Sampung minutong lakad takbo ang ginawa ni Phillian hanggang sa marating niya ang kinaroroonan ng taong nakasampa sa ibabaw ng kahoy na tuluyan nang ini-anod ng alon sa dalampasigan. At habang papalapit siya nang papalapit ay nakikilala niya kung kaninong bangka ang nasirang iyon.
Ang kahoy mula sa nasirang bangka na kinasasampahan ng babae ay isa sa mga bangkang pangisda na nakikilala niya. Pag-aari iyon ng isang binatilyong mangingisda sa kalapit na barangay. Narinig niyang inabutan ito ng malakas na ulan at pagkidlat sa gitna ng laot dalawang gabi na ang nakararaan; tumaob ang bangka nito at salamat sa Diyos dahil nagawa pang magpatianod sa alon at lumangoy patungo sa lupa. Hindi niya akalaing tuluyang nasira ang bangka nito.
Hindi rin niya akalaing may isang kasama pa itong nakaligtas at nagawang makabalik nang buhay. He thought the young fisherman was alone.
Pero… buhay pa nga ba?
Ilang dipa na lang ang layo niya sa sirang kahoy nang matigilan siya. Napatingin siya sa nakalabas na binti ng taong nasa ibabaw at buong pagtatakang sinuri iyon hanggang sa likod ng nakalabas na tuhod nito. The person's skin was fair; flawlessly so. At may napagtanto siya.
It wasn't the kind of skin a fisherman would have.
Umangat pa ang tingin niya sa basa nitong katawan.
Ang tao’y nakadapa at ang ulo ay natatakpan ng parte ng suot nitong damit. Ang suot na damit ay puting bestida na kung hindi siya nagkakamali ay gawa sa silka. Mahaba iyon at doble ang tabas kaya nagawa niyong takpan ang halos kabuoan ng katawan ng may suot.
At hindi mahirap hulaan na babae iyon.
And damn, she was still breathing!
Itinuloy niya ang paglapit at mabilis itong dinaluhan. Hinila niya ang kahoy hanggang sa hindi maabot ng alon, at hinawakan ito sa balikat upang yugyugin.
But s**t, she was not responding.
Sa maingat na paraan ay dahan-dahan niya itong itinahaya. Ang basa nitong buhok ay tumabing sa mukha nito at iyon ang sunod niyang hinawi.
And then, he saw her face.
She was as pale as a ghost and her small, heart-shaped lips were shaking.
Muli ay sinubukan niyang yugyugin ang balikat nito. Sa pagkakataong iyon ay nilakasan niya upang maramdaman nito at magising, subalit nanatili itong walang malay. At mainit ang balat nito sa mga balikat.
Dinama niya ang noo nito—at doon ay bigla siyang napa-igtad.
She was burning up.
Muli niya itong sinubukang gisingin subalit walang nangyari. Doon na siya nagpasiyang buhatin ito. And damn, was she light. Nagtataka siya kung gaano ito katagal sa gitna ng laot at kung saan ito nanggaling.
And why the hell was she wearing a beach wedding dress?
*
*
*
“Kumusta ang lagay niya?” tanong ni Phillian kay Nelly nang lumabas ito mula sa guest room bitbit sa mga kamay ang stainless bowl kung saan nakasilid ang malamig na tubig at bimpo na ipinang-punas nito sa babaeng natagpuan niya sa dagat.
“Nabihisan ko na po siya, Ser Phill, pero mataas pa rin ang lagnat. Ayaw huminto ng panginginig niya kaya kumuha ako ng dalawa pang kumot at itinakip sa katawan niya.”
“Okay, samahan mo siya buong gabi at antabayanan kung magigising siya. Kailangan mo siyang punasan maya't maya para bumaba ang lagnat niya.”
“Bakit hindi na lang natin siya ideretso sa clinic sa bayan, Ser?”
Bakit nga ba hindi iyon ang kaniyang ginawa?
Napabuntong hininga siya. “Alam mong kulang ng doktor ang bayang ito, at kapag ganitong oras ay wala na ring doctor doon sa clinic malibang emergency. This isn’t an emergency; she only had a fever. At wala rin siyang sugat sa katawan maliban sa gasgas sa kaniyang braso. She was breathing fine, too. She will be fine in the morning, basta sundin mo lang ang sinabi ko. Kapag nagising siya ay painumin mo kaagad ng gamot at maraming tubig."
Tumango si Nelly. "Papalaot po ba kayo ngayong gabi?"
"No. Magpapahinga ako ngayon. Call me as soon as she wakes up, okay, Nelly?"
"Sige, Ser."
*
*
*
Calley opened her eyes for a start. Something delicious woke her senses up. She could smell something delicious nearby. Something like a stew. A creamy soup maybe?
Geez… I’m hungry, she thought.
Nanatili lang siyang nakatitig sa asul na kisame at wala sa sariling hinulaan kung ano ang naaamoy.
Mushroom soup with slices of chicken...
No, maybe creamy vegetable soup... with oregano? I could smell the herbs.
Wow... I can't believe they cook a delicious meal in heaven.
Or maybe this is how heaven smells like?
She wasn’t in her mind. Mabigat ang kaniyang pakiramdam at ang kaniyang ulo'y bahagya pang kumikirot. Naririnig pa rin niya ang banayad na tunog ng alon.
Damn it. Ilang oras... o araw kaya siyang nagpalutang-lutang sa dagat bago tuluyang sumuko ang kaniyang katawan? Hindi niya maalala ang ibang mga nangyari bago tuluyang sinakop ng dilim ang kaniyang paningin, pero alam niyang nasa dagat siya sa huling mga sandali ng buhay niya.
Masyado pang malabo ang isip niya sa mga sandaling iyon kaya hindi rin niya maalala ang mga nangyari bago siya bumagsak sa dagat. She would assume that her temporary memory loss was due to trauma. This was how people with trauma would feel. She knew, of course. She studied this in med school.
Natigil siya sa pag-iisip nang muling malanghap ang masarap na aroma na iyon. Sunod ay naramdaman niya ang pagkalam ng kaniyang sikmura.
Kinunutan siya ng noo sa pagtataka.
I can't believe I could still feel hungry even after death...
“Hala, gising ka na!”
Napakurap siya—ang kaniyang mga mata’y nanatili sa kisame.
What? W-Who was that?
She narrowed her eyes and stared at the blue ceiling.
Wait... this doesn't look like clouds...?
"Miss?"
Napa-igtad siya nang biglang may sumulpot na pigura sa kaniyang balintanaw. A woman, probably a few years younger than her, frowning a little as she surveyed her face.
Ginaya niya ang reaksyon ng mukha nito. Ang kaniyang noo’y kumunot din.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong nito habang patuloy sa pagyuko sa kaniya.
Matagal siyang natulala lang dito. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nagtatalo pa rin ang kaniyang utak. Hindi niya alam kung nasaan siya, kung ano ang nangyari, at kung bakit tila totoo ang babaeng nasa harapan.
This woman doesn't have wings; she couldn't be an angel, could she?
"Hello? Naririnig mo ba ako?" muling untag ng babae, at sa pagkakataong iyon ay hinawakan na siya nito sa kanang balikat niya.
Doon siya malakas na napasinghap.
Doon niya napagtantong buhay pa siya at totoong tao ang nasa harapan!
Unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata. Oh God, I was saved!
“Kumusta ang pakiramdam mo?” muling tanong ng babae na muli rin niyang ikina-kurap. At nang wala itong nakuhang sagot mula sa kaniya ay tuwid ito ng tayo. "Tsk, ang ganda sana pero bingi."
Hindi niya pinansin ang sinabi nito at manghang ini-libot ang tingin sa paligid. She just realized she was in a room; a clear, relaxing room. The wall was painted in royal blue, as opposed to the ligh blue color of the ceiling. On her left side where the woman was standing was a floor-to-ceiling glass window; nakabukas iyon at ang hangin at umiihip sa mainipis na kurtina. On her right side was the door; sa tabi niyon ay isang malaking cabinet na tulad ng pinto ay naka-pintura ng puti. Sa magkabilang pader ay may tigda-dalawang paintings.
“Where… am I?” Finally, she had found her voice! Pero napangiwi siya nang marinig ang sarili—paos ang kaniyang tinig at bahagya siyang nakaramdam ng sakit sa lalamunan nang magsalita.
“Naku po, kapag minamalas ka nga naman… Inglesera pa,” narinig niyang bulong ng babae sabay kamot sa gilid ng ulo nito. "Kay Ser Phill pa lang ay dumudugo na ang ilong ko, eh. Dadagdag ka pa, 'day."
“Nasaan ako…?” ulit niya.
Bumungisngis ito; na marahil ay natuwa dahil sa pagsalita niya ng Tagalog. “Nasa bahay ka ng amo ko dito sa Contretas."
"Con...treras?"
"Naku, mukhang turista ka nga. Kalapit bayan ng Batangas ang Contreras. Kumusta ang pakiramdam mo? Bumaba na ang lagnat mo sa awa ng Diyos pero namumutla ka pa rin.”
“M-Masakit ang ulo ko…”
Tumango ito, sandaling tumalikod at naglakad patungo sa end table at kinuha ang isang basong tubig. Bumalik ito sa kaniya, ipinatong ang baso sa bedside table at muli siyang niyuko.
“Kailangan mong kumain at uminom ng gamot. Alas dos na ng hapon ngayon at kahapon ka pa natagpuan sa dagat. Buti na lang at nagising ka na. Kapag hindi ka pa gumising ay magpapapunta na talaga ng doktor ‘yong amo ko.”
Dahan-dahan siyang inalalayan ng babae na maupo, at napangiwi siya nang makaramdam ng bahagyang pagkahilo at pananakit ng ulo. Her body was sore, too. Pero mas higit ang hilong naramdaman niya kaya mas gusto niyang mahiga na lang sana. But she knew she needed to eat to gain her strength, and take medication.Napasandal siya sa headboard upang alalayan ang sariling maupo.
“Tamang-tama pala ang pag-akyat ko. Plano na talaga kitang yugyugin para magising dahil baka iyon lang ang kailangan mo. Teka, nagdala ako ng sabaw. Dapat ay akin ito at dito sana ako kakain sa kwarto mo pero ikaw na ang mauna; mas kailangan mo ito." Muli itong tumalikod at bumalik sa end table. Kinuha nito roon ang buong tray at inilipat sa bed side table.
Sinulyapan niya ang pagkain nakapatong doon.
Isang malaking mangkok ng sabaw na manok. Sigurado siyang doon nanggagaling ang masarap na aroma na naamoy niya kanina.
But... what is this? Kunot-noo niyang sinuri ang pagkaing nasa bowl.
Nakita marahil ng babae ang pag-salubong ng mga kilay niya kaya napahagikhik ito at hinila ang isang upuan sa paanan ng kama. Dinala nito iyon sa tabi niya at doon ay naupo.
“Chicken binakol ang tawag sa pagkaing 'yan, Miss, kung hindi mo pa alam. Specialty ng pamilya namin 'yan.”
Chicken… binakol? Ano ‘yon?
Kaya pala hindi niya malaman-laman kung ano ang naaamoy kanina. It was something she never had before.
“Masarap 'yan. O sige, susubuan na kita para hindi ka na mahirapan.” Kinuha nito ang kutsarang nasa tray saka ang bowl. The woman then scooped a spoonfull of soup and blew it. Nang sa tingin nito'y hindi na mainit ang sabaw ay saka inilapit sa bibig niya ang kutsara.
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya.
“I’m sorry,” she said, her voice still sounded like tires screeching on the street. “Ano ulit ang pangalan mo?”
“Ay, pasensya ka na.” Bahagya itong natawa. “Ako si Nelly, kasambahay s***h personal assistant ni Ser Phill. Siya ang nagmamay-ari ng bahay na ito at siya ang nakakita sayo na palutang-lutang sa dagat kahapon. Sinagip ka niya at ini-uwi rito sa beach house. Aba'y, ano ba'ng nangyari sa'yo? Sirena ka ba at nag-aanyong tao lang o tumalon ka sa bangkang pinanggalingan mo at nag-ala Olympian sa paglangoy? Mukhang hindi ka naman taga-rito dahil…” Nagpatuloy si Nelly sa pagsa-salita subalit ang kaniyang pansin ay wala na sa sinasabi nito.
Dahil matapos niyang marinig ang pagbanggit ni Nelly sa dagat at bangka ay muling bumalik sa isipan niya ang mga nangyari. Unti-unting bumalik sa kaniyang alaala ang lahat.
The yatch party, the red wine with a sleeping drug, Charles Xiu and her Auntie Esther.
Her eyes widened as the incident from that night flashed back in her mind.
She remembered now! And damn, was she in trouble!
“Ayos ka lang…?”
Sa nanlalaking mga mata ay bumaling siya kay Nelly. “P-Please tell me na hindi kayo tumawag ng pulis para i-report ang tungkol sa akin?”
She could still remember the last time Charles gave her a goblet of wine; mula iyon sa kaibigan nitong police official na kung makatingin sa kaniya noong gabing iyon ay para siyang kakainin ng buo! Sigurado siyang sa huling kopita ng wine na iyon naroon ang drug na nagpahilo sa kaniya. She was fine prior to that!
Umiling si Nelly na biglang nagtaka sa pagbabago ng ekspresyon niya sa mukha. “Hindi ko lang alam kay Ser, pero ang huling sinabi niya ay hihintayin ka muna naming magising bago gumawa ng aksyon.”
Nakahinga siya nang maluwag.
Good. Ayaw niyang makarating muna sa mga pulis ang nangyari sa kaniya. Kailangan niyang mag-ingat sa mga galaw niya dahil sa kaibigan ni Charles Xiu na police official ng Batangas.
Lalong luminaw ang alaala niya. Iyon ang laman ng isip niya noong makasampa na siya sa lumulutang na parte ng sirang bangka sa dagat. She had many deductions, wala siyang ginawa sa buong gabing nasa gitna siya ng dagat kung hindi ang itatak sa isip ang mga pangalan at mukha ng mga taong kasama nila sa yateng iyon.
“Ikaw, ano ang pangalan mo?”
She turned to Nelly and was about to answer the question when suddenly, a knock on the door interrupted her. At bago pa man makasagot si Nelly ay bumukas na iyon at bumungad ang isang matangkad na lalaking may kalakihan ang katawan.
"Nelly, is she awake n—" Natigilan ang lalaki nang makita siyang gising na at nakasandal sa headboard ng kama. Nang makabawi ay nagpakawala ito ng pinong ngiti at itinuloy na ang pagpasok sa silid. Inisara muna nito ang pinto bago ini-suksok ang mga kamay sa magkabilang mga bulsa ng suot na Khaki shorts bago humakbang papalapit.
At habang papalapit nang papalapit ang lalaki ay unti-unting kumulubot ang noo niya. She didn't know why, but she could sense something familiar about him.
Do I know him...? she asked herself. Itinuloy niya ang pagsuri rito sa pag-asang maalala niya kung saan ito nakita. Bumaba ang tingin niya sa katawan nito.
The man was wearing an orange Hawaiian poloshirt with buttons closed from the middle down below. His skin was light brown—at iyon ang unang umagaw sa kaniyang pansin dahil halatang hindi iyon natural at mukhang nabilad lang sa araw.
He was tanned—like all the other men and women back in the States. Caucasians were addicted to solarium tanning machines and tanning sprays. They all wanted to have brown skin as opposed to Filipinos who dreamt to be fair.
In her case, she was born with naturally fair skin and she liked it.
Oh no, bakit ito ang naiisip ko? I should be thinking about how to solve my problem and not this—
Muli siyang natigilan nang ang kaniyang mga mata’y muling dumapo sa mukha ng lalaki. He was handsome—no, he wasn’t just handsome, he was oozing with s*x appeal.
And the first thing she noticed about his face was his chiseled jaw—lalaking-lalaki. His thin lips were smiling a little, and it was the kind of smile she would call sexy. And his high bridged nose bothered her; hindi iyon ang tipikal na ilong ng purong Pilipino. And his eyes…
Muli siyang natigilan.
Where did I see those bluish eyes again…? They seem… familiar.
Isa ba ito sa mga ama ng naging pasyente niya sa New York? Or someone she had met in a conference meeting? In a party? At the pub?
Pub?
Party?
Biglang kumabog ang dibdib niya.
May isang mukha na may kaparehong kulay ng mga mata ang unti-unting gumuhit sa kaniyang balintanaw.
Imposible! tutol ng isang bahagi ng kaniyang isip. Imposible! They don’t look the same!
Umiwas siya ng tingin at yumuko. Sa nakalipas na sampung taon ay unti-unting nabura sa isipan niya ang mukha ng lalaking iyon. It had been ten years! Yes, he would cross her mind from time to time, especially the time she spent with him that night in bed. Pero ang mukha nito, sa nakalipas na sampung taon, ay tuluyan nang nawala sa isip niya.
Pero ngayong may kaharap siyang kamukha ng lalaking iyon ay tila biglang naging malinaw sa isip niya ang mukha nito.
Ilang tao ba sa mundo ang magkakamukha kahit hindi naman magkaano-ano? tanong niya sa isip.
That man from ten years ago was fair-skinned. He was a pure-blooded foreigner with freckles on his nose. He wore a teeth retainer and he was a little lanky compared to this guy! Kaya imposible!
Pagilid niyang muling sinuyod ng tingin ang lalaking huminto ilang dipa mula sa kama. Her eyes traveled from his legs up to his strong, muscle-y body. Ang maskulado nitong mga braso na nagsisilabasan pa ang mga ugat ay halatang banat sa trabaho. Kahit ang hulma ng balikat nito sa suot na Hawaiian shirt ay bakat na bakat. He had a body any woman would drool over. He was sinfully sexy.
Muling umangat ang kaniyang mga mata sa mukha nito, and there she saw him smiled all the more.
Napasinghap siya nang malakas, at ang panlalaki ng mga mata’y hindi niya naitago.
Oh God, what a small world you made!
“You!” she exclaimed, pointing her index finger in his direction.
His smile disappeared, and his forehead furrowed.
“Free Phillian Zodiac!”
Hindi siya maaaring magkamali. Tuluyan nang luminaw sa isip niya ang mukha ng lalaking nakilala niya sampung taon na ang nakararaan. At sigurado siyang ang lalaking iyon, at ang lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon ay iisa!
How could she forget that smile? How could she forget those eyes? And how the hell could she ever forget his name?
If the man would confirm her assumptions, she would surely scream at the top of her lungs!
Ang lalaki’y lumalim ang gatla sa noo. Nakita niya ang sandaling pagkagulat sa mukha nito bago nakabawi at buong pagtatakang nagsalita.
“How did you... know my name?”
“Oh, bloody hell!”
*
*
*
FOLLOW | COMMENT | SHARE