mga maliliit na dekorasyon at nagkalat na mga damit at props na siyang ginagamit namin. Modernong-moderno ang itsura ng lugar, malayo sa mga kaparehong ahensya na mayroon sa Pilipinas. "I've already decided, Rick. And actually, I already talked to Paris regarding this." Umupo ako at bahagyang pinag-aralan ang mukha ng kaibigan. Rick Anderson is a great friend of mine, he's a gay, and he is my manager. Inirapan ako nito at sinimangutan, he's three years older than me and I assume he's supposed to act more matured than I am but it feels like we're on the same age. "So we're leaving?" "Yes. I'll just try a one year contract in the Philippines at kapag hindi naging maganda iyon, I'll go back here." Pinanlakihan ako nito ng mata at tila nagtitimping sabunutan ang buhok ko na kakaayos lang ng stylist. "What are you thinking, Stella Alexander? Tingin mo ba isang maliit na career lang ang mayroon ka rito sa States? You're a worldwide model because of this agency. I'm not sure if they'll accept you after you leave though." I sighed. Tama siya, walang kasiguraduhan ang ginagawa ko. Walang siguradong patutunguhan. But I'm so sick of the spotlight. I want to take a vacation and then start a career in a smaller agency and place. And for a month or two, I want to find myself. And when I say I want to find myself, it means I need to take a break. I want to live a normal life without cameras and paparazzis everywhere. Nahihirapan na kasi ako sa limitadong paggalaw ko rito. I can't even enjoy my money. I can't go and buy groceries. I can't watch a movie on a cinema. I want to live a normal life without those freaking cameras. "Rick, you knew I'd really get depressed if I continue working here, right?" "Stella, we can talk to the boss about that. Pwede nating iayos ang schedule mo or we can request the vacation that you want," pamimilit nito. I know he doesn't like to leave- be it the agency or the place. Umiling ako. "It's final, Rick. It's your choice if you'll come with me or not." Umirap ito sa akin at bumuntong hininga. Napangiti ako. I'm pretty sure he can't stay here without me. "Fine. Fine. Pero I'll stay here for your files while you're on your vacation. Pero saan ka ba magbabakasyon?" I gave him an assuring smile, telling him that I'll be fine. As of now, I'm not sure where but my Grandma- on Dad's side has a suggestion. But she's still asking permission for the owner of that certain place. "Paano kung may makakilala sayo roon?" "It's a secluded but peaceful place. There maybe people living there but pretty sure they're not that active on social media and well aware of well-known personalities. It's a place where technology is not that advance. It's a province. But don't worry, I'll just stay in a rest house. I won't go to malls though I doubt if there is." "Ewan ko sayo." Natapos ang usapan namin doon. Tinawag na akong muli ng photographer at ng mga staff na naka-assign sa project na ito. I'm currently having a photoshoot, my last- for a while. I'll be modelling one of the famous designer bags. I'm a model, international model to be exact. I already modelled a lot. From skin cares, to well-known salons, restaurants, malls, shoes, and more. (Hija, I already talked to Estheria. Pumayag siya. She's actually happy and excited to see you. Bata ka pa kasi ng huli ka niyang makita.) Napangiti ako sa magandang balita na sumalubong sa akin. It's Friday morning and I'm having a breakfast when my grandma called. Ito ang nag-alaga sa akin mula pa noong kabataan ko. My grandmother is the one who always supports me in every little and big decision that I chose. "Kailan daw ako pwedeng pumunta, Lola?" (Next week! Ipapaayos na raw niya ang tutulugan mo. Make sure to visit me before going there.) "Oo naman, La. Don't tell Mom I'm going home." (Bakit ko naman sana sasabihin? Let her be busy with her new family.) "La..." (Don't mind what I said, hija. How are you? Do you still miss her?) "Oo naman, La. Nanay ko pa rin siya and of course I longed for the memories and time she should've spend with me. But I'm fine. We're fine." (Not fine with me though. Oh siya, ako'y magpapahinga na muna. Ingat ka sa pag-uwi, apo.) "Bye, La." Naging maayos naman ang naging huling linggo ko sa bansang iyon. Libo-libong mensahe din ang natanggap ko sa mga social networks ko nang kumalat ang balitang uuwi ako sa Pilipinas. "Girl, you really sure about this?" Paris asked for the nth time. Ang akala niya siguro ay magbabago pa ang desisyon ko. "Sure na." Pagkasabi ko no’n ay kasabay ng pag-deactivate ko sa lahat ng social media accounts na mayroon ako. "Your fans are wild and protesting." "Just assure them I'll be back." "Some were disappointed with your decision though." They'll accept it eventually. Paris is also a great friend of mine. She designs my clothes personally. But she won't come with me in the Philippines. She's one of the highest paid designers here and I know it’s unreasonable for her to leave just for me. "Bibisita ako kapag holidays," sabi nito at yumakap sa akin. Nasa airport na kami ngayon kasama si Paris, Rick, at mga bodyguards. Wala akong kasamang aalis dahil may mga kailangan pa asikasuhin si Rick dito. Mabuti nalang at susunduin naman ako ng mga tauhan ni Lola Shella. Doon na ako magpapalipas ng gabi sa kanila bago lumipad patungong Batanes. "Make sure to always call me." "I will." I waved my goodbye to them before entering the plane. It was hard leaving this place that showered me lots of love and blessings. But here I am, leaving with a firm decision to find what I really want and who I really am behind the camera, behind the fiction that my fans think of me. "Bye." ∞∞∞∞∞∞∞∞ "Magiging maayos ang pananatili mo roon panigurado. Mabait si Estheria at siguradong aalagaan ka no’n. Pero be extra careful pa rin. Mahirap na, apo. You have an image to protect. Hindi naman natin kontrolado ang bawat taong makakasalamuha mo." Humalik ako kay lola bago umalis. Malamyos na hangin at magagandang tanawin ang sumalubong sa akin sa Batanes. Everyone looks so kind. Lahat nakangiting bumabati na animo’y isa kang espesyal na bisita. Sa airport palang ay alam ko ng makakasundo ko ang mga tao rito. They made me feel welcome with their smiles. "Malapit na ho ba tayo?" tanong ko sa driver ng sinasakyang kotse. Tauhan ito ng tinutukoy ni lola na Estheria. Bagaman nalilibang sa mga nadadaanang tanawin, hindi ko na napigilang hindi magtanong. Magkakalahating oras na kasi kami pero mukhang malayo pa dahil wala pa akong nakikitang kabahayan. "Mga twenty five minutes pa po ma'am," anito na ikinatango ko nalang. After almost thirty minutes, we entered a huge gate. It’s really huge, far from what I am expecting. Pagkapasok pa lang alam ko ng malawak iyon. Napapalibutan ng maraming punongkahoy at mga bulaklak ang daanan na siyang nagbibigay lilim. "Gaano kalawak itong La Casa Miranda?" Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa napakagandang tanawin sa paligid. My eyes, heart, and body feels so relaxed. The flowers are enchanting and the trees are in a line, perfectly trimmed. "Hindi ko po masabi, Ma'am, pero kulang ang isang buong araw para libutin ito." "Wow. That big? Dito kayo nakatira kuya?" "Hindi po, Ma'am." Hindi na ako nagtangka pang alamin ang ibang bagay dahil mukhang hindi ito komportableng makipag-kwentuhan. Isa pa, narito na kami sa tapat ng isang simple pero halatang magarbong dalawang palapag na bahay na gawa sa bato. Agaw pansin sa pagkasimple ang mga kulay na beige, brown, light gray na bumubuo sa bahay at pulang bubong. Hindi ko inaasahan na ‘di gaya sa labas ay modernong istilo ang mayroon sa loob. I thought it will be a province-like home or a simple concrete house, at least.  Mula sa malawak na sala na may mga sofa at throw pillows, mayroong isang malaking chandelier na may napakagandang istilo. Nag-uumapaw na karangyaan ang mga gamit sa bahay na iyon. Nagtatalong kulay puti at krema na may mga ilang kulay itim na gamit ang bumubuo sa loob ng bahay. Mukha lang itong simpleng tahanan sa labas subalit pagpasok tila ba may nakatirang reyna't hari sa lugar. I didn't expect it to be this cozy knowing that I'm in a province. "You must be Stella Alexander." Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Nakangiti ang matandang babae sa akin na bagaman may katandaan na talaga ay nagtataglay pa rin ng kagandahan. Her skin is fair and she has a natural-like brown hair. She looks like a queen from a popular movie. "Yes, ako nga po." Lumapit ito sa akin at tinawag ang isang dalaga upang tulungan akong iakyat ang mga gamit ko sa gagamiting kwarto. "Magpahinga ka na muna, hija. Tatawagin ka nalang namin kapag may naihain ng hapunan." Nagpakawala ako ng matamis na ngiti. "Salamat po, Ma'am. You don't really have to do this. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat." Tumawa ito ng malakas bago sinalubong ang mga mata ko at agad akong niyakap. "Oh come on, hija. Cut the 'Ma'am', call me Lola Esther. Hindi ka na iba sa akin at napakabuting kaibigan ni Shella para tanggihan. Isa pa, matagal na rin kitang hindi nakita kaya marahil hindi mo na rin ako kilala." Nahihiyang tumango ako rito. "Feel at home lang, Stella. Ano ba ang maaaring itawag sa iyo?" "Ella nalang po." "Ella. Ang bilis mong lumaki, hija. At napakaganda mo ngang talaga. Hindi na ako magtataka na sobrang daming tao ang iniidolo at tinitingala ka." "Hindi naman po." She gently patted my hair, warming my heart a little. "Oh siya sige, ito nga pala si Eiza, ang aking apo. Wala kaming katulong dito kaya kung may kailangan ka, isa sa amin ang lapitan mo. Magpahinga ka na." Itinuro sa akin ni Eiza ang isang simple pero maayos na kwarto. Mas maliit kaysa sa kwartong mayroon ako sa States. The room is filled by different shades of pink. Mayroon ding bedside table at isang cabinet. Base sa pagkakasalansan ng mga gamit ay talagang pinaayos pa nila ito. My heart warmed for what they have done. Nakakahiya naman at naabala ko pa sila ng ganito. "Pasensya ka na, ate, at medyo maliit. Ito lang kasi ang guestroom na may sariling bathroom kaya ito na ang pinaayos ng lola." Nginitian ko si Eiza na mukhang nag-aalala sa magiging reaksyon ko. "It's fine. Maganda naman at maayos." "Tulungan na kita mag-ayos ng gamit mo ate." Hindi na ito nagpapigil kaya hinayaan ko na. "Wow! Ate tunay ba ito na designer bag? Ang ganda!" Nilingon ko ito at nakita ang isa sa mga bag na isinama ko rito. Simple lang pero talagang maganda ang istilo noon. Kulay itim na mayroong logo sa gitna ng sariling brand. "Yup. You can take it if you want." Her lips formed an 'o'. Umiling ito at inayos na ulit ang bag sa cabinet. "Hindi na po. Nakakahiya naman. Nakita ko na ito dati sa Manila- sa isang mall, halos isang daang libo ang presyo niya." Ramdam ko ang kagustuhan niyang magkaroon din ng bag na ganoon. That bag was given to me by a friend. It's not that I don't treasure gifts but that wasn't given as a gift though. "Take it." "Sa iyo ito ate, eh." Matagal ang pamimilit ko na kunin niya ito pero hindi siya nagpapilit. Maybe I could just buy her one someday. Pagkatapos mag-ayos ay nag-shower na ako at natulog sandali. Dinner came and Eiza called me to eat with them. Siya, ako, at si Lola Esther ang magkakaharap sa lamesa. "Your house interior is something that will really caught the eye and heart of everyone," sabi ko nang mamangha ng sobra sa mga mumunting detalye ng bahay. I was never the type to notice the small details but its just hard not to appreciate it. "Ang apo ko ay engineer at ang kapatid nito naman ay architect. Dalawa silang nagtulungan para sa renovation nitong bahay.” Tumango ako at ngumiti bago tinikman ang dalawang ulam na nakahain. Isang pork meal at veggies. "Model ka sa United States hindi ba, hija?" tanong ng matanda at binalingan ang pagkain ko na mas maraming pork kaysa vegetables. "Hindi ka ba mapili sa pagkain?" "Uh hindi naman po. I always eat meats po. Hindi rin kasi ako tumataba pero balanse pa rin naman ang pagkain ko ng karne at gulay." Ngumiti ito. "Isa ‘yan sa namana mo kay Shella. Look at you, kay gandang bata." Nagpatuloy ang usapan tungkol sa akin na paminsa-minsang tinatanong din ni Eiza. "Siya nga pala ate, mamalengke kami ni lola bukas." Agad kong pinahayag na nais ko ring sumama pero agad niya ring tinutulan. "Hindi man ganoon karami katulad sa Maynila ang tao rito, hindi pa rin maiiwasan na baka may makakilala sayo. Dito ka nalang ate. Kung may gusto kang ipabili, ibilin mo nalang sa amin." "Ayos lang ba na kasama mo si lola na mamalengke?" "Naku, hija. Malakas na malakas pa ako. Kayang-kaya pang mamasyal kung saan-saan." Nag-abot ako ng pera para sana pandagdag sa ipapamalengke nila pero agad tinanggihan ng dalawa iyon. "Bisita ka namin kaya ayos lang. May gusto ka bang ipabili?" tanong ng matanda. Umiling ako rito habang inaayos ang pinagkainan. "Wala po. May iilang pagkain pa naman ako sa bag." Nagpresinta akong mag-urong pero hindi rin nila ako pinayagan kaya nagpaalam na ako sa kanila at agad umakyat sa kwarto. Habang naglalakad patungo sa aking silid ay napatigil ako sa isang pintuan sa tabi ng kwartong tinutuluyan ko. Para kasing may narinig akong halakhak pero hindi ako sigurado. Isa pa, nawala din naman agad iyon. Nagkibit-balikat na lamang ako at dumiretso na sa kwarto. Haaayy... what a way to end the day. Nakaligtaan ko na ang pagte-text kay Lola, Rick, at Paris dahil agad na akong hinila ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD