Chapter 3ARLYKA ZANE POV:
Hindi ako makapaniwala, makalipas ang 15 years doon pa lang siya magpapakita tapos magsasabi siya na maghihiganti siya? What for? Everthing's okay pero bigla nalang siyang susulpot. I want peace for my family, pero mukhang hindi sumasang-ayon ang tadhana sa kagustuhan ko. Tinapon ko agad ang papel na pinadala dito sa bahay, at alam kong galing ‘yun sakanya. She’s really here for revenge.
Kung maghihiganti nga siya, ano ang dahilan niya? Tungkol ba 'to sa kakambal niya? Darn it, ookay na si Julian ngayon. He’s now married with Aislyn for f*****g sake.
"Mom, okay ka lang?" at hinawakan ni Zyril ang kamay ko, ngumiti lang ako sakanya.
"I'm alright baby" at hinaplos ko ang buhok niya, magbbirthday na siya bukas. My baby is growing up, and I’m scared one day she’ll leave me pero alam kong hindi niya gagawin ‘yun. Kahit na twenty siya, he will always be my baby boy
"Mom naman, stop calling me baby, hindi na ako bata." inis na sabi niya sakin, at ngumuso pa ‘to, I chuckled
"I just missed calling you 'baby' Zyril." sagot ko sakanya
"Nagtatampo na naman si mom" sagot naman ni Zanie, na katabi lang ni Zyril.
"Sino ba naman ang hindi magtatampo sa sinabi ng kuya mo, princess" palambing na sabi ko sakanya
"tch, kuya naman kasi, stop being selfish. Alam mo naman na nilalambing ka ni mom 'e " napa'tch' naman si Zyril sa sinabi ng kapatid niya. Hindi ko mapigilan mapangiti pag nakikita ko silang magkasama. They are like my life and death. Sila ang dahilan para lang maayos ko ang lahat, gagawin ko ang lahat para lang hindi sila mapahamak lalong lalo na si Jarem; death, pag nawala sila sakin, parang wala na rin kwenta ang buhay ko, ang buhay namin ni Jarem. How am I supposed to live without them? They are my—our precious treasure.
JORDAN ZANIE POV:
"Happy birthday Zanie" at niyakap ako ni Tito Zeiss and Tito Zaven. Buong pamilya namin ang nandito sa mansion, para sa simple birthday celebration ko. Kahit mag s-sweet sixteen ako ngayon, okay lang na simple ang handaan basta't lagi kami kompleto pamilya, masaya na ako. Simula palang gusto ko na ganito lagi ang birthday ko, but obviously, before masyadong engrande ang handaan dahil nga ako daw ang prinsesa ng pamilya at syempre ang pasimuno ay si dad.
My parents even invited Tito Max and with her girlfriend na si Tita Maxine; The whole gang of my mom with their wives and husbands and of course their children.
Tita Chandria was married 6 years ago and guess what? si Tito Khalil/Prince ang napangasawa niya, at nagkaroon din sila ng dalawang anak na kambal na sina Khalel and Danielle na kapangalan pa ng asawa ni Tito Zaven.
Tito Shion/King was married 15 years ago, after kinasal nina dad and mom, nagpakasal na rin siya at mayroon siyang dalawang lalaking anak, 8 years ang gap nila; sina Sean na panganay at Raikko.
Tito Jacob/Joker is still engaged since 3 years ago until now, hindi ko 'nga alam kung kailan pa siya magp-propose sa fiancee niya, sigh. Mukhang ayaw pa niyang magpatali tsk tsk.
While, Tito Yuan/Ace is still SINGLE. Akalain mo 'nga naman hanggang ngayon wala pa siyang asawa--dahil nga puro flings lang. Mukhang gusto pa niya mabuhay bilang binata pero malapit na siya mag 40 years old baka binalak niyang mag-pari nalang hahaha. If ever na gusto niyo si Tito Yuan just call me, and i'll set a date for the both of you. Lol.
Ninang Erin and Ninong Karl was married 14 years ago, nauna sila magpakasal kaysa kaynila mom. Iisa lang ang anak nila na si Gemini, na kaibigan namin ni Kuya, at mukhang may gusto siya sa kuya ko 'e. 'Eto naman si Kuya, masyadong manhid, kaya hindi manlang niya napapansin. I think talagan friend lang ang turing niya kay Gemini. sigh. Kaya kung ako sainyo, 'wahg kayong mainlove sa kuya ko, dahil sa huli sawi ang puso mo :(
Tito Zeiss--hmmm, Wala akong kaalam-alam sa buhay niya ngayon. He is just a serious and cold-blooded businessman now. Wala pa 'nga akong nakikitang babaeng nakakalapit sakanya, kaunti lang ang babaeng nagtatrabaho sa company niya, lalaki din ang secretary niya pati ang mga business partners niya. Isa lang ang masasabi ko saknya. He's a woman-hater. Kaunti lang ang nakakalapit sakanya na babae including myself, mom, Tita Chandria, Tita Erin, Lola (Arlyka's mom). Sigh, kailan pa ka siya magkakalove-life? Masyado ng seryoso ang buhay ni Tito, gusto ko naman na magkaroon siya ng isa pang dahilan para seryosuhin ang buhay ay; Relationship, commitment and marriage.