Chapter 13 JOHAN ZYRIL TORRES POV: Nakita ko ang pag nguso ni Envy pagkarating palang sa hideout namin. Umalis kami dahil bumili kami ng iilang gamit para dito. Anong problema niya? "What?" I casually asked, "Pwede ba ulit pumunta sainyo, Pride? I want to see your mom again..." napapoker face naman ako, pinagloloko niya ba ako? "Stop being a crazy fangirl to his mother, Envy. You're gross..." ani naman ni Wrath, lalo pang ngumuso si Envy sa akin. Hindi kaya matanggal ang nguso niya? Jeez "Psh. Kung makapagsabi ka ng kadiri, pareho lang tayo 'no! Akala mo naman siya wala rin paghanga sa mom ni Pride." ani Envy, napaiwas naman ng tingin si Wrath at hindi na nakapagsalita pa. Boom, nabara. "I never thought na napakabata pa ng itsura ng mom mo, Pride" saad ni Sloth sa akin, ngumiti lan