MASAYANG-MASAYA SILANG mag-asawa habang nakatanaw sa asul na tubig ng dagat na binabagtas ng cruise ship na iyon. "Thanks honey," ang malambing na wika ni Lira.
"You're always welcome hon," tugon sa paglalambing nito. "Padilim na kaya pumasok na tayo sa cabin natin. Its not safe daw maglagi rito.." ani ni Vince.
"Marami pa namang tao hon," angal pa ni Lira dahil gusto pa niya ung romantic scene nila. Tila ba sila sina Rose at Jack ng Titanic.
"Its would be better kung sa silid na natin ituloy ang yakapan natin.." bulong ni Vince na agad namang nakuha ang ibig sabihin ng asawa.
"Ikaw hon ha! Baka naman masundan na nito si Lyra. Nakangiting tukoy sa nag-iisang prinsesa nila.
"Ayaw mo noon, may junior na tayo.." tawang wika pa ni Vince.
Sa silid nga ay hindi na napigilan ang pagsilid ng maiinit na sandali sa piling ng isa't isa. Ang maaalab na halik ni Vince na tumutupok sa damdaming lumulukob kay Lira.
"Ohhh honey..." nahihibang na singhap ni Lira sa mapang-aliping haplos at halik ng asawa.
Tila sinisilaban si Vince ng sandaling iyon hanggang sa tuluyang angkinin ang asawa. Halos abot na niya ang r******************n ng biglang makita ang mukha ng asawa. Hindi ito si Lira. Pinikit ang mata at muling dinilat ngunit ibang mukha ng babae ang nakikita niya. Iyon ang mukha ng babaeng palagian nakikita sa kaniyang panaginip.
'Nahihibang na ba ako?,' maang na tanong ni Vince sa sarili.
Napayakap si Lira sa kaniya. Napansin siguro nitong napatigil siya at sa pagkakataong iyon ay malinaw na ang mukha ng asawa. Naguguluhan na siya. Bakit tila bumibilis ang pagkakakita ng babaeng noon ay sa panaginip niya lamang nakakasama.
"Honey, are you okay?" Yakap na tanong ni Lira matapos siyang umalis sa ibabaw nito.
Nakahilata siya at nakatingin lang sa kesame. "Honey, late kasi may nakikita akong babae. Noong una kasi ay akala ko sa panaginip lang ngunit kalaunan ay tila nakikita ko na siya kahit saan?" Hindi mapigilang sabihin rito ang babaeng gumugulo sa kaniya.
"Anong hitsura ng babae hon?" Nginig na tanong nito sa kaniya.
"Mga kasing tangkad mo siya honey, medyo bilugan ang katawan. Mabilog din ang mukha na may dimple sa magkabilang pisngi. Mahaba ang itim at tuwid nitong buhok." Pagbibinsa niya sa mga katangian ng babae. Nakitang napalunok ang asawa. "No worries honey, hindi naman ito nakasuot ng white kaya for sure hindi siya white lady." Bawi ng makitang tila nahintakutan ang asawa sa sinabi niya.
Tumawa na rin ang asawa kaya niyakap niya na lamang ito.
SAMANTALA, matapos ipasuri ni Wendy ang balakang ay napagpasyahan din niyang umuwi sa paupahang tinutukuyan. Kailangan niyang magpahinga lalo pa at medyo sumasakit pa ang pang-upo.
Saktong nakauwi na siya ng biglang mag-ring at si Gracie ang nasa kabilang linya. "Hello besh, kumusta!" Bungad rito.
"Heto maganda pa rin besh. Ikaw? Sa Baguio ka na ba?" Masiglang tanong nito.
"Yes and guess what?" Aniya ritong pambibitin.
"Nasampal mo na si Monique? Kumakain ka na ng apoy ngayon o nasarapan ka ba sa paglalandi kay Mr. Delos Reyes?"
"Gaga! Hindi noh..." sabad niya.
"Echoozz lang! Oh ano na girl. Ano nang update?" Maarteng chika nito.
"Guesss..." tila kinilig na natatawang wika.
"Ay! Alam na...nahanap mo na si Mr. Right?" Anito.
"Loka! Hindi noh. Sabihin na nating nakasama ko lang naman ang fiance ni Monique.." aniya.
"Ohhhh! No way!" Malakas na boses ni Gracie sa kabilang linya. "How?" Di makapaniwalang wika.
Hanggang sa kinuwento na niya ang nangyari at halos hindi maampat-ampat ang pagtawa nito sa kaniyang sinabi. "What an epic fail para magpapansin. So kumusta naman ang puwet mo girl?" Tawang-tawa pa rin ito.
"So far okay naman na girl. Salamat sa suporta ha! Pagtawanan talaga ako.." aniya sa kaibigang di maampat ang pagtawa.
"Sure ikaw pa! You're my best friend." Anito na di naman apektado sa himig pagtatampo niya.
"Okay sige na at mukhang nakakaabala na ako sa loving-loving niyo ni Jeffrey.." turan saka nagpaalam sa kaibigan.
Wala siyang nagawa kundi angbmag-order na lamang. Yaman din lang at hindi na siya nakapamili pa. Ngunit bago pa man siya makahanap ng oorderin sa isang reataurant menu na naroroon ay muling tumunog ang cellphone. Abala ang mata sa menu at sa pag-aakalang si Gracie iyon ay hindi na nagawang tignan kung sino ito.
"Besh, if magbubuska ka lamang sa pagkakabagsak ko sa mall—."
"Oh sorry!" Tinig ng lalaki kaya agad siyang napatigil.
"Oh sorry too. Who's on the line please?" Magalang na wika.
"Hi, this is Lyndon. Iyong nagdala sa'yo sa ospital.." anito.
Mas lalong tumamis ang ngiti ni Wendy ng marinig ang sinabing iyon ni Lyndon. "Oh hi! Napatawag ka, baka magselos ang fiance mo niyan.."
"Hindi naman. Actually kalalabas ko lang ng house nila. Heading home.." anito.
'Kaya pala.'
"Soooo...ba—kit ka napatawag?" Kunyari ay hindi iniekspek na tatawag ito upang kumustahin siya.
"Mangungumusta lang. Masakit pa ba?"concern na tanong nito.
"Medyo pero I'm getting better.."
"Are you sure. Tell me where are you so that I'll pay you a visit.." anito pa.
"Seriously I'm fine but if you insist then I will appreciate if your going to bring me dinner since hindi na ako makapagmarket." Malambing na wika.
"Oh sure. Did you like some pasta or some seafood? What do you like to eat?" Di magkandatutong wika.
"Any, hindi naman ako maarte.." sagot rito.
"Really?" Natatawang wika.
"Whats funny?" Di mapigilang wika.
"I just amaze. Ikaw na lang yata ang babaeng hindi maarte sa pagkain.." anito.
Tumawa siya. "Kahit ano kinakain ko kahit ikaw?" Flirt nito rito.
Tuluyang tumawa ito. "I like you.."
"I like you too.." ngising tugon dahil alam niyang halos abot kamay na niya ito. "Then see you later?" Aniya sabay baba sa tawag nito.
"Two step closer..." usal niya sabay ng pagtalim ng mga mata.
Matapos nga ng trenta minuto ay naroroon na si Lyndon at hinahanap siya. Buti na lamang at nakaayos na siya at nakapagbihis bago ito dumating. Mabilis na tinungo ang reception at naroroon nga ito.
Agad na lumawak ang ngiti ng makita ito at matamang naghihintay sa kaniya. "Hi.."
"Hi.."ngiti rin nito.
"Come.." aniya yakag sa unit niya. "He's with me.." paalam sa reception at tumango naman ito.
Nang makapasok sa unit niya ay agad nitong nilapag sa center table ang paper bags ng restaurant na inorderan nito. "Have a seat. Wait at maghahanda ako ng mga plates.." aniya sabay kindat rito.
Nakitang umupo naman ito at maya-maya lamang ay dala na niya ang ilang plates at kubyertos. Bumalik pa siya para sa glass at tubig. "Thanks for the food.." sweet na wika. Habang inaayos ang mga plato sa harap nito. Nakitang napalunok ito dahil sa pagkakalantad ng kaniyang cleavage gawa ng kaniyang pagyuko.
"Do you want some wine?" Tanong rito dahil may ilang bottle ng wine doon.
"Sure.." game na sagot nito. Batid na niyang effective ang pang-aakit rito. Mas lalo siyang napangiti ng makitansa isang sulok ang camera na set-up niya matapos nitong sabihing pupunta roon.
"Is it okay if I bring seafood paella, some garlic bread with braised chicken.." anito.
"Sure. I told you, kahit ano kinakain ko." Mapang-akit na wika sabay abot sa lalaki ang kopita ng red wine. "Cheers," aniya sabay upo sa malapit sa lalaki. Malapit na malapit iyon kahit malawak ang espasyo pero mas maganda kung halos magkiskisan na ang balat nila.
"Wow! This is great.." anito sa hawak na kopita.
"Yeah.." aniya saka nakipagtawanan sa lalaki.
Maya-maya ay masaya nilang pinagsaluhan ang pagkaing nakahatag sa harap nila. "Take this.." aniya sabay subo sa lalaki.
Ngumiti ito at tumingin sa kaniya bago sinubo iyon. "Oh...I really love paella. It was my favorite.." saad sa kawalan.
"Really, me too.." sabad naman ng lalaki.
"Really? Thats great to know.." aniya saka muling sinubuan ng lalaki. She knows na nakukuha lahat iyon ng kaniyang hidden camera.
Halos simot nilang lahat at nang mapadighay siya sa kabusugan ay nagtawanan silang dalawa. Pasimpleng sumandal siya sa balikat ng lalaki. "Kasalanan mo ito. Binusog mo ako!" Sisi rito habang nakadantay sa balikat nito.
Hindi naman ito umiwas kaya alam niyang gusto nito ang pagpapakita niya ng motibo. "You want more wine.." alok niya sa lalaki dahil nakitang mabilis nitong naubos ang alak na sinalin sa kopita nito.
"Yeah sure.." anito.
Agad siyang tumayo at kinuha ang isang bote ng alak ngunit bago iyon dalhin ay binuhusan niya na muna ng gamot bago binalika nito.
"Here's your wine.."
Agad naman nitong inabot na tila ba nauhaw. Batid na niyang nasadarang na ito sa kagandahang nakahatag rito. Suot ang white sleeveless at isang maiksing beige shorts. Muli siyang umupo sa tabi nito at sinadya niyang naidantay ang kamay sa parteng kaumbukan nito.
"Oaccchhh..." anito.
"Are you okay?" Patay malisyang wika na animo ay hindi alam kung bakit ito apektado.
"No!" Paos na nitong wika matapos inisang lagok ang laman ng kopeta nito.
'Its showtime..' aniya sa isipan.
Saka hinarap ang lalaki at tinangkang halikan. Hindi siya nagkamali. Dahil matapos niyang halikan ito ay sinibasib siya nito ng alak. Naglilikot na rin ang mga kamay nito.
"It would be better in my room.." anas rito. Gaya doon ay may camera rin doon. Mabilis na tumalima ito at hindi pa man sila nakakapasok ay agad na siya nitong niyakap.
"Lyndon, paano ang fiancee mo?" Aniya na animo ay nag-aalala pa.
Tumigil ito ngunit bahagya lamang iyon dahil tila nahihibang na ito sa kaniya. "Wait! Paano ang fiancee mo?" Giit niya.
Nakitang medyo nainis ito dahil nabibitin. "I don't wanna talk about her."
"Pero—,"
"Tell me. If you want I will broke up with her.." anito sabay sibasib sa kaniyang labi. Sa narinig ay napangiti siya. 'Si Lyndon. Its all yours,' aniya sa isipan.
Mabilis siya nitong binuhat sa kama niya. Mabilis din ang ginawang paghubad sa kanilang mga saplot. Naramdaman ang kabigatan nito. Ang paghalik nito sa kaniya pababa sa kaniyang dibdib. Sa leeg, sa punong tainga. Pabalik sa dibdib pababa sa puson hanggang sa maramdaman ang kabigatan nito na palatandaang tumalab na ang pampatulog na nilagay sa inumin nito.
Mabilis na inayos ang hinga ng lalaki saka siya nahinga at sumandig sa dibdib nito. Nakini-kinita na niya ang magiging hitsura ni Monique hapag nakita ang bed scene nila ng kaniyang fiance. 'Kung ano ang ginawa mo, iyon din ang babalik sa'yo.' Aniya sa isipan saka bumalik sa isipan ang sandaling napapayag siyang taglayin ang mukha ng isang Wendy Lyn Bustamante.
.
.
.
"Handa ka na bang makita ang mukha mo. Sorry pero hindi na namin nagawang ibalik pa. Masyadong maraming bubog ang pumasok sa mukha mo.." mahabang paliwanag pa ng doktor matapos ng halos isang buwang recovery sa ospital. Nang ilapat sa harap ang salamin ay nasindak siya sa kaniyang mukha.
Tumulo ang kuha sa kaniyang pingi dahilan ng paghapdi ng ilang buhay pang sugat. "Noooooooo..." palahaw niya. "Bakit?????" Impit na pag-iyak.
"Calm down Miss, maisasaayos pa naman ang mukha mo. May sensiya na tayo at kayang kaya ng ibalik sa dati ang mukha mo. Iyon nga lang ay kakailanganin mong sumailalim sa pastic surgery." Paliwanag pa ng doktor bago ito umalis.
Matapos siyang umiyak mag-isa ay nilapitan siya ng mga taong tumulong sa kaniya. "Kung gusto mo ay tutulungan ka namin. Kami ang gagastos pero sa isang kondisyon." Ang maang na wika ng mama Lourdes niya saka tumingin sa asawa nito na tila kumukuha ng kakampi. "Kailangan mong taglayin ang mukha ng aming anak na si Wendy."
"Ho!" Gilalas sa sinabi.
"Mag-isip ka. Maibabalik ang mukha mo at mabibigyan mo ng magandang buhay ang pamilya mo kung mamumuhay ka sa katauhan ng aming anak. Isang taon na ang nakakalipas ng kitlin ng aming anak ang buhay nito dahil sa isang babae. Inagaw nito ang lahat sa anak ko maging ang dapat ay mapapangasawa nito," kuwento ng mama Lourdes niya.
"Mag-isip ka hija. Hindi ba mas matamis maghigante kung marami kang pera at kaya mo nang tapatan ang mga taong umapi sa'yo?" Pangungumbinsi naman ng asawa nitong si Gerry. May punto ito. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang kanilang offer.
Ngunit humingi rin siya ng kondisyon ang mga ito. Matapos maipaghigante ang anak ay ibabalik rin niya ang mukha niya sa dati. Ayaw niya namang habang buhay na mamuhay sa katauhan ni Wendy.