CHAPTER 5

1339 Words
Mariin niyang nakagat ang labi niya at napayuko. Pulang pula ang mukha niya sa hiya. Wala na. Wala na siyang itatago pa sa lalaking ito. Nakita na nito lahat ang hindi dapat makita. Gusto niyang sabunutan ang sarili niya. Ba't ba kasi siya natulog?  Kung alam lang niya na ang kapalit ng ginhawa at sarap ng hot tub ay kahihiyan, sana hindi na siya nagbabad doon.  " Inumin mo na iyang tsaa at sumunod ka sa akin sa Library. " Said Ryu, pointing the  cup of tea on the bedside table.  Ilang sandali pa siyang tinitigan nito bago tunalikod at tinungo ang pintuan. Bago niya tuluyang maisara ang pinto, muli siyang lumingon sa kaniya sabay sabing,  " Huwag kang masyadong mag-isip. Your body wasn't attractive enough to seduce me. Kahit ilang beses pa kitang makitang hubad. "   Bago pa mag-sink in sa isip niya ang ibig sabihin nito'y naisarado na nito ang pinto.  She gritted her teeth. Makainsulto at makalait ang singkit akala mo sobrang guwapo.  Pero guwapo naman talaga. Naguumapaw. gusto  niyang sampalin ang  sarili nang ayaw sumang-ayon lahat ng senses niya na hindi nga  kaguwapuhan ang lalaking iyon.  " Bakit ba bigla-bigla kang magdedesisyon na pupunta ng Manila, apo? " tanong ni Lola Lupe kay Sabina nang ipaalam ng salaga ang pagluwas niya ng Manila.  " Sorry ho, 'la. Kasi may maganda pong trabaho para sa akin doon. At hindi po ba'y nangako ako sa inyong ipapagamot ko kayo sa Manila? Matutupad na iyon, 'la. Doon, mas malaki ang kikitain ko, makaiipon ako agad para sa pagpapagamot ninyo, " paliwanag niya sa kaniyang lola.  Ayaw niyang mag-alala ito kaya naman kinailangan niyang maghabi ng kuwento.  Totoong kikita siya ng mas malaki roon. Sa napagkasunduan nila ni Ryu, sasahutan siya nito pagkatapos ng isang buwan. Ang isang buwan na wala siyang sasahurin ay kabayaran sa sinira niyang kotse ng binata.  Ang plano niya noong una ay tapysin lang ang isang buwan para kuwits na sila, magtatrabaho kang siya para mabayaran ang atraso niya rito. Pero nang sabihin nito kung ano ang magiging trabaho niya sa Manila, naakit na siyang mag-stay ng higit sa panahong sinabi nito.  Magiging alalay lang siya ng kapatid nito. She'll just spend time for his younger sister... magkakapera na siya. Mas malaki ang kikitain niya kaysa sa pagtinda ng suman at kakanin sa bahay-bahay.  Pero hindi puwedeng isalaysay niya sa kaniyang lola ang lahat ng nangyari, kung paano siya biglang nagkaroon ng trabaho. Siguradong hindi siya nito papayagang lumuwas.  " Sabi naman kasi sa iyong huwag ako ang isipin mo. Matanda na ako at hindi na kailangan pang magpagamot sa Manila. Dapat ay mag-ipon ka para sa kinabukasan mo, apo. Dahil kapag ako ang inuna mo, walang mangyayaring maganda sa buhay mo. Walang maipapamana sa iyo ang lola mo, apo. "  Naiiyak niyang niyakap ang kaniyang lola Lupe.  " Lola naman, e. Huwag naman kayong ganyan. Kahit ano pang mangyari, ipapagamot ko kayo. Wala hong ibang mahalaga para sa akin kundi ang gumaling kayo. "  Kahit ano pang tulak sa kaniya ng kaniyang lola para harapin na niya ang kaniyang sariling buhay...hindi niya iyon gagawin hanggang hindi gumagaling ang lola niya.  Hindi niya kayang mawala ito sa kaniya. Ito na lang ang kakampi at kasama niya sa mundo. Hindi niya kayang mawala rin ito tulad ng mga magulang niya. Para sa ilang buwan na pagkawala niya sa piling ng lola ay inihabilin niya muna ito kina Aling Malena. Ang panilya lang ng kaniyang matalik na kaibigang si Ianira ang puwede niyang hingan ng tulong. At pansamantala'y sinamahan ni Kiara sng kaniyang iniwang lola. Pero nangako siyang once a month ay uuwi siya para sa lola.  Alas-tres ng hapon nang marating nila ang lungsod, sakay ng helipad ni Ryu. Sa rooftop ng malaki at mataas na hotel building sila lumapag. Nalula siya dahil first time niyang sumakay sa sasakyang panghimpapawid at first time din siyang makaapak sa Manila.   Nagtataasan at naglalakihang mga gusali ang sumalubong sa kaniyang paningin. A busy streets in the afternoon, ibang-iba sa lugar na pinanggalingan niya. Tahimik sa probinsiya, sariwa ang hangin at sagana sa yamang-kalikasan.  Dito sa lungsod ay kabaligtaran. Maingay, sagana ang pulosyon sa hangin dahil sa usok ng mga sasakyan at mga basura sa paligid. Idagdag pa ang noise polution. Nakahihilo sa sobrang dami ng tao.  " Hey, dude, welcome back! Kumusta ang bakasyon? "  Isang lalaki ang sumalubong sa kanila pagkababa sa helipad.  Nang humarap siya rito'y agad niyang nakilala. Ito ang lalaking na-meet niya sa Montana Construction Site. Si Xavier.  Nakipag-high five ito kay Ryu bago bumaling sa kaniya.  " Sabina, right? Nice to see you again, beautiful. Naaalala mo pa ba ako? "  Tumango siya at ngumiti. " Xavier, 'di ba? "  " Yep. I miss your suman. " He said smiling. " Pero ano palang ginagawa mo rito at bakit kasama mo si Ryu? "  Sasagot na sana siya nang maunahan siya ni Ryu.  " Huwag mo nang alamin. You don't have to know everything about her, Xavier. "   Mas lalo yatang sumama ang timpla nito. Kaninang nasa biyahe sila, hindi man lang siya inimik kahit magkatabi sila sa helipad.  Xavier chuckled. " Come on, Ryu,  huwag mong sabihing naniningil ka? Damn it, you can change yout car any moment. You're a billionaire, dude! " Naiiling at ngising-ngising si Xavier.  " Shut up dimwit. Ikaw ang may kasalanan nito. Give me the money and I'll let her go. "  Tumawa si Xavier. " You don't need money, Ryu. You need a woman. "  Makahulugang tingin ang ibinigay sa kaniya ni Xavier, saka kumindat.  " Nasa basement na ang sundo ninyo. Maagang pinapunta ni Sai si Mang Paeng dito. Excited ang 'lil sis mo na makita ka, dude. Bakit kaya? "  Bumaling ito kay Ryu, nakapagkit ang mapang-asar na ngiti at nakalolokong tingin sa kaibigan.  " You need a rest, Ryu. Mapapasubo ka na naman mamayang gabi. Your sister told me she already set your date with Lorielle Andrews  tonight. "  " s**t! I'm going. You know I don't date!  I hate blind dates for goodness sake! "  " Oh-oh, tell your naughty sister. Saireen was serious on finding you a girlfriend, dude. "  Nanatili siyang walang imik at nakikinig lang sa dalawang lalaki. Napansin niya ang pagtiim-bagang ni Ryu. Halatang nagpipigil sa galit. " That 'lil imp! "  " Pagbigyan mo na. No worry, kilala ko si Lorielle, she's beautiful and nice. Model siya ng bikini sa Delle Fashion. " susog ng kaibigan.  " So ikaw ang nagbigay ng info ng Lorielle na iyan kay Sai?! " asik ni Ryu.  Ano ba ang problema nito sa date? tanong ni Sabina sa isip. Nagtataka siya sa galit na nakikita kay Ryu. Ito pa lang yata ang lalaking nagiinarte pagdating sa date.  Pero sabi naman blind date iyon. May dahilan naman ang binata na aayaw sa setup na ganoon. But Ryu don't need blind dates. Sa guwapo nito... bakit iba-blind date  pa?  "Oppa! "  Pagbaba pa lamang nila sa sasakyan ay may sumalubong na ng yakap kay Ryu.  Naisip ni Sabina, marahil ito ang nakababatang kapatid ng binata.  " I'm glad your back, oppa! "  " Because? " Kunot-noong si Ryu. Halatang alam na niya ang dahilan ng kasiyahan ng kapatid sa pag-uwi niya.  Bumuka ang bibig nito pero naudlot nang mamataan siya. "Ohh, may kasama ka, kuya?" " Malamang. Nandito nga, 'di ba? "  Sinuyod siya ng tingin ng babae nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kapatid. " Our new maid? " Taas-kilay na tanong nito.  Gusto niyang bumusangot. Sa suot, oo na, mukha siyang katulong. Pero sa beauty niya... malayong pang-maid. Maglalako siya ng suman pero may ganda naman siyang ibubuga.  Marami nga ang nagsasabi no'n sa kaniya kapag nagbabahay-bahay siya ng suman. Hindi naman siguro bola lang ang lahat ng iyon para makatawad ang mga binibentahan niya.  " Bakit nasaan si Manang Luding? " Si Ryu, tinutukoy ang kanilang katulong.  " Kung hindi maid, ano? Uhmm... girlfriend?!" Bakas ang galak sa mukha ng dalagang singkitin sabay sugod ng yakap sa kaniya. "sae-eonni! " 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD