Chapter 14 JORDAN ZANIE TORRES POV: Sinundo ako ni Sean sa bahay gamit ang sasakyan nito, ayoko naman kasi gamitin ang kotse ko papunta sa school. I'm not an attention seeker, at si Sean 'yun. I looked at my schedule at nakita ko na magkapareho kami ng schedule ni Sean. The heck? "Hindi ka pumasa sa test?" napakamot naman siya ng batok at tumango, "Y-Yeah. Isang percent nalang pasado na ako 'e, pero wala 'e" napailing nalang ako. "Stem ang kinuha mo, at 85 ang nakuha mo? Jeez, alam mo naman na dapat 86 above dapat ang makuha mo diba? Paano ka niyan?" I asked him, bumuntong hininga siya "Kahit ayoko ng business, kailangan ko pa rin i-take. Pagbubutihin ko nalang, no choice ako" natawa nalang ako ng mahina. Kasalanan naman kasi niya, tch. Dumating na kami ZZU, yes—dito kami nag-aaral si