"Come on Mr. Ching, matitikman mo lang ako kung ibibigay mo sa'kin ang gusto ko," malanding turan ni Ferra sa matandang chinese. "Siguruhin mo lang na hindi mo 'ko niloloko Ferra, dahil 'pag nalaman kong niloloko mo lang ako, alam mo na kung ano'ng magagawa 'ko sa iyo," turan nito na puno ang paghahangad at pagnanasa ang mga matang nakatingin sa napakagandang si Ferra, sinuyod nito ng tingin ang alindog ng dalaga. Tumaas ang sulok ng labi ni Ferra. Kailangan niyang mauto ang bilyonaryong chinese na ito. "Hindi ako nagbibiro 'pag sinabi kong ibibigay ko sa'yo ang katawan ko, madali akong kausap," malanding tugon ni Ferra. Kinuha niya ang daliri ng matandang chinese at isinubo iyon sa kaniyang labi. Napalunok ang matandang chinese. "Sige, ihahanda ko ang pera. Ano bang gusto mo?" tanong