Nang matapos akong kumain ay umalis na rin ito dala ang mga kinainan ko. Natulog ako pagkatapos no’n dahil wala akong ganang lumabas. Pero bandang alas dos ay ipinaalala ni Eiza na magpi-picnic nga pala kami maya-maya sa sea side. Oo nga pala! Since wala naman kaming balak mag-swimming ay simpleng leggings at mahabang t-shirt lang ang sinuot ko pagkatapos maligo. "Bumili pala akong bag, ate! Nakita ko iyon yung last product na fineature mo sa pagmomodel. Mahal pala pero maganda." "Wow? Talaga?" "Oo, ate. Yung kulay white ang kinuha ko kasi pang minimalist yung style." "You've got to be fvcking kidding me!" A loud, serious but angelic voice of a woman cut the little chitchat I and Eiza are having right now. "Brianna," mahinang bulong ni Eiza na nagpakaba sa akin. Brianna? Yung girlf