Sunod-sunod na tilaok ng manok ang narinig ko kinabukasan. Kinusot ko ang aking mga mata bago tuluyang dumilat at hinayaang maging pamilyar sa kwarto ng ilang minuto.
"Finally! The vacation I have been waiting for!"
I cringed at the idea of being here today. It's not that it's really far from being possible but it's quite a risk to make this possible. Sinakripisyo ko ang career na pinaghirapan ng ilang taon para sa buhay na gusto kong tahakin.
Tumayo ako at agad na pumasok sa CR para maligo at gawin na ang mga morning routines ko.
After taking a bath, I put on some serum, moisturizer, and sunscreen. I won't put on a make up since I will just stay here in the house for the whole day or maybe look around but for sure wala namang tao.
I blowered my hair and combed it. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng buhok o maglagay ng kung anong clip.
I wore a white long sleeves top, short shorts, a brown boots and I put on one of my favorite shades.
Iniwan ko na ang cellphone sa bag. I won't leave the Casa anyway so what's the point of bringing it.
I put on some lipbalm before closing the door of my room.
Tahimik ang buong bahay. No one was around. So, wala silang maid? Oo nga pala nabanggit ni Lola Esther na wala nga silang katulong. Kung ganoon ay sila-sila lang ang nagpapanatili ng kalinisan dito? Wow. Nakakabilib dahil ang linis tignan ng bawat paligid.
I checked the kitchen and thank God I've found a food there. Baka prinepare nila Eiza at Lola Esther bago sila tumulak sa bayan.
I found a Spinach and Cheddar Microwave Quiche.
"Wow! It looks yummy."
I grabbed it and eat some. It’s indeed delicious. I wonder if they really cooked it here or they just ordered it somewhere around.
Pagkatapos kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan. And swear, I am really jumping in glee that I didn't broke the plates. Well, it's just two plates and one cup anyway.
Lumabas ako ng bahay na wala pa ring nakikita ni isang anino ng tao sa paligid. But nevermind, I have the whole day for a me-time. But the thing is what if I got hungry? I should start praying that there is an instant food inside or else I'll starve.
Maganda ang La Casa Miranda. It has the most peaceful and best scene I've ever seen in my entire life. Isang malawak na hardin na punong-puno ng mga punongkahoy at ilang mga halaman na iba't ibang klase. I am not sure where I will go but I'll just continue walking. Mula sa unipormeng sukat ng mga bato ay unti-unting napalitan nang pinong buhangin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa natanaw ko na ang dalampasigan. Wow!
"How come they also have a private part of the beach?"
Sa isang banda ay may sun lounger na dalawa. Magkatabi iyon na mayroon pang isang mesang maliit sa pagitan.
The sands are white and I feel like my boots are so out of place.
"Mayroon kayang nakareserbang gagamit dito?" tanong ko sa sarili nang makarating sa sun lounger.
Tirik na tirik na ang haring araw and pretty sure I'll get tanned later if I won't leave now. But who cares? I'm not Stella Alexander the model now; I am just a simple girl, having the time of her life in this vacation house.
Humiga ako roon habang pinapanood ang maliliit na alon sa dagat. Malinis iyon at tila nanghihikayat.
I removed my boots and crossed my legs to sit properly.
Kung alam ko lang na may ganito dito eh 'di sana nanguha ako ng pagkain. The scenery is so perfect that I could stay here until dawn.
"Who are you?"
"What the fvck"
Napahawak ako sa dibdib nang biglang may magsalita. My eyes wandered to see who and where that baritone voice came from. I saw a man from behind...
Literal na naiwang nakabukas ang bibig ko habang nakatingin sa lalaking kaharap.
I have never met a man this gorgeous. With a well built body, muscles on the right places, messy but clean cut hair, perfectly-shaped nose, thin pink lips, with a skin that not so white but enough to make his whole appearance manly. Darn, what the heck am I doing?
Inirapan ko ito para makabawi man lang sa kahihiyan.
"I should be the one asking you that. Who are you?"
Tumaas ang kaliwang kilay nito at humakbang pa palapit sa akin. He removed his shades and hanged it on his cloth.
"I own this place."
His voice sounds smoky. So mysterious but sexy.
"Yeah?"
Agad nanlaki ang aking mata ng pumasok sa isipan ang sinabi nito... He. Owned. This. Place.
"OMG? For real? I'm sorry I thought this is still a part of La Casa Miranda and..."
"This is La Casa Miranda. Can't you just tell me who you are and what the hell are you doing here?"
My mouth left open.
"I'm... staying here," I said with a sotto voice trying to think what the hell is happening right now.
Nanliit ang mga mata nito, tila pinapag-aralan kung nagsisinungaling ba ako o ano. Baka nga siya ang nagsisinungaling sa amin, eh. Truly enough, you can never judge someone by his appearance.
"Look. I'm not a trespasser or whatever you call that. I am a model, don't you know me? I'm Stella Alexander and I'm here for a vacation. I don't understand what the heck is happening but--"
"Stop. So tell me who are you with and who lets you stay here? And can you remove those sunglasses. Show some respect, woman."
I pressed my lips trying to stop myself from cursing this guy. How could he?
Inalis ko ang sunglasses na suot at tinignan ito ng diretso.
"Lola Esther let me stay here. But if you really do not want me to stay here, I'll leave."
Inabot ko ang boots para sana isuot na muli at bumalik sa bahay pero sinipa niya iyon palayo sa akin.
Kunot ang noo na tinignan ko ito pero wala na sa akin ang tingin niya. Bago pa ako makapagsalitang muli ay umupo na ito sa kabilang sun lounger at tumitig sa akin.
"Stop, Miss. I'm not trying to get you out of here since its Lola Esther who is the one behind you being here. I was just asking."
"Yeah but..." I wanna say he’s kinda rude for a host but I won’t. Tumikhim ako. "I'll enter the house nalang."
Muli ko sanang tatangkain na abutin ang boots na dala pero pinigil niya nanaman iyon.
With a very manly voice sounded so sweet, he stopped me.
"Stay."
Nawalan ako ng mga salitang ipambabato rito kaya umayos nalang ako ng upo. I can sense his brooding eyes staring at me.
"Wait, did you just say a Tagalog word earlier?" gulat at nakataas ang kilay na aniya.
Tumango ako at hindi na nagsalita pa.
Minutes passed and still no one dared to start a conversation. I suddenly had the urged to look at him.
"'Wag kang tumitig. I hate creepy people."
"Hindi kita tinititigan and I'm not creepy," pagtatanggol ko sa sarili ko na sinagot niya lang ng isang nakakainsulto pero makalaglag panty na ngiti.
"So... you're a model?"
Nakataas ang kilay nito habang naghihintay sa sagot ko.
"Was."
"Hindi ka na model ngayon, ganoon ba? Miss Alexander? Well, your name rings a bell."
"Of course you might be familiar with me. How come you won't?"
"Nasty. Paano ka napunta rito kung ganoon? And for real? Wearing boots in a beach?"
Inirapan ko ito bago tumitig sa dagat. The natural sound of nature makes me feel relax and comfortable at the same time. Hindi ako sanay sa katahimikan. Nasanay ako sa maingay na paligid, tunog ng mga busina ng sasakyan, mga taong palaging natataranta, mga ingay ng telebisyon, at kung ano-ano pa.
"Whatever."
"Gaano ka na katagal na nandito sa La Casa Miranda?" tanong nito, he sounds like he's interrogating me.
"Just yesterday."
He nods his head like a boss giving an approval to his employee.
Silence again filled us. Maayos na sana kung hindi tumunog ang tiyan ko senyales na gutom na.
"Come on. It's already 11:30."
Tumayo na ito at tumingin sa akin na para bang hinihintay ako na tumayo at maglakad na rin pabalik.
Darn. Nakakahiya. Puro nalang ba kahihiyan ang magagawa ko sa harapan ng mala-adonis na nilalang na ito?
Tahimik kaming naglakad pabalik sa bahay. Wala pa rin sina Lola Esther at Eiza nang bumalik kami roon.
Umupo ako sa dining table at tumitig sa kawalan. I suddenly remembered I don't even know how to cook.
"Anong kakainin mo?"
Malamyos ang boses nito na para bang naglalambing but you can still feel the coldness of his voice out of it. So manly.
"Uhm. Cup noodles? D-do you have that?"
Kumunot ang noo nito at nagtaas ng kilay. Habit niya ba talaga ang mga ganoong ekspresyon? I mean, sure it's appealing when a guy so hot like him looks serious and snob but... medyo nakakairita. I'm a guest here so I supposed he should at least be friendly at me, smile from time to time... He should at least show some hospitality, right?
"Adobo or Sinigang?" tanong nito na nagdulot sa akin ng gulat at pagtataka. I mean, well, that was just a question tho.
"A... Adobo."
Kunot pa rin ang noo nito na lumabas ng dining area. It took him more or less thirty minutes before coming back with a bowl of adobo.
Tumayo na ako para manguha ng pinggan dahil kahit papaano may manners naman akong natutunan but he stopped me.
Siya na ang nanguha ng mga gagamitin at inilapag sa harap ko.
We ate in silence. The food is so delicious. Para itong adobo na may kakaibang recipe na nagpapaespesyal dito. O baka ganito naman talaga ang normal na lasa nito? Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakain ng adobo.
"You cooked well," pagpuri ko na tinanguan niya lang.
This guy doesn't even know how to give back gratitude. How rude. But nevermind, he cooked me a decent and delicious food so that's fine.
I suddenly wondered where is he yesterday. Surely I didn't see him. Hindi rin siya nabanggit ni Lola at Eiza. For sure babanggitin naman nila sa akin na meron pang isang tao rito, hindi ba?
Pagkatapos kumain ay ito rin ang naghugas ng pinagkainan. Pumasok na rin ako sa kwarto upang magpalit ng pambahay na damit. Hindi na rin naman ako lalabas.
I checked my phone only to see hundreds of missed calls from my showbiz friends, some are from Rick, some from Paris, two from Grandma and... one missed call from my Mom.
Bibitawan ko na sana itong muli nang tumawag si Mommy. I sighed before answering the call.
"Mom."
(Anak, how's States? How are you?)
Malambing ang boses nito. My mom is kind and sweet. But she can never give me something that I wanted, something that I was longing for. Something that everyone probably had but never I.
"Fine."
Isang salita lang ang binitawan ko. Bahagya akong nagi-guilty na hindi ko sinabi sa kanya kung nasaan ako. Madalas kasi kapag nagtanong siya ay sinasagot ko ng buong katotohanan.
(May big and great news ako sayo!)
She sounds excited. I can't help but to smile, too. My mom is happy so I should be... too.
(Your sister is getting married anytime soon!!!)
Macy. Macy Trinidad is not my sister. Not even a drop of her blood is connected with mine. But surely she had the greatest kind of life I should be the one living.
I turned the call off and cried myself to sleep. Ganoon naman lagi ang ending kapag tumatawag si Mommy. Aasa ako bago sagutin ang tawag niya at matatapos iyon na mahapdi na naman ang sugat na iniwan niya. And in the end, matutulog akong lumuluha pero wala rin naman akong magawa kundi ang patuloy na umasa na darating din ang araw na magpapaka-ina siya sa akin.
Nagising ako sa mga katok sa pintuan ng kwarto ko. I looked at the wall clock in front of me and suddenly had an adrenaline rush to get up and wash.
"Ate, si Eiza po ito. Kakain na ng hapunan."
Sinagot ko ito na susunod nalang ako at agad pumasok sa bathroom. Madaling-madali ang kilos ko dahil nakakahiya namang mahuli sa hapag-kainan ng mga ito.
Suot ang ternong kulay pulang pajama ay bumaba ako at nadatnan silang tatlong nakaupo roon at hindi pa ginagalaw ang mga nakahain. No matter how embarrassed I am, I can't help but to notice how thoughtful they are to wait for me.
"Hija... How's your day?"
Nginitian ko ang matanda bago sinagot ito ng ayos lang.
"Kumusta po ang pamamalengke? Medyo matagal din po pala iyon."
Umupo ako sa bakanteng upuan at naghain na rin ng para sa sarili ko. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang lalaking nakasuot ng plain black shirt at mariing nakatingin sa akin.
I suddenly felt conscious. Why the heck is this guy so intimidating?
"Malayo kasi ang bayan, ate, at hiwa-hiwalay ang bilihan. Dumaan din kami sa pinakamalapit na maliit na Mall para bilhan ka ng ilang gamit."
"Ha? Hala, there's no need to do that naman. Nakakahiya."
"Feel at home, Ella. You'll stay here for two months kaya trabaho namin ang panatilihing maayos ang pamamalagi mo rito."
"I know po, Lola. But isn't it too much?" Sapat naman na para sa akin ang hayaan nila akong mag-stay rito.
Umiling ito at ngumiti. "Ito nga pala ang apo ko, hija. Siya ang naging engineer ng bahay na ito."
Binulungan niya pa ang lalaking nasa tapat ko upang magpakilala.
"Teron Brint Villamor," pagpapakilala nito at naglahad pa ng kamay.
Naiilang na inabot ko ito at agad ding binitawan pagkatapos sabihin ang sariling pangalan. His hand is rough and big very far from my hands because I have small and soft ones. Siya ang naging engineer ng renovation ng bahay na ito? Wow.
Teron. How manly his name is. Parehong-pareho sa personalidad na mayroon siya.
Umiwas ako ng tingin dito at itinuloy ang pagkain.
Tuloy-tuloy naman ang pag-uusisa ng matanda sa ginawa ko buong araw.
"You should visit our flower garden. Medyo malayo nga lang kung lalakarin but surely Teron can drive you to there."
Tumango nalang ang binata. Hindi yata nito kayang tanggihan ang Lola.
Um-oo nalang din ako kahit hindi ko sigurado kung mangyayari nga iyon. Patuloy ang pagkwekwento nito sa kung ano-anong bagay.
Masarap ding kausap si Lola Esther kaya masaya naman ang araw na iyon. O baka ngayon ko lang na feel iyon dahil wala naman akong madalas kausap sa States kapag kumakain bukod kay Rick na madalas din ang pagiging busy sa telepono.
"Pasensya ka na, hija, hindi ko nasabi sayo na uuwi ang apo ko. Nagbabakasyon talaga siya madalas dito. He'll stay for a week or two--"
"Nag-leave ako for a month, Lola."
Nanlaki ang mata ng matanda.
"A month?"
"Yes. And probably tatagal pa iyon kung aaprubahan ang project na gagawin namin dito."
Kitang-kita ang tuwa sa mga mata ng matanda. Ang saya nila panoorin. Eiza jumped in glee, too, na sinaway pa ni Teron dahil katatapos lang kumain.
I was spacing out when I saw him looking at me.
"Want a cup of coffee?"
Katatapos lang mag-ayos ng kinainan at umakyat na para magpahinga sina Eiza at Lola. Baka napagod ang mga iyon sa naging lakad nila ngayong araw.
Umupo kami sa veranda ng bahay. Gabi na pero maliwanag pa rin ang paligid. Maraming ilaw at maliwanag din ang buwan.
"So you'll stay here for a month or two. What's your plan after that then?"
His serious voice makes me feel awkward. He sounds so mature while I have a sweet, child-like voice.
I sipped coffee from my cup before answering his question.
"Probably continue my career."
Tumango ito at tumahimik na ulit.
"You're a Villamor. And here I thought you're a Miranda."
"That's my Mom's middle name before getting married."
We spend just twenty minutes there before bidding good nights to one another.
"Good night, Miss Alexander."
I smiled before entering my room.