CHAPTER 6

1037 Words
SAMBAKOL ang mukha ni Sai nang mababaan ito ni Sabina sa sala. Mukhang kay lalim ng iniisip nito't hindi man lang namalayan ang paglapit niya. Panay pa ang hugot ng malalalim na hininga.  “ Operation palpak! ” gigil na anito at mariing pinindot pindot ang screen ng cellphone nito.  Napailing siya. Parang alam na niya ang dahilan ng mood swing ng dalagang Tan.  Tumikhim siya nang makuha ang atensyon ng dalaga  at agad naman itong lumingon sa kaniya. Bahagyang nagliwanag ang kanina' ay lukot na mukha.  “ Oh, Sabina, gising ka pala. Halika't saluhan mo ako sa tsaa. Pampawala ng sakit ng ulo. ” Ngumiti siya at tuluyang lumapit rito. “Good morning. Ang aga yatang sakit ng ulo 'yan, ah? ” Umupo siya sa kaibayong upuan ni Sai. “ Was it about your brother again? ” Marahas itong humugot ng hangin at pinitik-pitik ang yakap na throw pillow.  “ Nakakainis nga, e. Nagi-guilty ako at nabubuwisit. ” Napakunot-noo siya. This young Tan is really complicated. Guilty na pero nabubuwisit pa. Pero hindi siya nagsalita, hinayaan niya lamang itong maglabas ng saloobin.  “ Gusto ko lang naman na makalimot si kuya. I him to get over that woman who used and hurt him pero mukhang lumala lang yata. Kung alam ko lang na good friend ng Lorielle ang b***h na iyon, sana hindi siya ang kinuha kong blind date ni kuya. ”  Hindi niya alam kung ilang beses na niya narinig ang pangalang Lorielle sa ilang araw na naroon siya sa bahay ng ni Ryu.  Simula noong dumating siya sa Manila at makilala ang kapatid ni Ryu, wala na yata siyang ibang narinig kay Sai kundi ang blind date ni Ryu at siyempre kasama ang pagbibida nito ng pangalan ng maganda at seksi raw na bikini model.  Bawat oras ay ipinapaalala nito sng petsa kay Ryu sa takot na makalimutan ng kuya. Pero sino ba ang 'good friend' at 'b***h' ba tinutukoy nito?  “ He's drunk last night, kinda wasted. Halos hindi na makalakad. Mabuti at kasama si kuya Xavier dahil kung hindi baka napaaway na raw siya sa bar, ” pagbabalita nito.  “ Kasalanan ko, Sab. Disperada akong maihanap si kuya ng girlfriend para maka-move on na kay Yura. ” So Yura ang pangalan ng babaeng tinutukoy nitong 'b***h' and definitely Ryu's Ex girlfriend or... wife? “ He deserve to be happy. Mabuting tao ang kuya ko, Sabina. Mapagbigay,  maalalahanin, mapagmahal. I want to see him smile again like before. Noon wala pang Yura sa buhay niya. ” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito, she remained quiet and linsten to her. Guilt and sadness were written on her beautiful face.  “ Hindi siya tunay na minahal ni Yura. Batid ko na iyon noon pa man pero dahil mahal na mahal ito ni kuya, hindi ako nakialam. Sinuportahan namin nina mama at papa si kuya sa kabila ng kawalan ng tiwala kay Yura. Kasal na lang ang kulang sa kanila but Yura choose her career over my brother and their baby. ” Napamaang siya sa huling sinabi ng dalaga. Baby? May anak si Ryu kay Yura?  “ Two years live-in partners sila. Nabuntis si Yura pero pinaglaglag niya dahil ayaw masira ang figure at pangarap. Pagkatapos ay itinuloy nito ang planong maging international model at iniwan si kuya, ” walang gatol na salaysay ni Sai.  Napasinghap si Sabina nang marinig ang buong kuwento ng babae. Nakaramdam siya ng awa kay Ryu. Ngayon naiintindihan na niya ang pinanggalingan ni Ryu, ang kasungitan nito at ang pagiging tahimik at bugnutin ng binata. Kahit sinong tao, kung gano'n ang nakaraan... she can't blame Ryu kundi naaawa na siya ngayon dito.  Hindi rin niya masisi si Saireen kung hindi matigil-tigil sa paghahanap ng babaeng irereto sa kapatid. Mahal nito ang kuya kaya apektado rin ito sa sinapit ng kapatid.  Dangan lamang ay tila mali ang paraan nito. Tulad ngayon, magdamag na naglasing si Ryu dahil naipaalala lang dito ang nakaraan nila ni Yura dahil sa Lorielle na iyon.  “ Naiintindihan kita kung bakit ganoon na lamang ang pagnanais mong magka-girlfriend ulit ang kuya mo, Sai. Pero hindi yata tama ang paraan mo, ” tahasan niyang sabi.  Naniniwala siyang makakalimot din si Ryu pagdating paglaon, pagdating ng tamang babae para dito. Kusang maghihilom ang sugat na dinulot ng nakaraang pag-ibig nito.  Pero sa ginagawa ng kapatid ng binata'y posibleng lalo lamang mananariwa ang sakit sa puso nito. At nangyari nga kagabi.  Hindi man niya alam kung ano ang buong namgyari pero malakas ang kutob niyang ang naging paksa ng blind date ng binata ay sng Ex live-in partner nito. Natural, lalo nitong naalala si Yura. Kaya halos malunod na ito sa alak kagabi.  “ Hindi babae ang sagot sa problema ng kuya mo, Sai. Hindi lahat ng nakaranas ng pagkabigo sa pag-ibig ay panibagong relasyon ang lunas. ”   She coudn't believe she's sayin' this. Para siyang may pinanghuhugutan, samantalang wala pa nga siyang karanasan sa pag-ibig. Naranasan na ang infatuation or crush, pero ang umibig nang tunay sa isang lalaki, never pa.  “ Malay mo naka-move on na pala ang kuya mo at nagiingat lang sa pagpili ng babae nang hindi na maulit ang nangyari sa kanila ni Yura. ”  “ Nakalimot na ba iyon, e kagabi nga wala nang malay nang iuwi rito. ” Nakanguso ang dalagang ayaw maniwala sa huling tinuran niya.  Siguro nga hindi pa ito nakalimot, mahal pa rin nito si Yura. Dahil kung wala ka itong pagmamahal para sa dating nobya, e 'di sana hindi na ito apektado ngayon. Ganoon naman ang mga nababasa niya sa mga romance book at dramas. Kapag  naka-move on na ang bida sa taong nanakit ng kanilang damdamin, parang wala na ito sa kanila kahit magkasalubong pa sila sa daan. Pero itong si Ryu, mukhang hopeless pa rin.  “ Pero hindi ibig sabihin na itulak mo siya sa bagong relasyon, Saireen. Hindi ba mas maigi na hayaan mo siyang makahanap ng babaeng pagbabalingan ng pagmamahal kay Yura? Kung maihahanap mo siya ng babaeng papalit sa Ex niya, tingin mo magiging masaya ang kuya mo? You said you want him to be happy, then let him find it himself. Dahil siya lang ang makakaalam kung saan at kanino siya liligaya. ”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD