CHAPTER 07 – What He Really Wanted

2355 Words
            Ten years later.              Pagod na bumaba si Phillian mula sa pick-up truck niya nang marating ang beach house. Hindi niya alam kung saan pa siya kumukuha ng lakas upang maglakad sa kabila ng matinding pagod at pagka-antok.                Sa sobrang sama ng panahon ay siguradong walang araw na sisikat mamaya mula sa silangan. Ang malakas na ulan ay walang tigil sa pagbagsak, ang hangin ay palakas nang palakas. May bagyong paparating at nag-uumpisa nang mangalit ang panahon.               Ayon sa balita ay sa oras na iyon ang landfall ng bagyo sa lugar nila, kaya naman kagabi pa lang hanggang sa abutin sila ng madaling araw ay inuna na niya ang seguridad ng kaniyang mga bangkang pangisda. Kasama ang mga tauhan niya sa pangingisda ay siniguro nilang hindi madadala ng alon ang anim na pump boats na pag-aari niya; hinila nila ang mga iyon at dinala sa pinagawa niyang malaking silong na nasa loob ng sinasakupang beach ng pamilya nila. Doon sa loob ng silong ay may anim ding nakatayong konkretong poste kung saan nila itinali ang mga bangka.               Makakapagpahinga na siya sa wakas.              Patakbo siyang nagtungo sa backdoor at doon pumasok. The light was open because his housekeeper and assistant, Nelly, was waiting for him. Inabutan niya itong nakaupo sa harap ng island counter sa kusina at nakikipag-video call sa kasintahang isa sa mga mangingisda niya. Napatayo ito at sinalubong siya bitbit ang dalawang tuwalya.               “O, Ser, magpatuyo muna kayo,” ani Nelly. She was two years younger than him at isa sa mga anak ng katulong nila sa bahay ng mga magulang. Nelly's mother, Patty, had been serving their family for decades, at lumaki silang kalaro ang mga anak nito.               Nang lumipat siya roon sa bayan ng Contreras ay ini-sama niya si Nelly. May pag-aaring lupain doon ang pamilya nila—lupain malapit sa dagat kung saan nakatayo ang beach house ng pamilya. When he graduated from college ten years ago, he moved there and decided to live on his own. It was four hours drive from La Asteria, and five hours away from Manila. Malapit lang siya sa Batangas, isang oras na biyahe lang.               Isang beses sa isang taon ay bumibisita roon ang buong pamilya at nanghihinayang siya sa beach house nila na palaging walang nakatira, kaya nagpasiya siyang doon manirahan.              He graduated with a management course and was able to get a job that required him to work from home. Noong una, sa tuwing matatapos siya sa pagtatrabaho ay pumupunta siya sa dagat upang maki-usyoso sa mga mangingisda. From there, he learned how the fishing business works. Noong una'y ginawa lang niyang hobby ang pagsama sa mga mangingisda kada madaling araw sa laot. He learned the tricks, some techniques, and he made friends.               Eventually, he learned to love fishing. So after two years of working in an international company as a project manager, he filed a resignation. He then applied for a loan at the bank and bought two fishing boats. Kinuha niya ang mga kaibigan niyang mangingisda na walang sariling mga bangka at mas malaki pa ang boundary kaysa kita. He gave them a job and paid them well.                Ang makukuha nilang isda ay ini-bebenta nila sa pinaka-malaking seafood market sa Batangas at mga karatig bayan—sometimes, he would go with them and talk to the clients. Banye-banyerang mga isda ang nakukuha nila, at kung maswerte sila ay may kasama pa minsang mga hipon at alimasag. Ang unang taon ay hindi naging madali sa kaniya, pero kalaunan, dahil sa determinasyon ay lumago ang maliit na negosyo niya.              Through the years, he had earned enough to buy four more fishing boats. Now, he had six, at sumasama pa rin siya sa mga iyon at sa mga deliveries kahit marami na rin ang mga tao niya.              Sinubukan niyang bilhin sa ina niya ang beach house—but she refused. Ang sabi ay ibibigay na lang daw sa kaniya bilang pamana. It was his turn to refuse. Kaya ang ginawa niya ay binili niya ang katabing lupa ng beach house at doon ay nagpatayo siya ng sarili niyang bahay.               His own beach house had three bedrooms upstairs and had a huge wrapped-around balcony. Mula roon hanggang sa beach house ng pamilya ay sampung minutong lakad lang. The difference was his house was closer to the beach compared to the family beach house.               Dalawang taon pa lang ang bahay niyang iyon, at madalas, kapag dumadalaw roon ang mga kapatid ay sa beach house ng familia sila naglalagi.               “Naka-usap ko si Ambong, Ser Phill,” ani Nelly na bumalik sa lababo upang ipagtimpla siya ng kape. “Ang sabi ay mananatili sila roon sa silong para bantayan ang sitwasyon ng dagat.”              Tumango siya at pinunasan ang basang buhok bago lumapit sa island counter. “Kailangan naming masiguro na hindi na tataas pa ang tubig patungo roon sa silong. Tiwala naman akong matibay ang pagkakagawa non, makapal na yero at mga bakal ang ginamit doon kaya kahit sa malakas na hangin ay ligtas ang mga bangka. Sa tubig ako nababahala. Kapag tumaas pa ang tubig at abutin ng alon ang silong ay kailangan nilang dagdagan ang pagkakatali ng mga bangka, dahilan kaya kailangang may tumao roon hanggang sa pagsikat ng araw. Kung hindi ko sisiguraduhin ang lagay ng mga bangka ay mapapahamak ang kabuhayan nating lahat.”              “Kaya nga, Ser, eh. Sana ay hindi na lumakas pa ang hangin at ulan.” Napabuntong-hininga ito. “Ang sabi ay signal number 1 ang tatama sa lugar natin, sana ay hindi ganoon ka-lala tulad noong nakaraang taon.”              Ipinatong niya ang isang tuwalya sa ulo habang ang isa namay ini-punas niya sa basang braso. “H’wag kang mag-alala, sisiguraduhin nila Ambong na hindi matatangay ng alon ang mga bangka. " Tumalikod na siya at humakbang palabas ng kusina. "Magpapahinga lang ako ng ilang oras para may lakas ako mamaya sa oras na tuluyan nang mag-land fall ang bagyo. Gisingin mo ako mamayang alas-otso ng umaga.”              “Eh, Ser, paano ang kape ninyo?”              Nilingon niya ang kasambahay at ningitian. “Dalhin mo sa kwarto ko, doon ko na iinumin. Decaf ha, baka magkamali ka na naman.”              Natawa na lang si Nelly saka nagkamot ng ulo.        * * *                    Laking pasalamat ni Phillian at naka-alis ang bagyo na ligtas ang lahat ng mga tauhan niyang nagbantay sa silong, kasama na ang mga bangka. Tumaas ang tubig at inabot ng mga alon ang silong kaya ni-doble pa ng mga tauhan niya ang lubid na nakatali sa mga pump boats.               Nang sumunod na gabi ay muli siyang bumalik sa silong upang magbantay. Nagsalitan sila ng mga tauhan niyang bantayan ang mga bangka sa loob ng mahigit dalawamput-anim na oras.                         Ayon sa balita ay nakalabas na sa bansa ang bagyo, subalit pinag-iingat pa rin ang lahat sa dalang hangin at ulan niyon. Nagpasiya si Phillian na saka na sila bumalik sa laot kapag sigurado nang ligtas at payapa ang karagatan. He didn’t want to put his men’s lives on risk.               “Dalawang bangka ang inanod doon sa kabilang ibayo, Kuys,” sabi ni Ambong sa kaniya, isa sa mga mangingisda niya at kasintahan ni Nelly. Nakaupo sila sa papag na nasa sulok ng silong at tinatanaw ang karagatan. Malalim na ang gabi subalit nanatili silang alerto. Hindi por que nakalabas na ang bagyo ay pwede na silang kumalma. They always had to prepare for the worst.                May tatlo pa silang mga kasama roon, at lahat sila’y may hawak na mug na mainit na kape na ini-hahatid doon ni Nelly.              “Hindi nila nakapaghanda nang maaga,” sabi pa ng isa sa mga mangingisdang si Boy. “Kung bakit kasi hinintay pa nilang lumakas ang hangin at ulan bago nila tinalian ang mga bangka nila.”              “May narinig din akong isang bangka na pumalaot pa rin kahapon kahit nagbabadya na ang sama ng panahon. Hindi pa rin nakababalik hanggang ngayon," sabing muli ni Ambong. "Bukas ng umaga pa raw magpapadala ng rescue operation ang munisipyo—dalawang tao rin ang sakay noon nang umalis, eh.”               Napa-iling siya sa mga narinig. Dala ng hirap ay sinusuong ng mga mangingisda ang buhay nila sa panganib para lang may maiuwi sa pamilya. Marahil ay iyon ang nag-udyok sa dalawang mangingisdang iyon para pumalaot pa rin sa kabila ng sama ng panahon.               “Kung hindi rin tayo nagta-trabaho kay Phil, baka ako at itong si Mikel ay pumalaot na rin kahapon,” sabi pa ni Mang Ima, ang isa sa mga mangingisda niya at ang pinaka-matanda sa lahat. He had been ang fisherman all his life. Nasiraan ito ng bangka noon kaya pumasok sa kaniya. Mang Ima was one of the people who taught him how to fish, and he was a likable man. Kaya naman kahit senior na ito ay tinanggap pa rin niya. He would be needing his expertise.                         Ang Mikel na tinutukoy nito ay ang panganay na anak at matanda sa kaniya ng limang taon. Pamilyado na rin at katulad ng ama at maalam sa pangingisda. They were both good people and he enjoyed working— fishing— with them.               Napangiti siya at nilingon si Mang Ima. “Mabubuhay tayo ng isang buwan kahit hindi tayo mangisda, Mang Ima. Ako po ang bahala sa inyo at sa mga pamilya ninyo.”              Ngumiti rin ito, hinawakan siya sa balikat saka pinisil doon. “Maraming salamat, anak. Hulog ka ng langit sa amin.”              Sa ginawang iyon ng matanda ay bigla niyang naisip ang ama. His father died two years ago due to colon canser. It had been pretty hard for them, lalo na sa ina nila. Noong nangyari iyon ay madalas silang umuwing magkakapatid upang samahan ang ina sa bahay nila, at madalas din niya itong imbitahang magbakasyon doon sa beach house na pinauunlakan din naman nito kasama si Aling Patty, ang ina ni Nelly.               He and his brothers were living their separate lives now. Quaro had his own bread/coffee shop, and the rest had their own jobs and small businesses. At sa kanilang lahat, si Quaro pa lang ang nag-aasawa.               Napa-ngisi siya nang maalala ang kapatid. He thought that guy would never settle down.                Kung mayroon sa kanilang magkakapatid ang pinaka-imposibleng magkaroon ng pamilya ay si Quaro iyon. Hindi nila inakalang ito pa pala ang mauuna. He was the loner—he was eccentric and he didn’t like to be with someone in his own space.                Until Kirsten, the woman Quaro married arrived. And everything changed.               Oh well, it was right about time, anyway. Quaro wasn’t getting any younger.               At sigurado siyang hindi magtatagal ay siya naman ang kukulitin ng nanay nila na mag-asawa na rin. Ngayong inumpisahan na ni Quaro, sigurado siyang hindi sila titigilan ng ina na lumagay na rin sa tahimik.               And the truth was… he was trying. Even before Quaro met his wife Kirsten, he had been trying to find the right woman for him. He had been wanting to settle down, marry someone he liked, build a family. Saan niya ilalaan ang mga pinaghirapan niya kung hindi siya magpapamilya?               Besides… he had been seeing children running around the beach each day. Ang mga iyon ay anak ng mga mangingisdang nagta-trabaho sa kaniya.                Sa maraming pagkakataon ay naiinggit siya sa mga tauhan. Hindi tulad niya, ay may inuuwiang pamilya ang mga ito matapos ang nakapapagod na pagpapalaot. May sumasalubong na mga asawa sa mga ito tuwing dadaong na ang mga bangka nila. Ang mga anak ay mag-uunahan at kukunyapit sa mga ito. Ang mga asawa’y may nakahanda nang pagkain sa kani-kanilang bahay.               At siya ay lagi lang nakatanaw sa mga ito; lihim na naiinggit. Lihim na nangangarap na sana ay siya rin.               He thought having a family was great. And he wanted to have one, too.                        Ang kaso ay… tulad pa rin siya ng dati.                He had been dating women since he graduated from college. He had been seeing them, had relations with them, hoped for a serious and long tern relationship with them. Pero wala siyang napala. Wala siyang mahanap na tamang babae para sa kaniya.               Women in his life in the past ten years would just come and go. Nobody stayed. Because he got easily tired of the boring conversations, of his women's high maintenance life, their demands. He got tired of them so easily and he felt sorry for them, too, because he just couldn't stick with their kinds.               He had been searching for someone who had… a fun personality. A cowgirl who was up for anything. Someone who would laugh aloud and smile a lot without even trying. Someone who would eat anything and wouldn’t even feel shy around him. Someone who was unapologetically herself.                         Someone like that woman from ten years ago.               Damn. She had been his yardstick of finding a suitable mate. He made her his standard for a perfect bride.               He had girlfriends who were a model, a businesswoman, a teacher, and a DJ. But they were all just beauty and brains and bootylicious bodies. They didn’t have the personalities he was looking for a perfect wife.                He tried. He tried so damn hard to stick with them in a hope that he’d find something he could live with. But there weren’t. They were all meh.                Isang buntong-hininga ang kumawala sa kaniya.               He wondered where that lady was... Nakalimutan na niya ang buong pangalan nito kaya hindi niya mahanap.               He had never seen her again since that night. He tried to look for her, for months. But she disappeared as if he’d never really met her.                She disappeared as if he was just dreaming and she was just part of it.                She disappeared as if their interactions never really happened.               Oh, how he wished to see her again. He just wanted to know how she’s doing.                And he just wanted to let her know that for ten, long years, he was still hoping that he’d find her. Whether she was already married or not, he just wanted to see her again and see how she’s doing.               That’s all he really wanted.               To see her again.         * * *       FOLLOW | COMMENT | SHARE    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD