Kailangan kung umalis ngayon gabi dahil magkikita kami nila Marie at sweety. May misyon kaming tatlo sa sikat na hotel. Hinintay ko lang mag hating gabi para makatatakas ako. Nagprepare na ako nang gagamitin. Nag leather jacket ako na black pants at booties.. May huhulihin kami sa hotel base sa sinabi ni marie ngayong gabi daw sila magbibentahan nang drugs. Ako ang nabigay nang kape sa guard aantukin lang sila ng isang minuto tapos ay magigising na sila. Sa likod ako dadaan aakyat ako sa pader para hindi ako mahagip nang cctv.. Inalam ko lahat ng cctv para makagalaw akong malaya. Umakyat ako sa pader, pag baba ko may nahihintay sakin dala ang motor ko.
Pagdating ko sa Hotel nakaready na yung dalawa kong kaibigan. Nakatitigan lang kaming tatlo, alam n namin ang bawat gagawin.. tinignan ko ang relo ko kung hagip ako ng cctv, ang relong gamit nang SAA ay kakaiba dito mo lahat makikita, gawa to nang pinaka mataas na Agent Boss ng SAA sa US. Nagblinked ang relo ko kaya hagip ako nang cctv nakaarrow din kung saan banda ang cctv..
Nilagay ko sa tenga ko ang maliit na voice recorder na konektado kay Boss M, at ung nakatoka sa labas at sa aming tatlo.. May nakatoka sa labas nasa loob nang sasakyan, nakamonitor sa kanyang gamit na computer buong hotel, kita niya ang kalaban sa loob. Siya ang maglelead sa amin kung saan kami pupunta at hindi pupunta.. Kita niya sa computer ang bawat galaw nang kalaban, dahil bago kami susugod lahat nai set na, lahat palanado na pati hotel nadikitan na nang kung anu anong high tech na gadgets.
"Agent D."
"Agent S."
"Agent M."
"Get Ready in 10seconds. Goodluck! Go!" wika nang Agent na nakatoka sa monitoring nang buong hotel.
"Copy!" sabay na wika naming tatlo.
"Agent D sa 8flor ka dumaan may bantay sa bawat floor anim sila."
"Copy."sagot ko. Mabilis akong naglakad papunta 8flr.
"Agent M pagdating mo sa 10flr sa hagdan ka mag abang may apat na bantay dun."
"Copy." sabi ni agent M
"Agent S wag kang lumiko deretcho ka lang pagdating mo sa 12flr room number 8 nakadulo may labasan dun pababa nang hotel dun ka mag exit may anim na bantay dun."
"Copy." sagot ni agent S
Pagdating ko nang 8floor nakita ko ang dalawang lalaking nagmamanman binaril ko na. Nakarinig ako nang putok nang baril kaya umpisa na ang laban.
"Nakalabas na sila pasakay nang elevator.!" rinig kung sabi ni agent S
"Agent D lumiko ka pahagdan nang 6floor dun sila mag istop. May tatlong bantay kang makkasalubong be alert."
"Copy!" pagliko ko kita ko ang isa binaril ko sa kamay at paa. Paabante ako andun naman ung isang bantay pabaril siya sa akin kaya mabilis kong inunahan, deretcho akong bumaba, pagdating ko andun ung isa, kya mabilis akong nagkasa nang baril at binaril ko.
"Agent D in 10seconds bubukas na ang elevator sakay ang supect may dalawang bantay be ready." sakto naman nagdatingan ang dalawang kasama kong nakatutok din sa elevator.
"5, 4, 3, 2, 1 our mission finished congratulations Agents!" Pagkabukas nang elevator binaril ni Agent S ung isa, ung isa naman binaril ni Agent M at ako naman ang nakatutuk sa Boss nilang may hawak na attache case bag. Tinutukan ko lang pag pumalag deadball. Mabilis siyang bumunot nang baril pero syempre mas mabilis akong bumaril. Deadball!
Pag gising ko kinaumagahan. Ginawa ko ang every morning routine ko. Pagka tapos kung nagbihis lumabas na ako at nagpunta nang kusina. Nadatnan ko silang nagkakape.
"Good morning po sa inyo."
"Mag kape kana iha, para msinitan yang tyan mo." sabi ni nanay luz.
"Salamat po."
Nagtimpla akong kape ko at kumuha akong slice bread.
"Dumating pala ang pinsan ni senyorito dito daw muna titira." kwento ni mimi
"Napabalita kasing may nagbabanta sa buhay ni senyorito kaya sasamahan muna nang pinsan." kwento nong isang kasama namin.
"Desyang matinik ung pinsan ni senyorito mahilig yun sa katulad mong mgaganda mag iingat ka." sabi sa akin.
Natawa lang ako sa sinabi niya. Siya ang mag ingat sa akin.
"Ikaw bay may boyfriend na iha?" tanong ni nanay luz
"Wala po, hindi pa nagkakaroon."
"Sa ganda mong yan desyang NBSB ka pala?" natawa si mimi.
"Hindi pa yata, pinapanganak ang magiging asawa ko." pa joke kung sabi.
"Good morning." bati ni senyorito nakasandal sa pader na bungad ng kusina.
"Good morning senyorito may kailangan po ba kayo? tanong nila. Di ako tumingin, umiwas ako pinagpatuloy ko lang ang pagkape ko.. Sabi niya kasi layuan ko siya di layuan, kaya mula noon iniwasan ko na, ang mahalaga sakin ung trabaho ko matapos ko lang ang misyon ko move on na ako sa kanya.
"Good morning." tumapat siya sa mesang kinauupuan ko. Nkatitig siya sa akin. Anong trip nito, papampam.
"G-ood morning senyorito." iwas na iwas kung wika..
"Can you make me some coffee and bring it to my office please?" he said seriously.. Alanganing ngiti ko siyang tinignan.
"Right away senyorito." ngiti ko na sa kanya. Napatitig naman siya sa akin. Iba ang nakikita ko sa kanyang mga mata ngayon. Diko maipaliwanag. Bahala na nga.
"Thank you." umalis na siya sa harapan ko. Kinikilig ako anong nakain nun, nalawayan ko ba?
Napatingin ako sa mga kasama ko sa kusina, lahat sila nakatitig sa akin. Anong merun?
"Ano pong problema ang tatahimik nyo?" tanong ko. Biglang tumili si mimi..
"Desyang kinikilig ako sa inyo ni senyorito ayiii! pero infairness ha, bagay na bagay ang beauty mo kay senyorito kayo na ang loveteam ko ngayon.. Nagbreak na kasi ang kathniel kaya sa Desyang at dylan na ako susugal." loko lokong mimi kung ano anong pinagsasabi. Iniwanan ko na at nagtimpla na akong kape baka naghihintay na si senyorito.
Kumatok ako ng tatlong beses,.
"Come in." narinig kung sabi ni senyorito. Binuksan ko ang pinto at naglakad patungo sa desk niya.
"Saan ko po ilalapag senyorito."
"Sorry dito na lang." hinawi ang ilang mga papel para dun ko ilalagay ang kape niya.
"Thank you desyang." nagula ako sa pagtawag niya sa pangalan ko, ang bilis nang t***k nang puso ko. Inlababo ulit ako.
"A-m sige po senyorito lalabas na po ako." paalam ko, nakatitig lang siya sa akin. Pag sara ko nang pintuan ay siya namang labas nang kabilang pintuan. Eto ata ang pinsan ni senyorito.. Napatingin siya sa akin.Parang nagulat siya pagkakita sa akin.
"Wow, I didn't know there was such a beautiful woman in Dylan's house. Hi I'm Dan, Dylan's cousin." pagpapakilala niya, nilahad niya ang kamay niya. Tinanggap ko ang kamay niya wala namang masama. Pero ayaw bitawan ang kamay ko,. "Sir ang kamay ko po." naiinis kong sabi ang presko niya.Tinignan ko siya nang masama. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Nagulat ako peto di ako nagpahalata.
"I like you. You know everything I want I can get it fast." mayabang niyang pagkakasabi. Inikutan ko siya nang mata. Pwes ibahin mo ako dahil di kita type, ni wala ka nga sa kalingkingan nang pinsan mo.
"What's going on here?" tanong ni senyorito na nakakunot ang noo niyang tinignan ang kamay naming dalawa nang pinsan niya. Ngumisi si Dan. Inirapan ko siya. Hinila ko ang kamay ko. Bigla naman niya akong inakbayan. I was shocked big time by what he did. Kung di lang ako nababalat kayo nasampolan ko na to. Tinignan ko si senyorito, ang sama nang tingin sa akin lalo na sa pinsan niya.