Nilapitan niya ang kaniyang mag-ina. Napatitig sa Hugo sa batang katabi nito. Nakaramdam siya na tila kakaibang damdamin nang haplusin niya ang tantiya niya'y isang buwang mahigit na sanggol sa mukha nito. Aaminin niyang kamukha nga niya ang bata. Hindi niya pwedeng ipagkaila, napasulyap siya sa natutulog na dalaga. May kakaiba siyang naramdaman na hindi pamilyar sa kanya. Hindi niya matukoy kung ano. Akmang hahaplusin na sana niya ang buhok nito ngunit nag-alinlangan siya. Napaatras si Hugo, may galit siyang nadarama. Galit siya sa sarili dahil ni hindi man lang niya maalala ang kaniyang asawa. Nagpasya na lamang siyang lisanin ang kwarto. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng mansion. Napakalawak. Napadako ang tingin niya sa mini bar. Kumuha siya ng bote ng alak at isang maliit na kop